Chapter XXXV - Right To Remain Silent

1.2K 80 6
                                    


​ Malinaw na ipinaparating ni Detective John Alinas sa kaharap niyang matandang prosecutor na hindi siya magsasalita kahit na anumang itanong nito at sabihin sa kanya sa loob ng nakaka-intimidate na interrogation room ng YCDO. He was literally practicing his right to remain silent and literally giving a hard time sa mga natirang miyembro ng Ace Team. Right at the moment he was arrested, isinumpa niya sa kanyang sarili na kahit na anumang mangyari ay hindi niya ibubuka ang kanyang bibig. He also promised to himself na sa oras na makalaya siya ay siya mismo ang puputol sa ulo nina Islaw at Hito na napag-alaman niyang ikinanta ang kanyang pangalan.

​Ipinatong ni Prosecutor Del Mundo ang cellphone na nakabalot sa transparent evidence bag sa lamesang nakapagitan sa kanilang dalawa ni Alinas. He saw how Alinas threw a simple glance at the object and acted as if it was nothing special. Alam niyang mahihirapan siyang pigain ito, but he never thought that it would be this hard. He crossed his legs and arms, and stared at the stubborn man in front of him. "Ikaw ang pumatay kay Ms. Hansel Dumayan."

​Alinas leaned forward. Ipinatong niya ang dalawang siko sa lamesa at pinagsaklob ang dalawang kamay. He was staring directly at the old man's eyes as he smiled evilly like a psychotic serial killer na pinagmamasdan ang kanyang susunod na biktima. For him it was entertaining. Entertaining in a sense na kahit kailan ay hindi malalaman ng kahit sino man ang totoong nangyari nang gabing namatay si Dumayan. Siya lamang ang tanging nakakaalam.

​Prosecutor Del Mundo got up and walked slowly patungo sa likuran ni Alinas. His one hand rested on the corner of the wooden table and the other was laid on Alinas's wounded shoulder. Itinapat niya ang kanyang bibig sa tainga ng matigas na detective at parang isang tusong ahas ay binulungan niya ito, "Ikaw ang pumatay sa kanya at hindi 'yon tanong. Nasa cellphone na 'yan ang lahat ng ebidensya laban sa'yo. Ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi ka na makalabas ng kulungan." Pasimple niyang pinisil nang mariin ang balikat ni Alinas at tinigilan lamang nang mapasigaw ito sa sakit. He circled the table and took the evidence with him palabas ng interrogation room.

​Naiwang galit na galit si Alinas sa loob ng madilim na kwarto. He was catching his breath as he looked upon the one way mirror na para bang nakikita niya ang lahat ng mukha ng mga taong naroon at nanonood sa kanya. He stared at them like he was casting an evil spell through his mind. Lalo lamang tumibay ang kanyang paninindigan na h'wag magsalita. What happened to Hansel Dumayan will never be revealed to anyone, gayon din ang lokasyon ng mga bata. Screw that old prosecutor for threatening him with that damn mobile phone. Paano ba iyon napunta sa matandang iyon in the first place? He cleaned the place thoroughly for goodness sake! So how come that the old prosecutor got the hold of that darn mobile phone?

​Traveling his mind back to that night, he tried his very best to figure out what went wrong at kung saang parte ng unit niya nakaligtaan ang ipinagmamalaking ebidensya ng kanyang kalaban.

Matapos nilang paghatian ni Lieutenant Lim ang mga natirang lokasyon ng abandonadong gusali at warehouse na hindi pa napupuntahan ng grupo ay nagderetso siya sa Nightingale Exclusive Condominium at doon nakipagtalo kay Hansel Dumayan.

​Hindi matanggap ni Hansel ang maliit na halaga ng kanyang porsyento sa pagdukot niya sa tatlong bata. She asked for a higher amount and threatened Alinas na kung hindi nito dadagdagan ang bayad sa kanya ay tatawag siya sa mga pulis upang magsumbong. Nauwi ang kanilang pagtatalo sa hindi magandang pangyayari. Pilit siyang pinainom ni Alinas ng levomethorphan. As she lost her consciousness, Alinas stripped her and cleaned her in the bathroom. Ginupitan siya nito ng kuko at ibinabad sa bathtub. At habang patuloy sa paglilinis ng buong unit si Alinas, she regained her consciousness. She reached for her secret mobile phone na nakatago sa gilid ng bathtub. With the utmost energy left inside her, she managed to call for help. But after saying her address ay tuluyang umepekto ang levomethorphan sa kanyang katawan. She died inside the tub and the mobile phone sank underneath the blurry water.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon