Chapter 6

432 13 0
                                    

10 years later...

Yeah! Ten years have passed since then pero malinaw pa rin sa aking gunita ang bawat detalye ng mga kaganapan nung araw na yun. Worth reminiscing dahil isa yun sa mga masasayang alaala na kailanman ay diko malilimutan, isang alaala na mananatiling laman ng aking puso't isipan dahil ang araw na yun, saksi ang paliparan at ang mga taong naroon, ay nangako kami sa isa't... na magbabalik siya... na maghihintay ako...

Marami na ngang nangyari sa loob ng sampung taon, marami ding nagbago, maraming naganap at kung iisipin ko pa lalo, sasabog na ang utak ko. Diko na nga kayang isaisahin so there's no need to enumerate...

"AHHHH!!!", sigaw ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko so I wouldn't make any unnecessary noise dahil baka magising ang katabi ko. Tumingin ako sa alarm clock sa table na nasa side ng higaan ko at nakita kong alas-4 pa lang ng madaling araw. Tsk! Nakaalarm ako ng alas singko pero heto at gising na gising na ang diwa. Nakakafrustrate at alam kong ramdam niyo ako guys.~__~ Pero di bale, TGIF na. Makakapagpahinga din ako ng matino this weekend.

Humilata muna ako saglit at pumikit baka sakaling makatulog ako ulit o kaya naman makaidlip. But after 30 minutes, wala pa ring nangyari kaya bumangon na lang ako para makapaghanda ng maaalmusal at baon na din namin ng baby Buknoy ko. And speaking of him, tiningnan ko siya sa aking tabi at mahina akong tumawa. Baka magising e. Hehe. Paano naman e ang cute matulog. Nakalagay ang likod ng kamay sa may baba tapos medyo nakatingala konti na akala mo nagpapakuha ng litrato habang tulog. I kissed him on his forehead at isinunod ang pisngi niya.

"Ate naman e, kababangon mo lang kaya", pupungas niyang sabi at nagpout pagkatapos. Napangiti ako dahil may naalala ako sa itsura niyang yan. Nagising ko yata ang mahimbing na tulog niya. But I doubt dahil early bird din to e. Minsan nauuna pa siyang gumising at hinihintay ako para bumangon dahil nasunod din siya para tumulong sa paghahanda sa kusina. At madalas kapag dipa ako gising, siya na ang nanggigising sa akin.

"O ano naman kung kababangon ko lang?", reklamo ko.

"Ate, you didn't get it, did you?", he said habang bumabangon na din. Aba englishan pala a!

"Didn't get what?", maang kong tanong. Batang to, dipa ako diretsahin.

"You just kissed me, right?", tumango lang ako.

"That means, dika pa nagsisipilyo o kaya wala pang mumog. Don't you know that I might get infected because of that?", dagdag niya.

"WHAT!? Anong akala mo sa bibig ko, may rabbies!?"

"I didn't say that", sabi niya while shrugging. Aba, namumuro na tong batang to a, ang aga aga e. Tumayo na siya at may sinabi pa bago lumabas ng kwarto...

"Ate, kung bubuga ka, siguruhin mong dika mandadamay. Grabe! Amoy e! HAHAHAHA!", then he left.

"HOY Buknoy! Anong sabi mo!? Kinakausap kita. Bumalik ka rito, aba!", sigaw ko.

Hindi na ako pinansin. Niligpit ko na lang ang higaan namin. May araw ka rin kala mo. Kalakas talaga niyang mambuska. To think that he's only ten pero kung magbitaw ng linya akala mo kaedad ko lang. Taob na taob ako lagi. Tsk! Oo, tama kayo kung inaakala niyong kapatid ko siya. At kapag nasa mood ako, tinatawag ko siyang Pouty dahil bukod sa mahilig siyang magpout e nabuo siya dahil sa pagpout ng Tatay nun. You know what I mean? May pinagmanahan. Haha! Nasa 4th grade na siya sa elementary at sa Eastern University (EU) siya nag-aaral. Dito na siya since 1st grade dahil mas malapit sa kumpanyang pinagtatrabahuan ko at sa bahay para makatipid. At kung kalidad ng edukasyon lang din ang pag-uusapan, pumapangalawa ito sa Central University (CU) pero lower ang tuition fee. Kailangan kasing magtipid dahil mahirap na ang buhay.

Siya nga pala, lumipat na kami ng tirahan at binenta na namin yung dating bahay namin. Mas maliit nga lang ito pero nakakagalaw pa naman kami kahit papano. Bungalow type na may dalawang kwarto. Natural lang na may sala at kusina din. :P Basta, simple lang. Nagustuhan ko kasi yung location dahil tahimik.

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon