Chapter 7

20K 558 15
                                    

"Vins?" Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Parang may nararamdaman akong kakaiba. Basta kakaiba, hindi ko lang matumpok kung ano. "Galit ka ba?" I asked him.

"Hindi ako galit." Sabi niya, pero di naman nakangiti, his face was serious.

"Umhh! Ano kasi heto pala pinabibigay ni boss." Inabot ko ang papeles sa kaniya. Nasa bahay niya ako at dumeretso nalang daw ako sabi ni sir Nicket dito. "Thanks." Kinuha niya iyon at iniwan ako sa sala. Sinundan ko siya. Hindi kami magkaka ayos kung may galit siya saakin na hindi ko naman alam.




"Vins look, wala akong paki-alam kung kaibigan ka ng boss ko. Ayusin natin ito sige na. Tatlong araw na akong nag iisip kung bakit ka ganyan."

Dere deretso siya sa ginagawa niya. Naiinis na talaga ako, pumanik siya at pumunta sa rooftop na may malaking swiming pool. Mayaman eh! "Vins naman.. kung galit ka spill it out." nag hubad siya ng damit at tumalon! Agad kasi na nabasa ako at parang wala siyang pakialam.

"Nabasa mo na ako!" Inis na sabi ko. Napatingala ako ng umahon siya this time kitang kita ko na ang abs niya, ang pumuputok niyang mga ugat sa braso.

"What is it again?" He asked. Seriously?

"Huh!" I rolled my eyes again. "Sabi ko.." napasigaw ako ng hilain niya ako at tumalon kaming pareho sa pool.

"God! God!" Pinalo palo ko siya sa likod niya akala ko kasi mapapatay na ako ng kumag na ito rito mismo.




"Stop it, Vins. Palagi mo nalang ako ginugulat." Inis na sabi ko, he laughed at na palagi naman niya ginagawa sa akin.

"Ano bang nakakatawa? Mamatay na ako ng di oras eh." This time nakayakap ako sa batok niya, ang baba kong tao at di 'ko naabot ang pool. Yakap yakap niya ako para bigyan ng suporta.

"I'm not mad.." inayos niya ang nakatabing na buhok ko.

"I was mad at myself.." makahulugang sabi niya.




"Tsk, alam ko ang galawan mo Mr. Vins Tibble. Kilalang kilala kita eh." I poked this forehead at kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. Parang tumigil ang mundo ko.




"Goan.." ang husky ng voice niya. Parang ano mang oras mamatay na ako sa kilig. Fuck, bakit ko ba pinag papantasyahan ang bespren ko? No, mali ito.



"Vins." I can't help myself na titigan siya sa mga labi. Sa mapupulang natural na labi ng isang lalaki. Why am I feeling this way? Bakit kumakabog nang mabilis ang puso ko.

"I miss you Goan.." pumikit siya at hinalaikan ako sa noo. Napapikit naman ako ng unti unti bumaba ang halik niya sa leeg ko. Pumikit ako ng ilang saglit pero natauhan ako at naitulak siya.

"Nilalamig ako.." pag iiba ko ng usapan. Agad na pumunta ako sa gilid ng pool at humawak duon at umahon.

"Kasalanan mo kasi 'to eh.." inis na maktol ko.

"Alright I'm sorry." Umahon siya at nilagyan ako ng towel sa likod. "Ayokong magkasakit ka."

"Alam ko yon 'no!"

"Tara.." hinila niya ang kamay ko at pumunta kami sa kwarto niya pero lumabas siya at hinayaan akong maligo at mag bihis.

...

Pumalibot ang tingin ko sa mga larawan na nakasabit, anduon ang mga magulang niya kasama ang kapatid niya naka ngiti at masaya. Halata naman na happy family sila, mabait ang mga magulang niya. Kilalang kilala ko sila noon masiyahin at hindi mapang mata. Alam na alam ang kinalalagyan at kahit na may kaya sila alam nila kung paano lumugar. They raised Vins very well and polite. At ngayon good boy at mabait ang anak nilang ngayon at nakamana sa kayamanan nila.

Well, ako hindi ko kinakahiyang mahirap ako at proud ako roon. Walang masama as long as nabubuhay kami ng naayon sa tama. Pinapakain kami ni mama ng mabuti at galing sa mabuti.

Binalot ko ang sarili ko sa bathrobe ng makita kong nag vibrate ang cellphone ko.

"Hello?"

"Babe, isang araw ka ng di nagpaparamdam. Are you okay?" Si Zin pala

"Okay naman ako, napatawag ka?" Tanong ko.

"Really? Napatawag ako kasi na miss kita. Anong klaseng tanong naman iyan Ellie."

"Sorry! Pagod lang ako Zin. Sige na mamaya nalang tayo mag usap.."

"Ellie what is wrong with you?"

"Goan, dinner is ready.." napalingon ako sa tumawag at ngumiti. Tinakpan ko ang phone ko.

"Sige susunod ako." I whispered.

"Sige na, kakain na kami."

"Kami?" Parang may pang aakusang sabi niya. "He called you Goan so it means si Vins 'yon? Nandiyan ba siya?"

"Zin pwedi ba pagod ako. Ayoko ng mag away pa tayo." I'm tired.

"Ikaw 'tong umiiwas, Ellie. Isang araw mo na ako di tinatawagan at magkasama pala kayo ni Vins.."

"Pwedi ba? Walang malisya sa amin 'yon. Alam mong kaibigan ko na siya noon bago ka dumating." bago ko marealize ang sinabi ko narinig ko nalang mag mura si Zin at parang galit. "Zin.. Zin sorry-"

"We'll talk later." Tapos pinatay niya.

Fuck!

Nilingon ko ang nasa pintuan at nanduon pa pala siya. "Are you okay? Nag away na naman ba kayo?" He asked.

"It's nothing, kumain na tayo." Na una akong bumaba at sumunod siya. Alam niya kasi kapag nag aaway kami siya ang magsisilbing tulay namin ni Zin at mag papaayos sa 'amin pareho. Tumatalab naman kasi naman si Vins may pananakot na pag babanta pa ang sasabihin.

Kumain kami, gaya ng dati nag kwentuhan about sa nangyari noon. Marami kaming nabuong memorya at wala pa sa gitna si Zin duon. Ewan ko parang naiinis akong kausapin si Zin lately! Ayoko ng ini-istorbo ako at gusto ko matulog at gawin ang nakasanayan noon na walang kausap.

"Give me your phone." He said.

"Why?" Bored na tinignan ko siya.

"Selfie, post ko sa insta mo." He smiled.

Lasing na yata ako at binigay ko iyon. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi at sabay hawak sa pisngi ko at pinisil.. nakanguso tuloy ako.

"Posted."

"Hala?" Kinuha ko ang phone at bago palang na mairemove ko nilike na ni Zin iyon.

"Nice, pagod pala." He commented.

Pinakita ko iyon kay Vins. "Bahala ka riyan, bahala ka talaga diyan. Kausapin mo 'yan bago 'yan magalit ng husto sa 'akin.." confused na sabi ko. Vins stared at my phone at umiling.

"So do you want to remove that?" Parang may masakit akong ginawa sa kaniya.

"Vins.."

"No, I understand. He's your boyfriend and I'm just your friends at malayong malayo iyon." Tumayo siya at iniwan ako.

Ano na naman ang ginawa ko this time? Saan ako lulugar?

That man 5: VINS TIBBLE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon