Chapter 3

12 1 0
                                    

Kenzie’s POV

Sumabay na ako kay Xymoun dahil nga may kailangan ako na papeles para sa school.

Hinihingi kasi sakin ng Teacher ko yung NSO ko.

Walang imik kaming naglalakad ni Xymoun ngayon. At biglang nasira ang katahimikan sa gitna ng paglalakad namin. Natigil kami sa paglalakad.

“Uhmm, Ako nga pala si Xymoun.” Pagsira niya sa katahimikan.

Alam ko naman na pangalan mo. DzUh.

“Xymoun Axel Martinez.”

Binganggit niya buong pangalan niya. Inabot niya sakin ang kamay niya.

“And you are?” Tanong niya sakin habang nakangiti.

“Kenzie.” Inabot ko din sakanya yung kamay ko. Syempre nakakahiya baka ngalay na siya hehe

“Kenzie Lindsay Rivera.” Banggit ko habang nakangiti.

Biglang may tumawag kay Xymoun na babae.

“Xymoun!!” Sigaw nang babae na galing pa sa kabilang panig ng daan. Nakangiti ito at kumakaway kay Xymoun.

Tumawid na yung babae at nakalapit na saamin. Maganda siya, may itsura, matangkad. Para siyang model ng isang magazine yun bang mga payat na matatangkad aarrghh...

“Uy ikaw pala” Sabi ni Xymoun sa babae.

“Ang tagal na nating hindi nagkikita ah.”

“Ahh oo nga eh.”

“Kamusta ka naman?”

“Ayos lang naman.”

“Hindi mo ba ako kakamustahin?”

Nakikinig lang ako sakanilang dalawa habang naguusap sila.

“Sino pala yung kasama mo?” Tanong nang babae kay Xymoun.

“Ahh Ehh Girlfriend ko hehe.” Sabay akbay sakin. Nabigla ako sa ginawa niya. Nanlaki mata ko sakaniya.

Wala akong kamalay malay sa sinabi niya at ginawa niya. I-inakbayan niya ako? O.O

Napansin ko yung mukha nung babae na parang biglang nawalan nang sigla. Nagiba yung mood niya.

Ex niya kaya yon???

“Ahh Okay... Sige, Mauna na ako.” Tanging sagot ng babae sakaniya. At patuloy nang umalis.

Sinigawan ko si Xymoun sa ginawa niya.

“BAKIT MO GINAWA YON?!” Galit na galit ako. Syempre, nakakagulat yung ginawa niya DzuHhH. MygAhd xYmOun.

“Ano kasi-”

“Ano?!” Pasigaw kong banggit.

“Ganto yon... May gusto siya sakin dati. Sinubukan ko siyang mahalin pero hindi nagwork, umiwas siya sakin non. Siguro, after 1 month nakipagayos din siya sakin.” Sagot niya sakin.

“Eh bakit kailangan mong magpanggap na girlfriend mo ako sa harap niya?” Tanong ko.

“Para hindi magkaroon ng misunderstanding. Baka sabihin niya gusto ko siya kasi kinakausap ko siya ulit... Baka sabihin niya pinapaasa ko siya.” Tss, bat naman yon magiisip ng ganon Dzuh.

“Basta, Magulo.” Yan nalang sinagot niya sakin.

Bakit kaya kailangan niyang gawin yon? Hmmm.

Hinayaan ko nalang...

“Una na ako ah... Wala naman nang ulan.” Banggit niya.

“Eto payong baka umulan ulit.” Abot niya sakin.

“Ay hindi na. Sige na, Dalhin mo na yan...” Sagot ko sakaniya.

“Sige na, Dalhin mo na. Please? hehe.” Abot niya ulit sakin.

Kinuha ko na yung payong para makaalis na din siya.

Dumiretso na ako sa kuhaan ng NSO para makauwi na din ako.



A/N: SORRY LATE YUNG UPDATE HEHEHE LOVE U GUYZ



Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now