Tulala at wala sa sarili si Leyson Samonte nang marating niya ang HD Boxing Gym. His heart was beating in abnormal way na tila ba'y nabigla sa kanyang nasaksihan na krimen. Kulang na lamang ay gumapang siya papasok sa loob ng gym dahil sa kawalan ng lakas ng kanyang mga tuhod. Kusa niyang nabitawan ang dalawang supot ng ice cubes sa sahig. Kalahati ng mga ice cubes ay ganap ng tubig dahil sa init ng panahon at sa kabagalan ng kanyang paglalakad pauwi.
Nadatnan ni Henrix na nakasalagmak sa sahig ang kanyang weirdong kaibigan. Sandali niyang inubos ang laman ng bottled water na hawak bago ito nilapitan at nag-squat sa tabi nito. Sinilip niya ang namumutlang mukha ng binata. He waved his right hand in front of Leyson's face. Dahil hindi man lamang ito kumukurap, inihampas niya ang kanyang hawak na plastic bottle sa ulo ng binata.
Hindi nasaktan si Leyson sa hampas na iyon. Nakuha lamang nito ang kanyang atensyon. Dahan-dahan niyang tiningnan ang katabing kaibigan. "Tol... may nakita akong bata." He uttered in a tone na parang natatakot siya.
Tumaas ang balahibo sa katawan ni Henrix. He became alert like a meerkat. Nilingon niya ang bawat sulok ng kanyang gym. Nang wala siyang makitang bata ay pasimple siyang dumikit sa katawan ng kaibigan. "Na... kikita mo pa rin ba siya ngayon?" He was scared.
"Hindi na. Kanina ko lang siya nakita. May dalawang lalaking kumuha sa kanya."
Lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ni Henrix. Napalunok siya ng sariling laway. "D-Dalawang... lalaki?" Muli niyang iginala ang paningin. Ang akala niya ay mayroong dalawang lalaking multo sa kanyang gym bukod pa sa bata.
"Nakaitim sila. Tumingin pa nga sa akin 'yung isa eh."
"Tu... tumingin sa'yo?" Namilog ang mga mata ni Henrix sa kanyang narinig.
"Mabuti na lang namatay 'yung ilaw."
Hindi na nakapagreact si Henrix. Naisip niya na tanga talaga ang kaibigan dahil obvious naman na mas nakakatakot kapag namatay bigla ang ilaw.
"Nakuhanan ko ng video. Gusto mo bang makita?" Bago pa niya mailabas ang cellphone ay nagtangka nang tumakas ang duwag na si Henrix. He just managed to grab his jogging pants kaya't napanatili niya ito sa kanyang tabi.
"Ayoko! Ayokong makita!" Henrix protested. He was trying hard to escape, ngunit mahigpit ang pagkakakapit ni Leyson sa damit pang-ibaba niya.
"Ano 'yon? Ano 'yon?" Usisa ni Khael. Kabababa niya lamang ng hagdan. Excited niyang nilapitan ang naghihigitan na dalawang kaibigan. His face was showing great interest sa kung anumang pinag-uusapan ng dalawa.
Finally, Henrix escaped Leyson's grip. Para siyang batang nagtago sa likuran ni Khael. He was too scared to notice na nahubo na ang kanyang suot na jogging pants.
Hawak ang cellphone, ipinakita ni Leyson ang video sa interesadong binata.
Matapos panoorin ni Khael ang buong video, mayroong kakaibang motivation na dumaloy sa buo niyang katawan. "Birdbrains, ito na yata ang tawag ng kalikasan para sa atin," he seriously announced.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHighest Ranks Achieved: #1 investigation, 17 detective, #2 logic, #2 deductions, #1 wannaone, #10 police, #7 dead Yonhwa Province acquired a new name 'Land of the Missing Children' nang magkasunod-sunod ang pagkawala ng mga bata sa naturang probinsy...