CHAPTER 3

573 32 3
                                    


Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Caloy nang biglang bumukas ang mga ilaw sa paligid.

Nakita niya ang kanyang Tiya Dolores sa hagdanan habang mabilis na pumanaog mula doon.

"Manuel! Ibaba mo yang kutsilyo!"

Sigaw nito.

Napatigil naman ang lalaki at pinagmasdan ang takot na takot na mukha ni Caloy.

Agad naman nitong ibinaba ang hawak niyang kutsilyo na halos nakadiin na sa leeg ng binata.

Napaatras naman ito at tiningnan nang si Dolores.

May halong pagtataka ang mukha nito.

"Manuel, siya si Caloy, yung sinasabi ko sayong pamangkin ko."

Napatigil naman si Manuel at tinitigan si Caloy na tila balisa parin dahil sa mga nangyari.

"Ganon ba? Pasensya ka na hijo. Akala ko kasi kawatan."

Paliwanag ng may edad na lalaki.

Napatango naman si Caloy habang pinagmasdan ang itsura ng lalaki.

Gula-gulatay ang damit nito at puno ng dugo ang buong katawan.

"Okay lang po ako. Nice to meet you po."

Naiilang na sabi nito.

"Ako ang iyong Tiyo Manuel, huwag ka nang matakot, nagulat lang din ako."

Paliwanag naman ng lalaki.

Napatango naman si Caloy at bakas parin sa mukha ang kaba.

"Ba-bakit po pala kayo duguan? Akala ko tuloy kakatayin nyo na ako."

Pabirong sabi ni Caloy.

Bigla namang napatingin si Manuel sa mukha ng kanyang asawang si Dolores na napailing nalang nang mapansin ang mga titig nito.

"Ah ito ba? Gailing kasi ako sa meat shop, marami kaming kinatay na hayop para ibenta. Pasensya na hindi kita agad nakilala Caloy."

Paliwanag naman nito.

Ngumiti naman si Caloy at inayos ang sarili.

"Ayos lang yun Tiyo Manuel, pasensya na din po."

Bigla namang hinawakan ni Dolores ang braso ng asawa at bahagya itong hinila palayo sa binata.

"Sige na Manuel, kailangan mo nang maligo, Ikaw din Caloy, bumalik ka na sa silid mo, oras na para matulog."

Agad namang tumango si Caloy at sinunod nalang ang utos ng kanyang tiyahin.

Habang umaakyat sa hagdanan ay bigla namang nahagip ng paningin ni Caloy ang kanyang Tiyo Manuel.

Mariin itong nakatinging sa kanya na mistula bang sinusuri ito mula ulo hanggang paa.

Napailing nalang si Caloy at pilit nalang na binalewala iyon.

..................

Kinabukasan ay tirik na tirik na ang araw nang magising si Caloy.

Masakit man ang ulo dahil sa puyat ay pinilit parin nitong bumangon.

Pagkababa sa sala ay nadatnan naman nitong nag-lalatag ng pagkain sa lamesa si Yaya Lora.

Agad naman itong lumapit at binati ang matanda.

"Magandang araw po, nakita niyo po ba si Tiya Dolores?"

Masiglang bati ni Caloy.

Isang mariing titig naman ang binitawan ng matanda bago sumagot.

"Umalis ang mag-asawa at gabi na makaka-uwi. Kumain ka na habang mainit-init pa ang pagkain."

KATAY (PUBLISHED AS ANIMATED MOVIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon