Chapter XXXVI - Decipher

1.2K 88 26
                                    

     ​"Just like the cipher method na ginamit ni Julius Caesar sa pag-communicate sa mga generals niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

     ​"Just like the cipher method na ginamit ni Julius Caesar sa pag-communicate sa mga generals niya. But compared to that this is a simpler one. You just have to take the alphabet letter beside the given letter," Jiwon explained patiently to Detective Sariin as she watched how Sebastian wrote the translation.

Page #1
CNBSNQ NKOHDQN → DOCTOR OLPIERO
KHED BKHMHB → LIFE CLINIC
|||||-|||||-|||||-|||

____________________

Page #2
ZQSHRS ZKEQDC YDMNMZM → ARTIST ALFRED ZENONAN
LHCMHFGS FZKKDQX → MIDNIGHT GALLERY
|||||-|||||-|

____________________

Page #3
BGDE LZQSHM CHLZUZ → CHEF MARTIN DIMAVA
ZDSDQMZKHR → AETERNALIS
|||||-|||||-|||||-|||||-||||

​Jiwon quickly took her cellphone and searched for the given names of business establishments. She stood up as she read, "Life Clinic sa Solindang Road. Midnight Gallery sa Espanto Street. Aeternalis sa Signet Highway."

​Everyone got on their feet and quickly went out.

​Prosecutor Del Mundo assigned Jiwon and Detective Sariin to Midnight Gallery and the artist's home. Sebastian and a bunch of officers in uniform to Aeternalis and the chef's home. Sa kanila naman ni Lieutenant Lim ang Life Clinic at ang bahay ng doctor.

​Midnight Gallery was just meters away from the local police station kaya't mabilis na nakarating doon ang back up at ambulance na tinawag ni Detective Sariin. The gallery was closed. Iyon ang nakapaskil sa pintong salamin at supposedly ay magbubukas ito sa loob ng tatlong oras, ngunit sa pagpasok ni Detective Sariin, Jiwon, at ng back up team sa naturang gallery ay malinaw na hindi na ito makakapagbukas pa kailanman.

​Artist Alfred Zenonan was surprised by his unwanted guests. He was in the middle of painting a piece nang dumating ang mga ito sa kanyang studio na nasa likurang bahagi lamang ng kanyang gallery.

​"Alfred Zenonan?" Detective Sariin asked even though he was quite sure na iyon na nga ang pintor na kanilang pakay.

​Alfred got on his feet. Tila ba nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay nang makita niya ang mga pulis na naka-uniform sa bandang likuran ng lalaking tumawag sa kanya. Nabitawan niya ang paintbrush na mayroong kulay pulang tinta sa dulo at kumalat sa tiles ang pulang likido na nakalagay sa palette.

​Ipinakita ni Detective Sariin ang kanyang badge at binasahan niya ng karapatan ang nakatulalang pintor habang siya ay palapit dito. Sinuutan niya ito ng posas at tinanong, "Nasaan ang mga bata?"

​Dahan-dahang nilingon ni Alfred ang mukha ng matandang detective. Then his gaze roamed around the room, meeting the eyes of almost everyone inside. That was when he realized na totoo ngang hinuhuli na siya ng mga pulis. Na wala na siyang takas. It was not one of his imagination na parati niyang naiisip na mangyayari balang-araw. Totoo na ito. Ang matagal nang dahilan ng kanyang kaba at insomia ay tuluyan na ngang nangyari. A smile formed in his thick lips. Isang ngiti na para bang nagtatanong kung bakit niya kailangang sabihin ang kasagutan sa tanong na ibinato sa kanya ng matandang detective.

LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon