Malalim na ang gabi, habang nagmamaneho pauwi ay napansin naman ni Manuel na tila balisa ang kanyang asawang si Dolores.
Saglit itong lumingon at inagaw ang pansin ng kanyang asawa.
"Bukas na ang dating ni Mr.Smith, handa na ba ang lahat ng kailangan?"
Tanong nito.
Napatango naman si Dolores at tumugon.
"Huwag kang mag-alala Manuel, wala ka nang dapat alalahanin."
Mariing sagot nito.
Habang patuloy na nagmamaneho ay bigla namang napa-isip si Manuel at muling humarap sa asawa.
"Sigurado ka bang gusto mong gawin ito? Pamangkin mo si Caloy at siya nalang ang natitirang kamag-anak mo."
Napatango naman si Dolores at binigyan ng masamang tingin ang asawa.
"Napag-usapan na natin to Manuel. malaking pera ang kapalit nito. Kailangan ko pa bang magdalawang isip?"
Napatango nalang si Manuel at napatahimik.
"Wala nang oras Manuel, kailangan na nating ibenta ang bahay at lumipad patungong Amerika, Kailangan na nating lumayo bago pa man malaman ng mga pulis ang operasyon natin. Wala nang natitirang kamag-anak si Caloy, walang maghahanap sa kanya kung sakaling maisagawa na natin ang plano."
Giit naman ni Dolores sa nangangambang boses.
Napatango naman si Manuel at sumagot.
"Sana nga huli na ito Dolores."
Mahinang bigkas nito.
"Huwag kang mag-alala, nangako ako sayo di ba? Kaunting araw nalang at makakaalis na tayo dito."
Dagdag pa ni Dolores sa seryosong boses.
"Bukas ng umaga ang dating ni Mr.Smith galing Canada, kailangan na nating itumba si Caloy pagkarating natin sa bahay. "
Sambit ni Manuel.
Napatango naman si Dolores at sumagot.
"Kung ganon ay kailangan na nating bilisan. Ipinahanda ko na kay Yaya Lora ang lahat."
Nakangiting tugon nito.
........
Ilang sandali pa ay nakarating na din ang mag-asawa sa kanilang tirahan.
Kagaya nang inaasahan ay tahimik na ang buong bahay.
Dahan-dahang kinuha ni Manuel ang kanyang palakol sa likod ng kanilang sasakyan at mahigpit itong hinawakan.
"Malakas ang gamot na hinalo ni Yaya Lora sa pagkain ni Caloy, malamang ay nakatulog na ito ng maaga."
Mahinang bigkas ni Dolores.
Napa-angat naman ng tingin si Manuel at hinila ang hawak niyang palakol.
"Ako na ang bahala kay Caloy. Ihanda mo na ang mga materyales kailangang maisagawa natin ito bago pa sumikat ang araw."
Giit nito.
Tumango naman si Dolores at sabay na silang pumasok ng bahay.
Pagkapasok sa loob ay agad namang dumeretso si Dolores sa silid sa pangatlong palapag ng kanilang bahay upang ihanda ang mga ka-kailanganing gamit.
Mag-isa namang tinahak ni Manuel ang hagdanan patungo sa pangalawang palapag na kung saan matatagpuan ang silid ni Caloy.
Madilim ang paligid at namayani ang katahimikan.
Alam niyang tulog na si Caloy at sigurado siyang mas mapapadali ang kanyang trabaho.
Pinakiramdaman niya ang kanyang mga hakbang at maingat na hinawakan ang palakol na dala nito.
Hindi nagtagal at ay narating naman nito ang silid ni Caloy.
Dahan-dahan niya itong binuksan at sinuri ang loob ng nasabing silid.
Madilim doon pero kitang-kita naman niya na kasalukuyan nang natutulog si Caloy sa kanyang kama.
Nakatalukbong naman ito at halos natatakman na ang buong katawan.
Unti-unting lumapit si Manuel sa kinahihigaan ni Caloy at tumigil sa harapan nito.
Huminga naman ito ng malalim at itinaas ang kanyang hawak na palakol.
Bigla naman nitong diniinan ang pagkahawak sa palakol habang ang mga mata ay madiing nakatingin sa nakahigang katawan ni Caloy.
Ilang saglit lang ay mabilis naman nitong ibinaon ang matalim na palakol at sumakto pa sa mukha ni Caloy.
Tumalsik naman ang mga sariwang dugo sa puting kumot na bumabalot sa katawan ng binata.
Huminga naman ng malalim si Manuel at dahan-dahan inalis ang palakol na kasalukuyang bumabaon sa mukha ng kanyang biktima.
Nang maalis na iyon ay unti-unti naman nitong hinila ang puting kumot na siya namang tumatakip sa katawan ni Caloy.
Nang matanggal iyon ay nanlaki nalang ang mga mata nito sa nakita.
Napaatras pa ito nang makita kung sino ang nasa likod ng puting kumot na iyon.
"Yaya Lora?"
Sambit nito sa nanginginig na boses.
End of Chapter 5
AN
Chop-Chop Ganern! 😱
Thanks sa mga nag vote at nag comment!
Last 2 chapters guys! Itodo nyo ang pagsuporta kay Caloy. 😂😂
I will post the last 2 Chapters this weekends na! Abengen!
Please vote and support!
Maraming Salamat. 💋💋
BINABASA MO ANG
KATAY (PUBLISHED AS ANIMATED MOVIE)
HorrorAng madugo at nakakakilabot na kwento ni Caloy sa kanyang paglipat sa kanyang bagong tirahan.