Chapter 3

23.1K 660 24
                                    

"ISANG ADOBONG MANOK PO!" Sigaw ko sa Ale dito sa canteen kasama ko si Vins. Hinarap ko siya at ngumiti. "Kamusta ka na? Alam mo bang simula nong dumating ako rito ikaw lang hinahanap ko? Ngayon ko lang nalaman na kaibigan mo si Mr. Leonbird. Ang bait bait non." dumating ang pagkain at ngumiti ako. "Salamat po." Sabi ko sa tindera.

"Kain lang kayo." Sabi ni Ale.

"So kamusta ka na?" Titig lang siya nang titig sakin. "Hoi umimik ka naman... Tsaka nga pala hello daw sabi ni Zin."

Biglang nag bago ang timpla ng mukha niya. "Hoi, anong mukha iyan? Ang gwapo mo naman lalo eh."

"Mas gumanda ka." He said

Ngumiti ako.. "Sus always naman ako maganda." Ilang subo na ba ng kanin ang kinain ko pero siya wala paring bawas. Naka pagtataka bakit ba hindi siya nagsasalita, tapos pansin ko mas lalo siyang pumopogi.. at lalong gumanda ang katawan tapos ngayon napuno na ng tatto ang Braso niya.

Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Hindi nakapag tataka na may mga model na siyang naging girlfriend, I heard that rumors. "Anong trabaho mo ngayon?" Tanong ko.

"I'm CEO." Nanlaki ang mga mata ko. So may kaibigan na ba akong CEO ngayon? Ang saya saya ko. Nakita niya atang ang saya ko kaya kinurot niya ang pisngi ko.

"Shss ka lang." tumango ako habang di mawala wala ang mga ngiti sa labi ko.

"Minana mo ata ang kayamanan ng pamilya niyo, eh. Hindi mo ba nakita iyong mata ni Mr. Leonbird kanina? Nagtataka talaga kung kilala kita o hindi."

"Goan,"

"Hmm?"

Bigla siyang tumitig sa mga mata ko. Parang nasa movie na tumigil ang mundo ko dahil sa mga titig niyang nakaka tunaw. Napalunok ako ng seryoso talaga siyang tumingin. Gusto ko mailang o umiwas pero naaakit ako sa kulay dark brown niyang mga mata.

"Are you married?" Parang ang hirap na tanong niya para sagutin ko. Hindi nga pala siya nag re reply sa mga text at tawag ko.

Umiling ako. "Nakakainis ka e, hindi mo manlang ni rereplyan ang mga tawag at text ko. Maraming email na kaya iyong naigugud ko sayo pero wala naman lang HELLO." nag tatampong saad ko. Ngumiti siya at umiling.

"I'm busy. Sorry for that. Hayaan mo hindi ko na babaliwalain 'yong text mo, at ikaw."

"Akala ko nagbago na iyong bestfriend ko noon, hindi porket CEO ka na tatarayan at iindain mo na ang maganda mong bestfriend. Hindi po bagay sayo ang seryoso."

"So kasal kana kay Zin?" Binaba ko ang kutsarang hawak ko at uminom muna na ng tubig.

"Nope, mag aantay pa kami ng tamang araw. Saka we're not ready pa eh. But... look," ipinakita ko ang sing-sing na binigay ni Zin sakin nong pagkatapos ng graduation day namin. "We're engaged na." Ngiti ko sa kaniya.

He looked at the ring at kung guniguni ko lang ang pag igting ng panga niya ay bumalik iyon sa mukha ko. "8 years, hindi pa kayo kasal. Mukhang ang gago naman na nag propose siya sayo tapos di 'ka niya pinakasalan."

"Hoy! Syempre business muna ang uunahin, saka mag iipon pa 'raw kami. Atat lang? Ikaw ba kailan ka ba ikakasal? Kailangan pag kinasal na ako ikakasal ka huh!"

"Ikakasal ako pag kinasal ka." Makahulugang sabi niya.

"So sabay ba tayo ganon?" Pag bibiro ko.

"Oo kung gusto mo iyon."

"Mga biro mo talaga. Kumain kana nga hindi mo ba namimiss ang luto ni Ale di 'to sa karindirya? Wala parin ipinag bago hindi ba? Ganon pa 'rin ang lasa, ang sarap parin."

Pagkatapos namin kumain ay nag bayad na kami Kay Ale. Masayang lumabas kami sa canteen dahil palagi nalang ako nag bibiro sa kaniya pero parang ako lang naman itong masaya.

"Vinie." Tawag ko sa attention niya.

"Hmm?" Baling niya sakin.

"Ikaw ba may girlfriend ka na ba?" Tanong ko. "O kaya engage ka 'rin ba?" Kung ganpn naman pala, ang saya ko para sa kaniya. Umiling siya agad at pinagbuksan ako ng door ng car niya. Ang yaman talaga niya dahil may pa kotse kotse na siya. Mayaman naman talaga siya noon.

"Salamat." ngiti ko. Nag seat belt ako hinintay siyang maka pasok. Bigla nalang umulan at kumulog ng malakas. Biglaan ata.

"Hala!"

"Why?" Kumunot ang noo niya.

"Si Mr. Leonbird, sabi niya maaga akong babalik. Anong oras na ba?"

"It' s 4:21 pm."

Hala, natataranta akong tinawagan si Mr. Leonbird pero agad na pinigilan niya ako.

"Bakit?"

"I can handle that, ako ang nag aya sayong kumain sa labas. Ako ang bahala sa kaniya."

Nag pupumilit akong hindi na pero matigas talaga ang ulo niya. Wala paring pinagbago.

He's a CEO, hindi ba siya nag police? I mean, masaya naman akong naging ganuyan siya.. na succesful at mayaman pero, 'yong pangarap niyang maging pulis... did he make it?

"Vinie." lumingon siya sakin. "Hindi kaba nag police? I mean, iyong pangarap nating dalawa para sayo, di 'ba nga nagtapos ka ng police para makatulong sa bansa natin, masaya naman akong naging CEO ka, kaso ang expected ko ay maging police ka."

Nag simula na umandar ang sasakyan niya. "I'm not into that."

"Ah, so sa business kana talaga." Bigla tuloy ako nadismaya. Hindi ba niya sasabihin sakin ang dahilan bakit hindi niya ipinag patuloy iyon.

"I'm okay with this, I'm happy." Tuloy pa rin niya. "Ikaw Goan? Ano ba ang ginawa mo sa Australia, di 'ba dapat naging maayos ka roon para sa pamilya mo."

Nag iwas ako ng tingin, actually ang ganda ganda lang ng buhay namin roon. Mayaman si Zin, at may sariling bahay roon. Pero iniisip kong hindi ako gusto ng pamilya niya mas lalo ako namamatay sa kakaisip duon. I mean, Zin loves me, at hinayaan niya akong mahalin rin siya. Pero kusa nalang din ako sumuko at umuwi sa pilipinas kasi palaging mura at galit ang ipinapakita nila sakin at hindi ko iyon sinasabi sa pamilya ko, kahit si Vins, he didn't know, kasi wala akong balak na pag aalalahin siya.

Sinubukan naman ako ni Zin na pigilan pero sabi ko, sumunod nalang siya rito. Hindi ako sumuko kakamahal sa kaniya, at siguro hind ako susuko hanggang sa mahalin ako ng pamilya niya.

"Kita mo nga di 'ba nag ta-trabaho na ako rito para sa pamilya ko."

He chuckled. "Hindi ka parin pala marunong mag sinungaling, Goan. You are still my, Goan."

Bigla tuloy nag init na ang pisngi ko sa pinag sasabi niya. Nag iwas ako ng tingin sa huling sinabi niya.

"His family won't accept you right? Silly, isang malaking kagaguhan ang ginawa nila at pinakawalan nila ang dyamanteng na sa harapan nila."

That man 5: VINS TIBBLE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon