CHAPTER 2

618 29 2
                                    

Sumapit na ang dilim at pagdating ng hapunan ay sinabayan naman ni Caloy ang kanyang tiyahin sa hapag-kainan.

Maraming inihandang pagkain at hindi naman maitago ni Caloy ang labis na kasiyahan dahil sa ipinakitang kabaitan ng kanyang tiyahin.

"Maraming salamat sa pagkain Tiya Dolores, hindi na dapat kayo nag-aabala."

Ngumiti naman si Dolores at sumagot.

"Wala lang ito Caloy, ako nga ang dapat magpasalamat sayo eh."

Napakunot noo naman si Caloy at napa-isip.

"Bakit naman po?"

Bigla namang natigilan si Dolores at napatingin nalang sa nagtatakang mukha ng binata.

"Dahil, tutulungan mo ako sa negosyo! Masaya ako dahil sa wakas ay may katulong na din ako sa pagpapatakbo ng meat shop namin sa bayan."

Paliwanag naman ni Dolores.

"Ah, ganon po ba? Hayaan niyo at gagalingan ko po sa trabaho."

Bigla namang namayani ang katahimikan bago muling nagsalita si Caloy.

"Sobrang laki po nitong bahay. Hindi po ba kayo nalulungot dito?"

Tanong ni Caloy.

Napailing naman bigla si Dolores at sumagot.

"Masasanay ka din. Andito naman si yaya Lora at maya-maya ay nandito na rin ang Tiyo Manuel mo, sigurado akong matutuwa siya pag nakita ka."

Giit ni Dolores.

"Talaga po? Nga po pala nasaan mo pala si Pamela? Hindi ko pa kasi sia nakikita simula kanina."

Napatingin naman bigla si Dolores at sumagot.

"Ah, nasa Amerika na ngayon ang pinsan mo, kasalukuyan siyang nag-aaral sa collage ngayon."

Namangha naman si Caloy at sumagot.

"Wow big time! Iba po talaga kayo Tiya Dolores, hindi ko po talaga inakala na ganito kayo kayaman."

Bigla namang napatigil si Dolores at tumingin sa kawalan.

"Hindi naging madali ang lahat Caloy, nagsimula din ako sa hirap, hanggang sa makilala ko ang Tiyo Manuel mo, pareho naming itinaguyod itong aming negosyo hanggang sa lumaki at guminhawa ang buhay namin."

Napatango naman si Caloy at sumagot.

"Ah, dahil po pala sa meat shop kaya yumaman kayo."

Tipid namang ngumiti si Dolores at sumagot.

"Oo, dahil sa meat shop."

Sagot nito.

........

Sa unang gabi ni Caloy ay marami namang bumabagabag sa kanyang isip.

Malamig ang panahon at malakas ang ulan sa labas.

Hindi rin ito sanay sa malambot na kama kaya paikot-ikot lang ito sa kanyang kinahihigaan habang pilit na inaantay na dalawin siya ng antok.

Dahil sa hindi makatulog ay naisipan nalang nitong lumabas mula sa kanyang silid.

Pumunta ito sa kusina upang kumuha ng tubig.

Madilim man ay pilit naman itong nangapa hanggang sa marating nito ang freezer.

Kumuha ito ng maiinom at agad naman itong ibinalik sa freezer.

Sa kanyang paglingon ay bigla namang kumidlat.

Nabigyan ng kaunting liwanag ang paligid, ngunit nanlaki nalang ang kanyang mga mata nang mapansin ang isang lalaki na nakatayo hindi kalayuan mula sa kanya.

Napaatras naman si Caloy at tila pinakiramdaman ang kilos ng lalaki.

Sa muling pagkidlat at bigla naman niton napansin ang hawak nitong kutsilyo.

Madungis din ang suot nito at mistulang puno ng dugo.

"Si-sino ka?"

Napansin niya ang paghakbang nito palapit sa kanya.

Muli ay napaatras naman si Caloy at nakaramdam ng kakaibang kaba.

Napaatras ito sa may lababo hanggang sa wala na itong iba pang matakbuhan.

Nangatog naman ang kanyang tuhod ng makita ang dahan-dahang paglapit ng lalaki.

Itinaas nito ang hawak niyang kutsilyo at biglang tumakbo iyon palapit sa kanya.

"Huwag!"

Sigaw nito sa nasisindak na boses.

End of Chapter Two

Hello Guys, Since I want to expand my library here in wattpad. I would like to offer you my Dark Room Series and this is my first offering.

Dark Room contains a series of short stories. Yes, each book will only be containing a few chapters maybe less than 10.

This project are made for those watty readers who doesn't want to kill most of their time reading and waiting for updates.

Those reader na gusto ng kakaiba at straight forward na kwento at the same time direct to the point.

Hope you will support this one in order for me to pursue the project.

Maraming Salamat sa Pagbasa.

Comments and Votes are Welcome 😁

KATAY (PUBLISHED AS ANIMATED MOVIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon