Dali-daling tumakbo palabas ng bahay si Caloy, pero bago pa man niya iyon magawa ay napatigil naman ito ng mapansin na naka-lock nga pala ang pintuan.
Pilit niya itong itinutulak pero pakiramdam niya ay nakasara iyon mula sa labasan.
Lalo pang tumindi ang kabang nararamdaman ni Caloy.
Pakiramdam niya ay hindi lang nagkataon na naiwan siya sa loob ng bahay nung araw na iyon.
Pawis na pawis ito at halos hindi makahinga.
"May binabalak sila sa akin."
Sambit ni Caloy sa kanyang sarili.
Nanlumo naman ito at inisa-isang sinuri ang mga bintana, ngunit napansin niya na gawa iyon sa makakapal na grills at pawang naka padlock din ang mga iyon.
Lumalalim na ang gabi at wala parin ang kanyang mga kasamahan sa bahay.
Kaya sinikap nitong umikot sa loob upang makahanap ng daan palabas.
Inisa-isa niya ang mga silid hanggang sa mapadpad ito sa ikatlong palapag.
Dahil bago lang sa bahay ay iyon ang unang beses na napadpad siya doon.
Doon ay napansin niya ang isang silid na gawa sa aluminum ang pintuan.
Nakasara iyon ngunit gawa sa simpleng doorknob lamang ang pintuan ng nasabing silid.
Dahil sa desperasyon ay nagawa naman niyang tadyakan ang pintuan ng ilang beses hanggang sa tuluyan na itong nagbukas.
Humakbang si Caloy papasok sa nasabing silid at tumambad nalang sa kanyang paningin ang mga apparatus na tila makikita lang sa mga ospital.
Mayroong higaan doon na gawa sa stainless at katabi nun ay mga kutsilyo at mga aparatus na ginagamit ng mga doktor tuwing may operasyon.
Mas lalo pang nanindig ang mga balahibo ni Caloy.
Sa oras na iyon ay hindi na niya alam kung ano ba talaga ang totoong intensyon ng kanyang Tiya Dolores sa kanya.
Humakbang ito at tiningnan ang isang white board sa loob ng silid.
Napako naman ang kanyang paningin doon at sinuri ang nasabing white board.
Doon ay nakapaskil ang kanyang larawan, may ilan pang mukha na nakapaskil doon ngunit hindi niya iyon kilala.
Mas lalo pang hinalughog ni Caloy ang silid, hanggang sa mapadpad ito sa harapan ng isang bookshelf.
Doon ay napansin niya ang mga folders na may pangalan ng ibat-ibang tao.
Agad naman niya iyong tiningnan hanggang sa makita ang isang folder na kung saan nakalagay ang pangalan niya.
Binuklat niya iyon at tumambad nalang sa kanya ang mga medical records na ibinigay niya sa kanyang Tiya Dolores.
Napakunot noo naman ito nang makita ang mga sumunod pang mga dokumento.
Pilit sinasariwa ni Caloy ang kanyang mga nababasa hanggang sa unti-unti na niyang nauunawaaan ang mga iyon.
"Donor: Carlos Mejares, healthy kidney, heart, cornea. Buyer Mr. Smith from Canada."
Bigla namang nabitawan ni Caloy ang hawak nitong folder at napatulala.
Sa oras na iyon ay bigla nalang itong napa-isip.
"Ibig sabihin gusto nilang ibenta ang mga lamang loob ko?"
Bigla namang nakaramdam ng panganib si Caloy.
Nanginig nalang ang kanyang mga kalamnan sa labis na pagkagulat.
Dahan-dahan itong tumayo at pilit na nilalakasan ang kanyang loob.
"Kailangan kong makatakas dito."
Dali-dali itong tumakbo papunta sa pinakamalapit na telepono.
Agad niyang tinawagan ang pinakamalapit na pulis station upang ireport ang kanyang mga natuklasan sa bahay na iyon.
Nanginginig man ang mga kamay ay sinikap parin nitong tawagan ang presinto.
Ilang saglit pa ay sumagot naman ang nasa kabilang linya.
"Hello-Hello, Sir, tulungan niyo ako! "
Natatarantang bigkas ni Caloy.
"May problema po ba sir?"
Tanong nang nasa kabilang linya.
Dali-dali naman itong sumagot at sinabi.
"May irereport lang po ako! mga sindikato, sila ang mga nasa likod ng pandurukot at pagbebenta ng mga lamang loob sa mga turista!"
Mabilis na sabi ni Caloy sa nangangambang boses.
Ilang segundo namang nanahimik ang nasa kabilang linya bago tumugon.
"Pwede ko bang makuha ang location nila?"
Tanong nito.
Napatango naman si Caloy at sumagot.
"Okay! 217...."
Nagulat naman si Caloy ng biglang maputol ang koneksyon nito sa kabilang linya.
"Sinong tinatawagan mo?"
Bigla naman itong napatigil nang marinig ang isang pamilyar na boses sa kanyang likuran.
Dahan-dahan namang humarap si Caloy at doon ay nakita niya si Yaya Lora
Nakatayo iyon at mariing naka tingin sa kanya habang hawak ang putol na wire ng teleponong kanyang ginagamit.
End of Chapter 4
AN
Makakatakas kaya si Caloy? Hmm.
Yeah! late update. 😂😂
I will try to upload all the remaining chapters within this week. Ayaw ko nang matagalin to!Comment down if gusto nyo! haha.
On going na yung pagsusulat ko ng second Dark Room series ko. Pag dumari reads nito ipopost ko yun. Agad-agad! 😂
Thanks Everyone For Reading don't forget to vote for Caloy! 😁😁
BINABASA MO ANG
KATAY (PUBLISHED AS ANIMATED MOVIE)
HorrorAng madugo at nakakakilabot na kwento ni Caloy sa kanyang paglipat sa kanyang bagong tirahan.