CHAPTER 6

480 24 1
                                    

Habang inaayos ang mga aparatus sa loob ng lihim na silid ay bigla namang napatigil si Dolores ng marinig ang isang malakas tinig mula sa labas.

"Dolores!"

Isang nakakasindak na sigaw ang biglang narinig nito mula sa kanyang asawang si Manuel.

Pinakiramdaman naman nito ang paligid.

Napakunot noo naman ito hanggang sa muling marinig ang malakas na sigaw ng kanyang asawa.

"Tulong! Dolores!"

Bigla naman nitong binitiwan ang mga hawak na aparatus at tumakbo sa pintuan.

Hindi niya maunawaan pero bigla nalang itong nakaramdam ng kakaibang kaba.

Dali-dali nitong hinablot ang doorknob ng pinto ngunit tila ba ay may nakaharang doon at hindi niya ito magawang buksan.

"Manuel? Manuel!"

Sigaw niya habang patuloy paring kinakalampag ang pintuan.

Hindi nito maiwasan ang makaramdam ng takot habang inaalala ang tila takot na takot na boses ng kanyang asawa.

Hanggang sa ilang sandali pa ay bigla namang namayani ang katahimikan.

Pinakiramdaman niya ang paligid hanggang sa napansin na tila hindi na niya naririnig ang boses ng kanyang asawa.

"Man-Manuel?"

Nanginig naman ang katawan nito at mas lalo pang nakaramdam ng pagkasindak.

Bigla naman itong huminga ng malalim at nag-isip ng pwedeng gawin.

Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa nito at tinawagan ang pinakamalapit na pulis station.

Ngunit bago pa man niya iyon magawa ay natigilan naman ito at napaisip.

"Hindi pwede, kung tatawagan ko sila ay maaring mapahamak ako."

Napailing naman si Dolores at tila na alam ang kanyang gagawin.

Ilang saglit pa ay natigilan naman ito nang pamansin ang pagkalabog ng pintuan.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata at napaatras mula sa kanyang kinatatayuan.

Patuloy lang sa pagkalabog ang pintuan hanggang sa tuluyan na itong bumukas.

Nang bumukas iyon ay bumulaga naman sa kanya ang isang gumugulong na bagay.

Hindi niya alam kung ano iyon hanggang sa gumulong na ito palapit sa kanyang paanan.

Sinuri niya iyong mabuti hanggang sa nanlaki nalang ang kanyang mga mata sa nakita.

Napasigaw nalang si Dolores sa labis na takot, halos manlumo naman ang kanyang buong katawan ng makita ang pugot na ulo ng kanyang asawang si Manuel.

Napahagulhol nalang ito sa labis na takot.

"Manuel!"

Sigaw nito sa nasisindak na boses.

Napa-angat naman ito ng tingin sa may pintuan at doon ay nakita ang kanyang pamangking si Caloy na kasalukuyang humahakbang papasok sa loob ng silid.

"Ayaw ko sana siyang patayin, pero may choice ba ako? Wag kayong mag-alala Tiya Dolores, promise isusunod ko kayo."

Seryosong sambit ni Caloy habang dala-dala ang isang duguang palakol.

Tila nanghina naman si Dolores habang ang mga mata at puno ng takot at pangamba.

"Caloy, pa-parang awa mo na. Huwag mo akong patayin. Kung gusto mo, isasali kita sa negosyo! , magiging partner tayo at yayaman tayong pareho. Di ba yun naman ang gusto mo? ang yumaman at makaahon sa hirap?"

Nanginginig na bigkas ni Dolores habang pilit na nagmamakaawa sa kanyang pamangkin.

Lalong naging seryoso naman ang mukha ni Caloy at tiningnan ng madiin ang kanyang tiyahin.

"Hindi ako katulad mo Tiya Dolores na pera lang ang sinasamba. Akala ko pamilya na ang turing mo sa akin, pero gusto mo lang pala akong pagkakitaan."

Sambit ni Caloy habang unti-unting humahakbang palapit sa kanyang Tiya Dolores.

"Patawad Caloy, pakiusap bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Bibigyan kita ng pera, kahit magkano, pakiusap wag mo akong patayin."

Maluha-luhang pakiusap ni Dolores.

Isang tipid na ngiti naman ang pinakawalan ni Caloy habang pinagmamasdan ang kanyang Tiyahin na nagmamakawa para lang pasalba ang buhay nito.

Humakbang pa ito ng kaunti hanggang sa mas lalo pa nitong diniinan ang pagkakawakak sa palakol na dala nito.

"Hindi mo alam kung sinong halimaw ang pinapasok mo sa tirahan mo Tiya Dolores, Siguro nga hindi mo pa ako kilala at hindi mo alam ang kaya ko pang gawin."

Giit ni Caloy.

"Caloy, parang awa mo na huwag mong gawin ito."

Ilang saglit lang ay napapikit naman si Dolores habang unti-unting inaangat ni Caloy ang hawak niyang palakol.

"Maraming salamat sa lahat Tiya Dolores. Tatanawin kong utang na loob ito."

Ilang saglit lang ay mabilis namang ibinaon ni Caloy ang hawak niyang palakol sa ulo ng kanyang Tiya Dolores.

Mabilis namang bumagsak sa sahig si Dolores habang dilat ang mga mata.

Dumaloy ang mga sariwang dugo mula sa ulo nito hanggang sa unti-unti na itong nawalan ng buhay.




End of Chapter 6

KATAY (PUBLISHED AS ANIMATED MOVIE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon