CHAPTER 1

1.2K 42 2
                                    

Napako ang tingin ni Caloy sa mataas na bakod.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay abot tanaw naman nito ang mala palasyong bahay ng kanyang Tiya Dolores.

Muli niyang binasa ang address na nakasulat sa maliit na papel at napa-tango nalang ito nang makompirmang iyon nga ang bahay ng kanyang tiyahin.

Pinindot nito ang doorbell na nasa kaliwang bahagi ng bakod.

Nanatili itong nakatayo at tila hindi mapakali.

Habang nag-aantay ay hindi parin nito maiwasan ang makaramdam ng kaba.

Hindi na nito maalala kung kailan niya huling nakita ang kanyang Tiya Dolores.

Basta ang alam nito ay iyon nalang ang kanyang natitirang kamag-anak.

Ilang saglit pa ay bigla namang bumukas ang gate at tumambad sa kanya ang isang matandang babae.

Malamlam ang mukha nito at kulubot na ang mga balat.

Mariin siya nitong tinitigan at mistulang sinusuri ito mula ulo hanggang paa.

Tipid namang ngumiti si Caloy at mistulang naiilang sa ginagawa ng matanda.

"Magandang araw po. Ako po pala si Caloy, Kayo po ba si Tiya Dolores ko?"

Tanong ni Caloy, kahit alam naman nitong hindi iyon ang kanyang tiyahin.

Hindi niya na maalala ang mukha ng kanyang Tiya Dolores pero sa tingin niya ang halos magkalapit lang ang edad nito sa kanyang yumaong ina na nasa singkwenta anyos palang.

"Sumunod ka sa akin."

Tugon naman ng matanda na mariin paring naka tingin sa kanya.

Pumasok naman ito sa loob at mas lalo pang namangha sa laki ng lugar.

Malawak ang bakuran nito at ilang hakbang din bago nila narating ang pintuan ng nasabing bahay.

"Wow, hindi naman sinabi ni nanay na ganito pala kayaman si Tiya Dolores."

Nakangiting sabi ni Caloy.

"Hinihintay ka na niya sa sala, dala mo na ba ang mga requirements?"

Napatigil naman si Caloy nang marininig ang sinabi ng matanda.

Bigla naman niyang naalala ang pakay niya doon.

"Ah, opo. Dala ko na po."

Nakangiting sagot ni Caloy.

Pagkapasok sa loob ng bahay ay hindi naman maitago ni Caloy ang labis na pagkamangha dahil sa mga nakita.

Malawak ang loob ng bahay at punong-puno ng mga palamuti at kasangkapan na mistulang sa pelikula lang niya nakikita.

Mariin niyang sinuri ang loob at sa labis na pagkamangha ay hindi naman niya agad napansin ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan.

"Caloy?"

Napatigil naman ito at pinagmasdan ang isang may edad na babae.

Maamo ang mukha nito at halos kawangis din ng kanyang yumaong ina.

"Tiya Dolores?"

Napangiti naman ang babae at tiningnan ito ng mariin.

Napailing nalang si Caloy nang mapansin ang mariing pagsuri nito sa kanya katulad ng ginawa ng matandang sumalubong sa kanya sa gate.

"Ang laki mo na, halos hindi kita nakilala."

Sambit ng babae.

Napangiti naman si Caloy at sumagot.

"Kayo din po, hindi ko na rin kayo matandaan. Pero salamat po at tinanggap niyo ako dito."

Magalang na sabi ni Caloy.

"Ano ka ba, sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo. Pasensya ka na kung hindi ako nakapunta sa burol ng nanay mo."

Bigla namang naging seryoso ang mukha ni Caloy at sumagot.

"Okay lang po. Ang mahalaga po ay tinutulungan niyo ako ngayon."

Napatango naman ang may edad na babae at sumagot.

"Ituring mo na itong tirahan mo Caloy at bilang ako nalang ang natitira mong kamag-anak ay ituring mo na rin ako bilang pangalawang ina."

Napatango naman si Caloy at tila nagalak sa narinig.

"Aba! Okay po yun ha. Sige po salamat talaga tiya Dolores."

Muli namang napatitig ang babae sa mukha ni Caloy at tumugon.

"Siguro naman dala mo na ang mga requirements mo."

Napatigil naman si Caloy at napatango.

"Oo nga po pala."

Agad nitong binuklat ang kanyang back pack at inilabas ang isang makapal na envelope.

"Nandito na po pala yung mga medical records ko. Huwag po kayong mag-alala tiya Dolores healthy living naman po ako at hindi ako nag-yoyosi."

Magiliw na sabi nito sabay inabot ang envelope sa babae.

Dahan-dahan namang binuklat ni Dolores ang mga papel na laman ng nasabing envelope at marahang binasa ang mga iyon.

Isang tipid na ngiti naman ang puminta sa mukha ng may edad na babae at sinabi.

"Good, sigurado akong matutuwa ang kliyente ko nito."

Mahinang bigkas ni Dolores.

End of Chapter One

KATAY (PUBLISHED AS ANIMATED MOVIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon