Chapter 8

454 11 0
                                    

Utos dito, utos dun. Sunod dito sunod dun. Hindi magkamayaw ang mga tao dito sa opisina sa kakautos ng mga boss at kakasunod ng mga staff at secretary nila. Eh? Why are they in a hurry e ang aga aga pa naman? Napaaga kasi ako ngayon dahil yun ang nasa announcement section ng opisina and it is also stated there that all our paperworks should be accomplished by yesterday kaya nga napaovertime ako ng di oras e. Pero hindi magkandaugaga ang mga kaopisina ko.

"Bakit sila nagmamadali, may lakad?", tanong ko kay Trish sabay nguso sa mga aligagang tao sa office dahil nahihilo ako sa kakalakad nila.

"Hay naku Ja! Paanong di magmamadali yang mga yan e ngayon lang gagawin ang mga pinapagawa sa kanila kahapon. Humonda sila e", sagot naman niya.

"Anong humonda? Saka diba nila nabasa yung nasa bulletin board na announcement?", muli kong tanong.

"Seriously!? Honda, dimo alam?", balik niyang tanong sa akin. Umiling lang ako. Babaeng to, I wouldn't have asked had I known, right? Naku naman. Maliban na lang kung yung tatak ng sasakyan ang tinutukoy niya pero sigurado akong hindi.

"Well honda ang tawag kapag pagpatak pa lang ng alas singko impunto ng hapon e out ka na. What I mean is saktong 5 nakapila kana sa may biometrics", paliwanag niya. (Biometrics yung makinang binabasa ang fingerprint mo to identify kung naka-in or out ka na ng office.)

"At sa tingin ko, hindi yan sila nagbasa kaya parang di maanak na pusa ang drama nila. Napapala ng mga di mahilig sa current events e", dagdag komento niya. Si Trish talaga, nakadami na naman.

Malapit kami sa isa't isa. Siya ang una kong naging kaclose dito dahil bukod sa maboka e sobrang approachable pa. Nauna lang siya sa akin dito sa kumpanya ng 6 na buwan. And by the way, executive secretary ako ng presidente ng kumpanya at siya naman sa vice president. Madalas kaming magkausap dahil sa mga transactions in the absence of the president na kailangang maturnover sa boss niya. And yes, tama kayo ng nabasa. Undergraduate ako kaya ito ang kinabagsakan ko. Second year college lang ang natapos ko dahil sa hirap ng buhay. It's a long story kung bakit naghirap kami and I don't wanna talk about it yet. Baka madepress lang ako lalo.

Dumiretso na kami sa designated workplace namin. Magkalapit ang cubicles namin since magkatabi lang ng office ang bosses namin. Marami din kaming napag-uusapan at paminsan ang mga boss namin ang topic. Kung gaano kaistrikto ang boss niya, kung gaano kademanding at kung gaano makapagmando at kabagsik sa kanya. Pero nakakabilib kasi nakakatagal pa din siya. Tatawa tawa na lang ako dahil kabaligtaran ng ugali ng boss niya ang boss ko. Yung boss ko ay madalang magalit. Hindi istrikto. Kahit late ka pumasok basta alam mong magagawa mo ang mga pinapagawa niya on time. Nakakahiya tuloy pumalpak. Parati rin niyang sinasabi sa akin na hindi ko kailangang isubsob ang sarili ko sa trabaho dahil kailangan ko ding magrelax lalo kung dipa naman deadline. He even mentioned that things should be taken one step at a time which I would strongly agree. Magaan siyang katrabaho. Kaya sobrang blessed ko. Kaya naman sinusunod ko lagi ang mga payo niya. Mag-iinarte pa ba ako e boss ko na yun.

It has been a busy day actually. Nagkataon lang na konti na lang ang mga kailangan naming tapusin ni Trish for now that's why we both are more relaxed than the rest of us. Well, according to my boss, this is in preparation to the upcoming annual board meeting come June at kailangan daw maumpisahan na para magkaroon man ng problema, mareresolve agad. The financial standing, market share status, stocks, company's performance for the last 5 years are only few of the information that will be presented during the meeting. 1st week pa lang ng March pero pinaghahandaan na namin. We only collect data for last year's, since available na yung ibang taon prior to last year, from the head of all the departments as part of our job and have it summarize to be presented to our bosses during the company's quarterly meeting with of course the presence of the heads just in case may mga inquiries or clarifications. Sanay na ako sa mga ganitong eksena dahil 3 years na ako sa company. And yes, I was only nineteen when I started working here as an assistant ng aking predecessor that eventually resigned for some personal matters.

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon