Chapter 16

334 10 2
                                    

We are all expectant after that announcement. Hindi maikakaila ang excitement ng lahat ng mga narito ayon na rin sa mga naririnig kong mga komento nila. Nakita ko rin ang reaksyon ng mga kasama ko sa table. Napakaseryoso ng kanilang mga mukha. Alam kong nasabi ko na sa kanila na dumating na si Jepoy but to see him in person is a different story.

"Ayan na siya, ayan na siya...", narinig naming sabi ng mga nasa table malapit sa amin kaya naman napatingin kami sa direksiyon ng tinitignan nila. And there he was, walking papunta sa mini stage. Seryoso lang siya sa paglalakad. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mong suplado siya. Pero hindi e. Ganyan talaga siya. All eyes are focused on him. Natahimik ang lahat maging ang paligid dahil pinatay na muna kasi ni Monica ang stereo na pinaggagalingan ng music.

"Thank you for kaming, Geoff and again, welcome back!", sabi ni Monica ng makarating na si Jepoy sa stage at saka bumeso. Aysus!

"Batch! I know na excited na kayo na marinig si Geoff...", sus, if I know sa sarili niya sinasabi yan. "...kaya naman, I will now give the floor to him. Take it away, Geoff!" And she gave the mic to Jepoy na hindi umalis sa stage.

"Thank you Monica..." sabay tumingin kay Monica at hindi naman mapigil ang ngiti ng huli. Kasi nga noon pa man crush na niya si Jepoy. Masaya na siya sa ganyan. Haaay.

"And ladies and gentlemen, good evening at maraming salamat sa pagpapaunlak.", panimula niya.

"Matagal ko din kayong hindi nakasama lalo na sa mga ganitong event and with that I belive that I have so much things missed. I really wish I could be here all those times..." He paused as if composing his thougths para sa mga sasabihin niya.

"Well anyway, that's how life is, full of surprises. 11 years ago ng umalis ako kasama ang mga magulang ko papuntang US. And in that span of time, maraming nagbago, maraming nangyari. Happy thoughts, hurt feelings... marami." Habang sinasabi niya ang mga ito, nasa amin lang ang atensiyon niya. He is intently looking at our table. Matagal siyang nakatingin sa amin bago siya nagpatuloy. There's something in his eyes nung magkatinginan kami. The same eyes when we first met sa board room, nagagalit or namumuhi o baka feeling ko lang o kaya sadyang gumagala lang ang aking imagination.

"But we should not focus this celebration to me alone because this night is for all of us. So what more can I say. Let's enjoy!" And applause came after. Parang nung nagvaledictory address lang siya. Bumaba na siya sa mini stage and in-on na din ni Monica ang music.

Habang pababa si Jepoy, maraming nakipagkamay sa kanya at nakipag-usap. Nangumusta siguro. Matagal lang akong nakatitig sa kanya at narealize ko na malaki din pala ang nagbago sa kanya. Lalo siyang naging mature. Looking at him now, I came to be aware na napakalayo na ng agwat namin sa buhay. I don't have any issues about that noon. Pero ngayon, iba na. Abot kamay ko lang siya pero dahil sa hostility na ipinapakita niya, parang ang layu-layo niya. At hindi ko din alam ang dahilan kung bakit siya dumalo ngayon. I really doubt if it's all about reuniting with us.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Hindi ko hahayang masira ng pagdating niya ang appetite ko. Haha. Talk about defense mechanism. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa mga pagkaing kinuha ko. Ulit ulit na ba? Di bale, ngayon lang to dahil hindi ko alam kung anong iisipin ko. Hindi ko na lang binigyang-pansin ang presensya ni Jepoy. Lilipas din to katulad ng mga kaganapan sa opisina.

Nagkukwentuhan lang kami ng barkada. Inaalala ang mga kapalpakan namin which we usually do kapag ganitong magkakasama kami. Kung saan saan nga nakakarating ang usapan namin e. Ewan ko ba sa mga to dahil kahit paulit-ulit, may dala pa ding katatawanan. Saka gawain namin ang gumawa ng dialogue na kunwaring sinasabi ng mga napagdidiskitahan namin habang nakatingin kami sa kanila. I-gets niyo na lang. Hehe.

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon