CHAPTER 7

407 17 3
                                    


"I want you to pose as my girlfriend. That way, lalayuan na ako ng stalker ko," kumpiyansang sabi nito na para bang siguradong sigurado ito na hindi siya tatanggi at genius nga ito dahil naisip nito ang napaka-galing na bagay na iyon.

"Stalker ang hinahanap natin, hindi lang basta ex-girlfriend na nakikipag-agawan sa atensiyon mo. I don't have to be your girlfriend. That would only endanger our lives. Paano kung magalit ang stalker mo at bigla na lang tayong patayin? That would be creepy," rason niya.

"But I want you to be my girl."

There was something strange on how he's said it. Maging ito ay natigilan matapos nitong sabihin iyon. She held her breath. For like a minute, they stared at each other's eyes like they were put into a trance. What's happening? She reluctantly blinked and cleared her throat.

"W-why?" hindi niya napigilang itanong.

He held her gaze and studied her face for a while. Akala niya ay hindi na ito sasagot. He propped his elbows on the table and inched towards her. Agad na nanayo ang balahibo niya sa pagkakalapit nilang iyon. She could feel his hot and minty breath. Hot be damned!

"I know you can feel it too," bulong nito sa nakaliliyong tinig.

"W-what do you mean?" kinakabahang tanong niya.

He grinned devilishly. "This." Muli nitong pinaglakbay ang mainit nitong tingin sa mukha niya. Then he inched closer towards her. Much closer. Napalunok siya. "Spark."

"S-spark?" parang tangang ulit niya.

"I want you."

Nakakadarang ang pagkakabitiw nito sa mga salitang iyon. Three words. Just freakin' three words and it made her world spin like a mad roller coaster. When her lips parted from shock, he groaned as if he was in pain. Then his eyes turned into that I-want-to-taste-that-mouth-look. Bigla siyang napaayos ng upo. Lalong lumakas ang tibok ng puso niya.

"I d-don't want you!" she nervously hissed.

"Liar," malutong nitong sagot.

Her body started trembling. Damn! How could he make her tremble with just one hot look? She vehemently shook her head. "Stop whatever you're doing. Right now!"

"What am I doing?" nakakalokong tanong nito.

"Y-you're..." napakurap siya. "S-seducing me!" she accused. He broke into a crisp laugh. Napapikit siya. Pati ba naman tawa nito, nakakapangapos ng hininga? She threw him a seething look. "I won't be your girl," she snapped. "So stop trying to seduce me 'coz it won't work."

"It won't work even if I'd kiss you right now?"

Tinignan niya ito ng masama. Kung ipapakita niyang naiinis siya sa ginagawa nito ay mas lalo lamang itong gaganahang asarin siya. So she shouldn't let him see that she was affected by whatever kind of seducing antics he was doing to her. Hindi siya basta bastang babae.

Hindi porke gwapo ito, mabango, hot at mayaman ay madali na lang siya nitong makukuha. Hindi siya sanay na tinitignan ng ganon kaya talaga namang inis na inis siya. Kung pwede nga lang hugutin ang eyeballs nito para iprito at ipakain sa daga, ginawa na niya.

"Stop hurting yourself, Mr. Claus," nang-uuyam niyang iling. "You can't be my man."

"Why not? I am hot and gorgeous. Mayaman din ako at matalino. I'm every girl's dream guy," iritadong angil nito. "So why can't I be your man?"

"Well, for the record, I am not every girl. I am Donnie Marie. Pangalawa, ayokong makipaglaro sa isang devil na kagaya mo. Que totoo o hindi, I don't want to be your girl. Period. Walang erase. Padlocked. Tapon ang susi sa dagat."

"Well, this devil holds your life's ultimate secret," naghahamong sabi nito.

It was her turn to narrow her eyes. "Are you that desperate to have me?" I am so honored, really," eksaheradang banat niya.

"But you want me as much as I want you," walang gatol na deklara nito.

Hindi makapaniwalang napailing siya. "Y-you're crazy!"

"Your eyes can't lie, sweetie. You. Want. Me," he said slowly.

The way he said those words gave her goosebumps. Why did it have to sound so erotic? "M-masyado kang bilib sa sarili mo. I don't want you. Alam mo kung ano ang gusto ko? Gusto kong umalis na kaagad sa harap mo kasi naiinis akong makita iyang pagmumukha mo!"

"I have my ways," he declared as if he'd just declared a war. "Kayang kaya kong patunayan sa'yo na tama ako at mali ka. And that we need to fix this sexual spark between us as soon as possible, bago pa may mabaliw sa ating dalawa."

"A s-sexual spark?!" hindi makapaniwalang sigaw niya. "Nababaliw ka na nga!" Pakiramdam niya ay pulang pula na ang buong katawan niya dahil sa sobrang pagkapahiya. "Alalahanin mong kailangan mo lang ako dahil sa ipinapahanap mong stalker! You are not supposed to flirt with me. Lalong hindi mo ako dapat sine-seduce ng ganito."

He playfully bit his lip. "But we want each other. And we can't deny that fact."

"I d-don't—"

"Darating ang panahong aamin ka rin. And when that time comes, you'll be naked, moaning and writhing underneath me while I take you to paradise," he said, seductively.

"B-bastos! That would never happen!"

"Wanna bet on that?"

His eyes burned with desire as he stared at her flushed face. Pasimple siyang napalunok. Could she handle him? Her head mentally shook. No. Hindi niya ito kaya. Sa oras na pumayag siya sa larong hinahabi nito ay natitiyak niyang matatalo siya.

"W-we don't have time for this! Hindi ba't—"

"Ikaw ang kauna-unahang babaeng tumanggi sa'kin. Nobody does that to Dasher," he said, obviously pissed off. "And besides, wala ka namang dapat ikatakot, diba? Since sabi mo nga ay ayaw mo naman talaga sa'kin. Let's just assume that while you're working for me, we are also playing a game. Who'd win between us? Exciting malaman kung sino ang mananalo, diba?"

Napailing siya sa kabaliwan nito. "Nakikipagpustahan ka ba sa akin?"

"If you win, I'll let you go. Hinding hindi na kita pakikialaman. But if I win, I'll have you. No hard feelings. How's that?"

Napalunok siya. Sex, he was betting about having sex with her. He must be crazy. Or she must be crazier for feeling excited. "H-hindi ko papatulan iyang game na sinasabi mo."

Bigla itong napangisi. His sexy eyes exuded triumph that infuriated her. "Very well then. Iisipin ko na lang na ang pagtanggi mo ay tanda ng pag-amin mo na tama ako. This game isn't over sweetie. Titigil lang ako kapag nakuha ko na ang premyo ko."

Iyon lang at tumayo na ito. Ni hindi na siya nakapag-react dahil mabilis na itong tumalikod at naglakad palabas ng bar. Sa ginawa nito ay hindi niya napigilang mainis. Nanggagalaiting napatitig na lamang siya sa papaliit nitong likod. Makakatrabaho ba talaga niya ito? Noon palang ay nakikinita na niya ang maalab na bangayang mamamagitan sa kanila.

She vehemently shook her head to erase the x-rated scenes that suddenly played inside her head. Ano ba'ng pinag-iisip niya? Marahas siyang tumayo at naglakad palabas ng coffee shop...habang pinapaypayan ang namumula niyang mukha.

A/N : Stop muna rito. Pahinga muna ang ABS ko, popost ako ulit bukas. hahahahahah! Labyu :-*

DASHER: THE DASHING DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon