Chapter 15

321 14 0
                                    

Isang linggo na kami dito sa ospital dahil kinailangang maobserbahan ni Buknoy pero sabi ng doktor, makakalabas na siya mamayang hapon. Mabuti naman dahil kapag tumagal pa siya dito e diko na alam kung saan kukuha ng karagdagang pambayad. Mabuti na lang at mababait ang mga kaibigan ko. Naku, pati ang nga magulang ni Alex hindi naawat sa pag-assure sa akin na tutulong sila. Napamahal na kasi si Buknoy sa kanila. Paano naman kasi sa tuwing may lakad ang barkada, naiiwan sa kanila ang kapatid ko. Pati si Sir Franco, tumulong din sa gastusin. Dumating ang tulong ng hindi ko inaasahan and it's overwhelming kaya sobrang natutuwa ako. Pinaglileave din ako ni Sir Franco sa buong duration ng pananatili ni Buknoy sa ospital pero sumasaglit pa rin ako sa opisina para sa mga dapat maasikaso lalo kung may makakasama ang kapatid ko dahil hindi ko naman pwedeng basta iwan na lang kay Trish ang post ko. Marami din naman siyang ginagawa. Saka kailangan ko pa ring kumayod para makaipon konti.

Kung bumisita si Jepoy? Ewan ko. Di ako aware e. Pero parang hindi dahil wala namang nababanggit ang mga kasalitan kong magbantay sa kapatid ko. Wala din siya nung dumalaw ang lolo niya. Hindi pa kaya siya nakakaget-over dun sa hindi ko pag-inform sa kanya ng maaga-aga sa meeting niya? Yeah, I know. I'm overthinking.

"Ate, pasensya ka na kung pinag-alala kita a. Sorry Ate, mag-iingat na ako sa susunod", bungad ni Buknoy. Batang to talaga. Hindi na maawat sa kakasorry. Pero kahit naman sino siguro, sobrang mag-aalala kapag ganito ang mangyayari.

"Buknoy, hindi naman galit ang Ate e. Syempre mag-aalala ako dahil ayaw kong mapahamak ka", malumanay kong sabi.

"Kaya kita labs e. Payakap ako Ate. Namiss kitang kakulitan e", sabi nia kaya niyakap ko siya.

"Ano ba Buknoy, nakikiliti ako diyan!", reklamo ko. Kahilig kasing manghalik ng tenga.

"Itigil mo yan! Isa...", banta ko. Ugali na niya na yumakap sa akin, pagkatapos hihigpitan. Ginagawa niya yun para hindi ako makapalag pag nanghalik na ng tenga. At lagi niya akong naiisahan dun.

"Buknoy, dalaw - ay anu ba!", nakikiliti na talaga ako.

"I love you Ate", bulong niya sabay hinalikan ulit ang tenga ko saka siya bumitiw.

"Mukhang malakas ka na. Humanda ka mamaya pag-uwi", banta ko sa kanya.

"I know you can't do whatever you're thinking Ate dahil hindi pa ako pwedeng mapwersa ayon kay Doc. At isa pa, kapag daw may nangyari sa akin I'll just give a call to Sir Franco or kay Tito Juancho at Tita Vane (parents ni Alex)." Aba't nakahanap ng kakampi.

"See Ate, they all love me", he added and spread his arms gesturing the 'all'.

"Yeah, yeah. I know. That's why we'll all get worried if something happens to you", sabi ko naman. Tumango-tango lang siya.

Nagbalat ako ng orange at ibinigay sa kanya. Tumitig lang ako sa kapatid ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag pati kapatid ko mawala sa akin. Hindi ko siguro kakayanin. Masasaktan ako ng sobra. Thank God that He make my brother a fighter!

"Yo kiddo! You ready?", bungad ng the ever hyper kong kaibigang si Alex pagkapasok sa kwarto. Dumeretso siya sa kapatid ko at nagfist bump sila.

"I always am, Kuya!", sagot naman ng kapatid ko.

"Teka, akala ko ba mamayang hapon pa lalabas si Buknoy?", takang tanong ko.

"Nakausap ko na si Doc. Pwede na daw siyang lumabas ngayon dahil maayos na siya and everything has been settled and cleared." Napalingon ako sa kanya at napahinto sa pagbabalat ng panibagong orange.

"Come on Ja! Don't look at me na parang may ginawa akong krimen. It was all my parents. Sila ang nagbayad ng bills ni Buknoy. So I'm innocent! Nagseselos na nga ako dahil mas mahal na nila itong kutong lupa na to (sabay turo kay Buknoy) kaysa sa akin e." Saka niya ginulo ang buhok ng kapatid ko.

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon