CHAPTER 21

357 16 0
                                    

GAANO ba kahirap ang magpaalam sa taong mahal mo? Hindi malaman ni Donnie Marie kung paano niya sasabihin kay Dasher ang kanyang napipintong paglayo. Yes, she's decided to stay away from him for good. She didn't deserve him. Dahil ang tanging kaya lamang niyang ibigay kay Dasher ay puro gulo at kapahamakan.

She could never undo her past. Alam na sa buong Pilipinas ang pagkatao niya. Mystique Agent has been out in the open. She smiled bitterly. Batid niyang nagtitipon tipon na ang mga taong nasagasaan niya sa kanyang mga naging trabaho dati para paghigantihan siya.

Ex-mayor Daguio has already started. Hindi na niya kailangan pang maghintay ng kagaya nito para paghigantihan siya. At kung may isang bagay man siyang hindi niya mapapayagang mangyari, iyon ay ang madamay si Dasher sa mga gulong kasasangkutan niya.

She's never been afraid of her own life. Alam naman niyang sa huli ay mamamatay din siya. Kaya nga wala siyang pinayagang makalapit sa kanya, diba? Para sa oras na dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, no one would be hurt. It wouldn't be hard for her too.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa nakatiklop na papel. It was her letter for Dasher—her love letter. She stared at her letter with teary eyes. Sa sulat na iyon ay sinabi niya ang lahat ng nais niyang iparating dito. She'd professed her love for him. She'd apologized and thanked him for everything he's done for her.

Napatingin siya sa bed side table. Lumapit siya at marahang inilapag doon ang liham na ginawa niya. She heaved a heavy sigh. It would be her last goodbye. There's no coming back. Naglakad siya patungo sa pinto. Lumabas siya, diretso sa harap ng pinto ni Dasher.

Ilang sandali siyang napatitig sa pinto bago niya nagawang iangat ang kanyang kamao upang kumatok roon. She willed herself to smile even if her heart was dying inside her. When Dasher opened the door, she almost burst into tears. Sa halip ay pinalawak niya ang kanyang ngiti. Rumehistro ang pagkagulat sa mukha ni Dasher.

"Donnie Marie? What's wrong?" nag-aalalang tanong nito.

"I c-can't sleep," nahihiyang sagot niya.

Napabuntong-hininga ito. "Everything's going to be fine, trust me."

"Can I come in?" she asked apprehensively.

He froze. "O-of course you can. Halika," kunwa'y yakag nito sa kanya sa loob. "Maupo ka muna rito. Would you like something to drink?" alok nito sa kanya.

Pinaupo siya nito sa sofa na nasa bandang gilid ng maluwang na kwarto nito. It was near the window, kaya naman tanaw niya ang maliwanag na buwan at mga bituin sa kalangitan.

Mataman niyang pinagmasdan si Dasher habang kumukuha ito ng maiinom nila sa ref na nasa bandang dulo ng mini bar sa loob ng kwarto nito. Her eyes couldn't leave him. Nais niyang punuin ang kanyang isip ng mga alaala nito. His eyes, his hands, his smile, his snort, even his sigh—lahat ng iyon ay mami-miss niya. She ducked her head to hide the glistening of her eyes.

"Sweetie..." nahihirapang anas ni Dasher. Ni hindi niya napansing nasa tabi na pala niya ito. Marahan nitong hinawakan ang mga kamay niya at tsaka pinisil iyon.

"T-thank you for everything," she whispered.

Biglang sagot ay niyakap siya nito. She closed her eyes to savor his touch. Napakahirap naman ng sitwasyon niya. She hugged him back. Sobrang higpit. Ayaw na niya itong pakawalan pa. Kahit ngayong gabi lang. Because after that night, she would leave him forever. Ngunit hindi siya bastang aalis sa buhay nito. She needed something that would make her survive those coming sleepless nights of her lonely life.

Isang bagay na alam niyang magpapatibay sa kanya sa kanyang pag-alis—magpapatibay sa pagharap niya sa panibagong buhay na kakaharapin niya at magbibigay sa kanya ng mga alaalang babaunin niya hanggang sa kanyang pagtanda at pagkawala sa mundo. She would give herself to him. Ibibigay niya ang kanyang sarili ng kusa at ng buong pagmamahal. Nais niyang ipadama rito ang kanyang pagmamahal sa kahuli-hulihang pagkakataon.

DASHER: THE DASHING DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon