Chapter XII - Circumstantial Evidence

1.7K 116 8
                                    

​     SA pagtila ng ulan sa Probinsya ng Yonhwa, dinumog ng mga reporters, at journalists ang YCDO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

​     SA pagtila ng ulan sa Probinsya ng Yonhwa, dinumog ng mga reporters, at journalists ang YCDO. They were all expecting to get a scoop tungkol sa pagkakadakip ng suspect na si Harold Escobal na 'di umano'y pumaslang sa anak na babae ng kauupo lamang na Vice Mayor sa bayan ng Yonhwa.

​     The police officers were having a hard time calming the media, lalo na nang dumating doon ang ama ng biktima na si Vice Mayor Loresto Villarino.

​     Mismong ang Deputy Chief ng Violent Crimes Team ang sumalubong sa VIP. He guided him patungo sa monitor room ng interrogation room na kinaroroonan ng akusado.

​     Jiwon Natividad was surprised to see the Vice Mayor.

     ​"Vice Mayor Villarino, this is Jiwon Natividad, ang competent criminal profiler ng Bravo Team. Siya rin ang nag-iisang anak ni Commissioner General Natividad." Deputy Chief Punongbayan was proud to introduce the young criminal profiler. Bakas iyon sa hindi mawalang ngisi sa kanyang mukha.

     ​"It's a pleasure to meet you, Vice Mayor." Bagamat hindi nagustuhan ng dalaga ang biglaang presensya ng Vice Mayor, she still gave a respectful greeting. She extended her hand for a formal handshake.

​     Malugod naman na tinanggap iyon ng Bise Alcalde. "No, the pleasure is mine." Mayroong diin ang pagkapit niya sa kamay ng dalaga. "Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang nag-iisang anak ng Commissioner General. Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa gagawin mong tulong para mapanagot sa batas ang lalaking..." He glanced at the accused. "Kumitil sa buhay ng mahal kong anak." Nang bumalik ang tingin niya sa dalaga, gumuhit muli ang ngiti sa mga labi niya. "I'll be watching the interrogation. Okay lang ba?" He shifted his gaze at the old Deputy Chief upang makahanap ng sagot.

     ​"Oo naman, Vice. P'wedeng-p'wede mong panoorin ang interrogation." Ang sagot na iyon ng Deputy Chief ay tila ba nagtunog suhol. Malinaw na labag sa system of rules ng kanilang opisina ang gagawin ng Bise Alcalde, ngunit buong puso pa niyang pinayagan ito.

​     Jiwon felt uncomfortable. If only she could talk and ask the Vice Mayor to leave the monitor room, nagawa na niya sana.

     ​"Oh, pa'no? Simulan na natin." Ibinaling ng matandang Deputy Chief ang tingin sa dalagang criminal profiler. "Miss Natividad, ikaw na ang bahala."

​     Ramdam ni Jiwon ang diin at bigat ng sinabing iyon ng kanyang superior. Gayunpaman ay tumango na lamang siya. She left the monitor room and went inside the interrogation room na nasa kabilang pinto lamang.

 She left the monitor room and went inside the interrogation room na nasa kabilang pinto lamang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon