Chapter 20

105K 3.1K 1.4K
                                    

Chapter 20

Pilots With Onyx Eyes

Mahigit dalawang linggo na akong nandito sa Pinas, parati akong namamalagi sa bahay ng mga Ponce de Leon at kung minsan naman ay si Trix ang magpupunta sa amin. Sa halos araw-araw na pagdalaw ko kina Trix ay naging maayos naman dahil parati akong walang Colton na nadadatnan.

These past few days have been the days of peace and quietness. Marami na rin kaming napagkwentuhan ni Beatrix, we've already passed the catch up stage.

"Hindi ka ba nababagot? Sawang-sawa na 'ko dito sa mga pinapanood natin." Inaantok kong sabi kay Beatrix habang nilalaro ang itim niyang hairband sa aking mga daliri. It's not that being with her is getting boring but these movies that we always watch are.

"Hmm..." she looked at me over her shoulder habang ang kanyang mga mata ay naniningkit.

"Why don't we go wild tonight?" She grinned, her brows are rising up and down.

Napaawang ang aking bibig at ang aking buong mukha ay nagliwanag ngunit kaagad din namang nalaglag ang aking balikat nang maalala ko ang kapatid niyang kontrabida.

"Papayag ba si Colton? I mean, you know how OA he is when it comes to you," sabi ko sa kanya.

She frowned at my statement. "Gurl, wala naman siyang magagawa. Isa pa, it's party! A birthday party and we can't miss it, right?"

"Saang party ba 'yon? Sa may Jollibee?" I joked. Beatrix just made a face before rolling her eyes at me.

"Gaga! Sa Imerex!"

Umarko ang isa kong kilay. "Doon sa hotel?" sabi ko. Madalas kong marinig iyon noon kina Kiel, Colton, at Phil sa tuwing nag-uusap sila. Imerex, Saf, Robs, AD's, Imaku, Hydro, at kung ano-ano pa. I just noticed that everytime they mention those places, alcohol is always involve that's why in my head, I warned myself not go there...

Hindi ko naman kasi alam na matututo akong pumarty... Ngayon ko lang narealize that what you always hated when you were just little is what you'd learn to appreciate when you grow old.

That's just how unpredictable life is. One second you hate it and then the next you can't live without it.

Trix nodded her head. "Yes, sa may roof top ang party. According to Vince we own the whole rooftop for tonight, kumuha nga din daw siya ng mga ilang rooms para kapag hindi na kayang umuwi ay doon na lang matulog..." paliwanag niya.

Nangunot ang noo ko. "Vince as in 'yung nagkagusto sa'yong Aero?"

Nabanggit na 'to sa'kin ni Trix noon, e. Si Vince 'yung may gusto sa kanya noong first year college siya tapos Aero ang kurso.

Bahagya siyang umirap ngunit hindi naman tumango. "O, ano, G ka?"

"Mabuti't gusto mong puntahan ang party niya? I thought you find him annoying." I teased him.

"I do but since naiinip ka, keri lang. Now ano na? Are we going or not?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know... Bakit hindi mo type 'yung Vince? Gwapo naman, ah." I pressed.

She let out a groan. "Jess, what the fuck!" Napahilamos siya sa kanyang mukha. Humagikgik ako at sinundot siya sa kanyang tagiliran.

"Bakit nga," I pressed.

Napairap siya bago nagbuga ng isang malalim na buntong hininga. "I just don't like Aero guys. Isa pa, he's ahead of us ng two years. I prefer guys at my age."

My mouth hanged. She never mentioned that she's not into Aero guys but she did mention that she's not into guys who are older than her. "Gurl, bakit? Ang hot kaya tingnan!" I exclaimed.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon