Chapter 13

378 8 0
                                    

Hindi na namin muling pinag-usapan as a group ang biglaang pagbabalik ni Jepoy. I don't know. Siguro kasi matagal ng panahong di nagiging laman ng usapan or hindi na gaanong nabibigyan ng pansin. Wala din namang nagbago sa office, specifically speaking of Jepoy. Kung meron man, yun yung nakikipag-usap na siya sa mga empleyado but all related sa trabaho. Well, he has to do that para magkaroon ng rapport at para din alam niya ang bawat detalye patungkol sa kumpanya. Kung nag-uusap kami? Madalang pa din. Ang tanging pagkakataon lang na ipinatatawag ako ay para ibigay ang hinihingi niyang reports, nothing more. Demanding siya compared sa lolo niya. Diko alam kasi baka sa akin lang since ako lang naman ang lagi niyang tinatawag. Nasabi kasi ni Sir Franco minsan na pwede siyang magtanong sa akin dahil kabisado ko na ang kalakaran sa The Towers kahit konti. I doubt kung maniniwala siya. Masyado na bang mababa ang self-confidence ko? Hindi naman sa tingin ko but knowing Jepoy, taob na taob ako.

"Bebs, nagyayaya pala si Alex. Gala daw tayo sa clubhouse ngayon. Gusto mo? Tatambay lang tayo dun", bungad ni bebs. Magkasama na naman kasi kami ngayon dito sa bahay. Siya lang madalas ang napasyal dito kasi nga busy rin yung iba. Tamad kasi to e. Ayaw magtrabaho. Hehe. Dejoke. Maluwag lang talaga ang sked niya. Busy lang siya pag may mga orders. Siya din kasi ang nagdedesign sa ilan sa mga damit na binebenta nila. Hands-on siya I can say.

"Bakit? Anong meron at may paandar na ganyan?", tanong ko.

"Syempre, for old time's sake. Ayaw mo nun, makikita natin kung ano na ang pinagbago ng dati niyong bahay. Pero ayon sa balita ko, hindi naman natira dun yung mga bumili ng bahay ninyo. Hindi ko nga kilala kung sino sila e. Saka matagal na din naman na nung huli kang tumuntong dun", mahabang paliwanag niya.

Oo, kahit ako, hindi ko rin nakilala ang mga bumili ng dati naming bahay. Yung legal representative lang nila ang humarap sa amin para maclose ang deal. Hindi din naman kasi ako naging interesado dun dahil sa tindi ng pangangailangan ko that time.

"Aalis na ba tayo?"

"Aba himala! Hindi ka yata tumanggi ngayon bebs?" Sabi niya.

"Bakit pa ako tatanggi kung hindi din naman kayo papayag. At kapag pinagsama kayong dalawa ni Alex, wala ng makakakontra", sagot ko. Totoo naman kasi. Kahit ayaw mo mapapapayag ka dahil sila na ang gagawa ng paraan sumama ka lang. Ang thoughtful nila no? Tsk! Saka wala din si Buknoy kasi sinundo ng teacher nila. Magpapractice daw para sa presentation nila sa school dahil isa sila sa mga naka-assign to give entertainment sa board of trustees ng school nila.

"Sabi ko nga. Actually, Alex is on his way na. Sa sasakyan niya na lang daw tayo para dina maabala si Manong Roger."

Mayamaya pa ay dumating na si Alex kaya lumabas na kami ng bahay at pagkatapos masigurong naisara na ay sumakay na kami ni bebs sa wheels niya. Sa likod na ako sumakay para makaidlip pag may pagkakataon.

Habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. Madami na din palang nagbago dito. Hindi kasi ako madalas magawi sa parteng ito ng lugar namin. Sa lugar na to kasi e sosyal. Dika pwedeng pumunta dito na wala kang dalang pera, malaking halaga ng pera. Pangmerienda pa lang, pagkain na namin sa isang araw. Matindi! Simula rin ng mabenta ang dati naming bahay, hindi na ako nabisita sa subdivision. Para saan pa, diba?

"So Jaja, nakapag-usap na ba kayo?", tanong ni Alex na nakapagpahinto sa aking pagmumuni-muni.

"Oo pag may pinapagawang reports", sagot ko. Alam ko namang si Jepoy ang tinutukoy niya. Umayos na ako ng upo para maayos akong makipag-usap sa kanya.

"You know what I mean, Ja", seryosong sabi niya.

I sighed dahil wala na akong kawala dito. Sabi ko na nga bang magtatanong na naman to e. Interrogation moment na naman ito and this is so sudden.

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon