Chapter 9

380 10 1
                                    

"First Honor goes to Jasper Santos!", the master of ceremony announced. Lumakad na ako papalapit sa stage kung saan naroon ang kapatid ko para isabit ang kanyang medalya. I'm a proud Ate, alam niyo ba yon? Hehe. Pagkasabit ko ng medalya nag-apiran lang kami then I hugged him tight dahil sobra akong natutuwa sa achievement ng Buknoy ko. Nagrereklamo na nga siya dahil maya't maya ko niyayakap. Daig ko pa daw siya kung magsaya. Anong magagawa ko e walang pagsidlan ang ligayang nadarama ko. Nagleave muna ako sa office para madaluhan ko ang recognition program ng kapatid ko at pinayagan naman ako ng boss ko since natapos successfully ang quarterly meeting happened few weeks ago.

Apat na taon ng consistent first ang kapatid ko sa school. Apat na taon na din akong umaakyat ng entablado para sabitan siya ng medalya at kung anu ano pang mga awards and citations. Dinaig ako. Talino ni Buknoy. You might be asking where our parents are. Well, they are gone with the wind. Dejoke lang. Wala na ang Tatay. Maaga siyang binawian ng buhay dahil sa isang aksidente. At dahil sa di nakayanan ng Nanay ang pagkawala ng Tatay, nadepress. Sumuko ang utak kaya kasalukuyang nasa isang Assylum. Nagdesisyon akong dalhin na siya dun para mas maalagaan ng mabuti at para malapatan ng tamang lunas. Nung mga unang araw na wala na ang Tatay sa amin, dina makausap ang Nanay. Tulala pagkatapos bigla na lang sumisigaw at iiyak. I was really bothered then kaya ipinatingin ko siya sa isang specialist and found out that she's suffering from mental illness na kung di maagapan ay mauuwi sa pagkabaliw. Buti na lang may naipong pera ang mga magulang ko kasama na din ang trust fund na inilaan nila para sa akin na siya naming ginamit sa medication ng Nanay. At yung pinagbentahan ng dati naming bahay ang siyang ginamit sa pambili ng tinitirhan namin ngayon at yung natira sa pag-aaral ni Buknoy. Ang sinasahod ko naman ang siya naming ginagastos para sa araw araw at kahit papano, nakakapagtabi pa din naman ako kaya malaki ang utang na loob ko sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko.

"Naks si Buknoy hakot award! Anong ipinakain mo sa Ma'am mo at nakakuha ka ng mga ganyan", pang-aasar ni Matt sabay turo sa medals at certificates na nasa envelop na nakalapag sa mesa. Nasa isang resto kami ngayon at kasama namin ang barkada sa celebration. Sinabi kong sa bahay na lang kami para dina magastos kaya lang nag-insist sila. Wala na akong nagawa.

"Nakuha lang sa charms Kuya Matt. Lakas ko makapogi points e", sakay ni Buknoy sa biro ni Matt sabay pinosisyon ang kanang kamay sa ilalim ng baba na parang sa Mr. Pogi search at kumindat.

"Whoa! Gimme 5 mga bro!", si Alex kay Buknoy at Matt. Nag-apiran silang tatlo. Haha! Nangiti at nailing na lang ako. Ganyan yang si Buknoy kapag si Matt at Alex ang kausap. Kwela!

"Oi, kayong dalawa, tigilan niyo nga si Buknoy. Para kayong mga ewan e. Kumain na muna tayo", pigil ni Ana. Tumingin lang sa kanya ang tatlo at sabay sabay nagshrug.

Ipinagpatuloy na naming kumain. Taun-taon na naming ginagawa ang pagkakaroon ng salu-salo tuwing si Buknoy ang first sa klase nila. Napagkasunduan kasi ng mga kaibigan ko na kapag nanguna si Buknoy sa klase, may celebration.

"Buknoy, pwede bang magsecond ka naman sa susunod, namumulubi na kami dahil sa'yo e", pagbibiro ni Onat.

"Kuya Onat talaga napakuripot. Minsan lang naman sa isang taon dipa ako mapagbigyan. Hindi ko naman kasalanan na mataas ang mga nakukuha kong grades e. Saka alam ko namang nakakapag-ipon ka pa din para sa kinabukasan mo at ng magiging pamilya mo, diba Ate Aby (tumingin kay Aby)?", walang prenong sabi ni Buknoy innosently. Namula naman ang dalawa. *face palm* Ang daldal mo Buknoy! Tsk!

"Hahahaha! Ayan kasi. Kapag bumanat, siguruhing walang balik. Feel na feel e. Hahahah - Aawww!", that was Alex na binatukan ni Ana. Ang epal kasi.

"We saw that!", Marie started sabay turo kina Onat at Aby. "Namula kayong dalawa. Halata kayo masyado e. Haha! Hindi masamang umamin. Tayu tayo na nga lang, ayaw niyo pang magsabi. That wouldn't harm you naman e. Saka we're friends sa why not make amin. When can we hear wed-asdfghh...", di na niya naituloy dahil tinakpan na ni Matt ang bibig niya.

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon