Chapter 14

336 9 0
                                    

"Ms. Santos, what time will you be submitting the reports I asked you?", si Jepoy sa intercom na nasa workstation ko. Anu ba yan, kakalabas ko lang ng office niya bakit dina lang tinanong kanina. Take note, kanina lang din niya sinabi yan sa akin.

"They will be at your table first hour tomorrow, Sir!", sagot ko.

"Can you provide this afternoon instead so I could start with my review and analysis because I will be using them in my meeting with the investors next week." Grabe naman to. Agad agad?

"I will try Sir." Maikling sagot ko. Mas safe. Saka ayaw ko ng magsalita pa dahil sa naiinis na ako. Baka kung anu lang ang masabi ko.

"Don't try. Do it!", yan lang ang sabi at ibinaba na niya ang telepono. Tsk! Nakakainis! Nananadya ba tong mokong na to! Pasalamat siya boss ko siya kung hindi kanina ko pa nasugod! Tsk!

Ang dami pa naman ng pinapagawa niya. Pinapacollate sa akin ang reports ng mga departamento dito sa company for the year gaya ng expenditures kasama na din ang explanations in case of material variances. Kung tutuusin, pwede niya itong kunin sa Finance and Accounting department. Hmmm, ayus! May naisip ako. I dialed the department's hotline. Hehe.

"Finance and Accounting, this is Mitch, good morning!"

"Hi Mitch, si Jaja to. Good morning din!"

"Uy Ja, napatawag ka. Financial reports na naman para sa boss mo?"

"Mismo Mitch! Kailangan ko yung variance explanation ng mga department simula nung January. Kasama daw kasi sa ipepresent sa meeting niya next week."

"Ay sige. Sandali lang at kukunin ko. Mag-uutos na lang ako ng magdadala diyan. Yun lang ba?"

"Naku salamat talaga, Mitch! Oo yun lang for now. Salamat ulit!"

"Walang anuman. Siya sige at ichechek ko na sa files namin. Bye!"

"Bye!"

Buti na lang at napalawak ko na ang social life ko lalo na dito sa company dahil sa mga pabor na kakailanganin para sa boss ko. Well, I know na magbibigay naman sila ng reports pero syempre iba pa rin kapag may emotional investment like friendship. Haha! Kung anu ano na naman ang naiisip ko. Si Jepoy kasi napakademanding, pati schedule ko nasisira.

Isa pa sa mga kailangan kong i-provide ay ang price list ng mga ginagamit na materyales ng kumpanya sa construction. Thanks sa Purchasing department. Hay grabe na to!

Katulad ng sinabi niya, ibinigay ko na sa kanya ang mga kakailanganin niyang reports by four in the afternoon. Balak ko nga sanang ibigay ng alas singko e dahil wala naman siyang sinabing oras ng pagpasa. Pang-asar lang. Haha! Di man lang nagpasalamat ang mokong. Nagmadali kaya ako. Well, anu pa nga ba ang aasahan ko. Nakumpirma ko na sa akin lang siya nagsusungit dahil kapag nagkukwento si Trish, puro positive ang binibigay na feedback. Napaka-approachable daw, masarap kausap. Eh? Parang diko naman nakikita yun kasi pagdating sa akin akala mo laging may dalaw. Paano napakaseryoso. Ayun.

Kinabukasan...

"Friend, ang saya natin a. Anong meron?", bungad na tanong ko kay Trish. Ngiting ngiti kasi at may pakanta kanta pa. Mukhang inspired ang loka at dipa namansin. Naghahum lang nung dina alam ang lyrics ng kinakanta. Di kaya natuluyan na to? Saka maaga siya ngayon, infairness. 8:30am to 5:30pm kasi pasok niya. Yun yung naging arrangement dahil may kalayuan din ang kanila dito sa office. Pumayag naman ang management since wala namang affected sa bagay na yun. Lumapit ako sa kanya dahil hindi siya namamansin.

"Hoy Trish!", sigaw ko. Maaga pa naman kaya ayos lang manigaw. Haha.

"Ay buntot ng kabayong unat!", tumingin siya sa akin saka umirap.

Right Here...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon