Chapter XXX - Brave and Competent

1.4K 93 3
                                    

​     It was perfectly like the climax in an action-romance movie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​     It was perfectly like the climax in an action-romance movie. Magpapakabayani ang leading man para hindi masaktan ang leading lady. He will do the fighting, while she will close her eyes at magmumulat lamang kapag natalo na ng leading man ang lahat ng kalaban. It was just like that... sa wishful thinking ni Lieutenant Lim. If only Jiwon was that kind of girl.

​Matapos marinig ni Jiwon ang kinakalawang na linya ni Lieutenant Lim na 'Dito ka lang. Ako nang bahala.' ay inilabas niya rin iyon sa kabilang tainga. She actually wished na hindi niya iyon narinig. She hate to be someone else's responsibility. She's a well trained licensed policewoman aside from being a Profiler for goodness sake! Hindi na siya isang high school student na walang alam sa self defense. Bagamat alam niyang aware doon si Lieutenant Lim at sinabi lamang nito ang nakakakilabot na linya para magmukhang cool, mas nagkaroon siya ng dahilan upang umaksyon. The moment na nakita niyang may hawak na revolver ang isa sa tatlong lalaking nasa pinakaharapan, agad siyang pumwesto sa kanang tagiliran ng binatang lieutenant. Ipinatong niya ang kanang palad sa mga kamay ni Lieutenant Lim na mayroong hawak na glock 22.

​"Jiwon..." there was confusion on Lieutenant Lim's whispering voice. Hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa mga lalaking kaharap na mayroong sampung metro ang layo, ngunit ang kalahati ng kanyang atensyon ay nakuha na ng dalagang may hawak ng kanyang mga kamay.

​"It's okay. Just trust me," Jiwon said softly. Tulad ni Lieutenant Lim ay nakatitig rin siya sa mga lalaking kaharap. Slowly and carefully, she pushed down his hands. Kinuha niya mula sa kamay ng binatang lieutenant ang glock 22. Marahan niyang ibinaba iyon sa maalikabok na sahig, sinipa palayo, bago muling tumayo nang maayos.

​"Parak?" pasigaw na tanong ng lalaking may hawak ng revolver. Kung pagmamasdan maigi ay masasabing kahawig niya ang dating sikat na komedyanteng si Babalu. Ganoong-ganoon ang hugis ng kanyang mukha.

​"Hindi kami nagpunta dito para hulihin kayo. Itong kasama ko," Jiwon glanced at Lieutenant Lim. She gave him a look na parang sinasabi nitong 'Ito ang gusto mo, right?', then looked back at the gang. "Wala na siyang baril. Kung okay lang sa inyo, gusto niya kayong hamunin ng lalaki sa lalaki. Walang baril. Kamao lang," she sounded like a host in a fight na sisigaw ng Ready? Fight! anytime na magkasundo ang dalawang corner.

​Mayabang na napangisi si Babalu-look-alike. Tila ba pahiwatig iyon na nagkamali ng kinalaban ang binatang lieutenant. Ibinaba niya sa sahig ang revolver, pagkatapos ay pinatunog niya ang kanyang kamao at ang kanyang leeg. Then he haughtily lifted his middle finger. Iyon ang pinagalaw niya upang palapitin ang nagkamaling lieutenant.

​Lieutenant Lim glanced at Jiwon. Hindi niya mabasa ang tinatakbo ng isipan nito. Yes, sinabi nga niya ang makalawang na linya kanina upang magpa-impress, ngunit hindi niya inaasahan na bibigyan nga siya ng pagkakataon ni Jiwon na gawin iyon. Ngayon ay niyayaya pa siya nitong umatake gamit ang slight forward movement ng ulo. Setting aside the mysterious thoughts of Jiwon, tuluyan siyang humakbang pasulong sa mga naghihintay na kalalakihan.

​Twenty two men swiftly scattered around to form a wide-enough-circle na magsisilbing ring ng kanilang bossing na si Babalu-look-alike at ng nagkamaling binata na si Lieutenant Lim.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon