"Sabi ko sa'yo eh! Talagang nakita ko na 'yang mukha ng doktor na 'yan. Construction worker sa Venecia ang kapatid niya. Nadatnan kong bumabale sa foreman nila pero umalis din agad kaya hindi ko nakausap. Tingnan mo oh, talagang magkamukhang magkamukha sila. Ano bang tawag do'n? Identical twins yata..." Detective Daryl Borja was so proud of himself. He was even touching his chin habang nakangising pinagmamasdan mula sa monitoring room si Dr. Dennis Castro.
Detective Kristoffer Naraga narrowed his eyes. Pilit niyang tinutukoy kung anong pagkakaiba ng mukha ng doktor sa kapatid na construction worker. In the end, he gave up. "Sa palagay n'yo, sino sa kanilang dalawa ang pumatay kay Cariza?"
"Sa palagay ko..." Detective Borja sounded like he was trying to think hard. "Hindi ako mapalagay."
"Ba't hindi n'yo na lang ipaubaya ang tanong na 'yan sa nagmamagaling na criminal profiler. Ngayon natin makikita kung may pakinabang ba talaga siya o nagmamarunong lang."
Parehong napatingin ang dalawang detective kay Detective John Alinas. Then they both hissed in disapproval.
As Jiwon Natividad and Detective Zarich Han entered the Interrogation Room A, awtomatikong tumayo si Dr. Castro bilang paggalang.
"Okay lang, maupo ka na." Detective Han said as he and Jiwon approached the two empty chairs sa opposite side ng table na nasa harapan ng doktor.
"Dr. Dennis Castro?" Pagsisiguro ni Jiwon as she read the name stated on the report na nasa kamay niya.
Umayos ng upo ang elite na doktor at buong confidence na sumagot. "Yes, I'm Dr. Dennis Castro."
Jiwon lifted up her stare patungo sa mukha ng doktor. "Are you done?"
"Yes..." He answered as he handed his written testimony sa nakakaintimidate na criminal profiler.
Despite of the doctor's calm expression, napansin ng dalaga ang panginginig ng kamay nito. Marahan niyang kinuha ang written testimony at masusing binasa iyon kasama ang batang detective.
(Narration of Dr. Dennis Castro's Testimony)
Around 11 PM on February 7, Dr. Dennis Castro arrived at Venecia Apartment Complex. Sumakay siya ng elevator paakyat sa 6th floor.
BINABASA MO ANG
LOHIKA 2: Land Of The Missing Children [COMPLETED]
Mystery / ThrillerHighest Ranks Achieved: #1 investigation, 17 detective, #2 logic, #2 deductions, #1 wannaone, #10 police, #7 dead Yonhwa Province acquired a new name 'Land of the Missing Children' nang magkasunod-sunod ang pagkawala ng mga bata sa naturang probinsy...