Chapter 1

2.2K 33 1
                                    

"Nakakainis ka naman e. Lagi ka na lang nananakit. Ang matindi pa, ako ang lagi mong napipili", naiinis kong sabi kay Jepoy. Kapit-bahay namin at kalaro ko. Kababata at matalik kong kaibigan. Nasa bahay kasi ako nila dahil pinauwi kami ng maaga ng adviser namin. Saka sabado bukas kaya okay lang na gabihin ako dito.

"E pano naman, napaka mo... napakaarte, napakaiyakin, napakabugnutin at higit sa lahat, napakapangit", sagot niya yan na may hand gestures pa na akala mo nagtatalumpati.

"Ang sarap mo kayang asarin lalo na kapag punumpuno ka ng uhog sa mukha. Nakakatawa! HAHAHAHAHAHAHA! Kung makita mo lang sana yang mukha mo sa salamin. HAHAHAHA!", dagdag pa niya.

Naiinis na talaga ako sa kanya. Tsk! Nakakayamot. Ang sarap lang pompyangin ang magkabilang pisngi niya. Arrrrgggghh! Tiningnan ko lang siya ng masama na may kasamang pag-irap at pag-ikot ng eyeballs para iparating na wala akong paki sa mga pinagsasasabi niya kahit na sa loob loob ko e nanggagalaiti na ako.

"Makikita mo, pag ako gumanda...", bulong ko sa sarili ko.

"ANO!? Sa itsura mong yan (sabay turo sa mukha ko), may igaganda ka pa ba? Hahahahaha! Wala ng pag-asa yang mukhang yan uy. Himala na lang kung gumanda ka pa", and he smirked.

Aba! Akalain mong narinig pala niya yun. E sa pagkakaalam ko e hindi naman umabot sa kanyang pandinig yun. Tsk! Lalo tuloy akong inasar. Nakakaloka ito. Tapos kung makangisi pa wagas! Haaay naku naman.

Nakakainis na talaga siya. Palagi na lang akong pinagtatawanan (Note the 'nakakainis' kasi nakakarami na ako ng gamit). Hindi naman talaga ako pangit. Ang lakas lang talagang mang-alaska ng mokong na to. Saka nakikihiram lang naman ako ng mga laruan niya e. Astig kasi ng mga laruan niya. May laruang baril, yung armalite yata yun, yung natunog kapag kinalabit ang gatilyo, at may robot din. Ah basta, astig! Ayoko kasi ng mga binibili sa akin ng Nanay. Puro barbie dolls o kaya naman yung mga laruang kitchen ware. I'm not fond of those stuffs, really.

"Ah sige, uwi na ako. Peram muna ako neto. Hehe", sabay taas ko ng hawak kong laruang de remote na kotse-kotsehan (pati remote syempre, anuba). At pagkasabi ko nun, tumakbo na ako para dina siya makapalag. Wais yata yo men! Hehe.

"HOY! BALIK MO YAN! HOOOOOYYY... AKIN NA YAAAAAAN! HOOOOYYYY JAAAAJAAAA!!! HUMANDA KA SA AKIN PAG NAKITA KITA ULIT!!!"

Hindi ko na siya nilingon at ipinagpatuloy ko na lang ang pagtakbo pauwi. Mahirap na baka makahabol pa ang mokong. Hehe. Ang totoo niyan, kada punta ko sa kanila, may inuuwi akong laruan at diko na sinosoli at buti na lang nakakalimutan din niya.

Mabuti na lang at malapit lang ang bahay namin sa kanila kaya mabilis kong narating ang bahay.

"Nag-uwi kana naman ng laruan ni Jepoy. Ikaw talagang bata ka! Alam mo bang panay ang sumbong sa akin ng kaibigan mo. Aba, nakakadami kana ng naipupuslit na laruan niya a. Pinupuno mo na yata yung kabinet mo e. Hindi na nga damit ang laman nun kundi mga laruan e."

Yan ang salubong na litanya ng Nanay. Ang haba no? Mali pala ako sa akalang dina naalala ng mokong ang mga laruan niyang nasa akin. Hehe. Pero teka, nakauwi na pala ang Nanay galing trabaho. Napaaga yata...

"Hehe! Ah 'Nay, maaga ho yata kayo ngayon? Anong meron?", tanong ko at dedma na lang sa mahaba niyang speech.

"Naghalf day lang ako kasi dadalo kami ng Tatay mo sa meeting daw mamaya ng home owners At naggrocery na din ako para sa stock natin kaya ngangayon lang ako nakauwi", sagot ng Nanay.

Oo nga pala, kada buwan e may pameeting ang presidente ng home owners dahil nakatira lang naman kami sa isang subdivision. Sosyal kasi kami nga mare. Haha!

"At Janela, wag mong iibahin ang usapan. Kailan mo balak ibalik ang mga laruan ni Jepoy? At napansin ko din na may kandado na yung kabinet mo a. Bakit?"

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon