NAGMAMADALING hinabol ni Yaya Jing sa labas ng bahay ang kanyang alaga na si Jiwon Natividad. Bitbit niya ang isang payong, lunch box, at tumbler na puno ng mainit na tsaa. "Jiwon, anak! Sandali laang! Itong batang 'to, parati na lamang nagmamadaling pumasok sa umaga!" Ipinasok niya sa loob ng kotse ng dalaga ang lahat ng kanyang bitbit.
Jiwon's eyes slightly widened at the sight of the black tumbler na ipinatong ng kanyang Yaya sa passenger seat. "Ya, don't tell me... ang laman ulit ng tumbler na 'yan..."
"Oo naman! Dinamihan ko na ang tubig, kaya inumin mo na. Maniwala ka kasi sa akin, 'nak. Maganda ang naidudulot niyan sa nervous system, digestive system, at kung ano-ano pang system sa loob ng katawan ng tao."
"Pero, ya..." Bakas sa mukha ng dalaga na hindi niya pa rin gustong inumin ang herbal tea na iyon, despite of hearing the benefits of it again for the nth time.
Isinara na lamang ni Yaya Jing ang pinto sa passenger seat upang hindi na niya marinig pa ang reklamo ng kanyang alaga. "Sige, 'nak, mag-ingat ka sa pagmamaneho." Dalawang tapik ang ginawa niya sa hood ng kotse, bago kumaway.
Napabuntong hininga na lamang si Jiwon dahil sa kakulitan ng kanyang yaya. She started the car's engine and drove away.
The gray clouds above were giving a melancholic atmosphere sa buong probinsya ng Yonhwa. Nagbabadya iyon na kahit anumang oras ay maaaring bumagsak ang malakas na ulan.
While driving patungo sa YCDO, Jiwon's cellphone suddenly rang. Nakita niya sa screen na ang kanyang papa ang tumatawag kaya't mabilis niyang isinuot ang wireless earphone at sinagot iyon. "Yes, pa?"
"Jiwon, ano 'tong dumating sa aking balita na hindi mo daw binitawan ang False Suicide Serial Murder Case kahit na natransfer na ang case na 'yon sa SCID? At ikaw pa mismo ang humuli sa suspect!" Naroon ang galit sa ma-awtoridad na boses ni Commissioner General Natividad.
Inaasahan na ng dalaga ang sermon na iyon mula sa kanyang ama. In fact ay pinag-isipan niya magdamag kung anong rason ang ibibigay niya upang hindi ito magalit ng sobra. "Pa, I'm sorry. It was my first case—"
"I don't need your explanation. We already talked about this. Sa susunod na pairalin mo na naman ang katigasan ng ulo mo, alam mo na kung anong mangyayari."
Jiwon's eyes wavered. Bago pa siya makapagsalitang muli ay pinutol na ng kanyang papa ang linya. She gasped hard as she steered the steering wheel upang mag-overtake.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHighest Ranks Achieved: #1 investigation, 17 detective, #2 logic, #2 deductions, #1 wannaone, #10 police, #7 dead Yonhwa Province acquired a new name 'Land of the Missing Children' nang magkasunod-sunod ang pagkawala ng mga bata sa naturang probinsy...