Chapter 38

89.6K 3.2K 1.5K
                                    

Chapter 38

The One

"Look at your husband... mukhang nag e-enjoy siyang kalaro ang mga bata." Mirae commented with a smile while watching Colton playing with the kids from afar.

The kids were divided into two groups and Colton was currently holding a handkerchief, nagtatawag siya ng mga numbers and the kids who have designated numbers from each group would run towards Colton and they would snatch the handkerchief from him before running to go back to their base safely, carrying the handkerchief with them.

Dalwang oras pa lang niyang nakakasama ang mga bata pero nakuha niya na kaagad ang mga loob nito. I guess Colton's charms doesn't only work for women... it can also work with kids.

They also loved the food that he bought, Jollibee, e. May kasama pang mga toys. He actually bought 25 kiddie meals e kinse lang ang mga bata dito kaya ayon, sumobra.

"Kakauwi nga lang niya kaninang madaling araw... I don't know where he's getting all that energy." I told Mirae without taking my eyes off with Colton and the kids.

"Ang swerte mo naman sa kanya, Jess. Mukhang mahal na mahal ka niya 'no?" Biglang sabi ni Mirae na naging dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"P-Paano mo naman nasabi?" I asked, quite stuttering.

She smiled at me warmly. "It's the way he looks at you... You would really know if a guy is in love when he couldn't take his eyes off of you."

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at bahagyang natawa. "G-Ganun ba 'yon?" Sabi ko na lang sabay ayos sa buhok ko.

Ang galing naman ni Colton... Kahit si Mirae ay napaniwala niya. That's the reason why he's here right? To make us look authentic. Oo nga naman, we have to look natural and in love para kapag nakaharap namin ulit ang mga boss niya ay mapapaniwala namin sila.

Muli kong itinuon ang pansin sa mga bata.

"Out! Out ka na, Phoebe!" Sigaw ni Jonas na may kasamang pagtataray. Humalukipkip pa ito sa harapan ni Phoebe at tinaasan pa ito ng kilay.

"Tinulak mo ako paanong hindi ako maa-out!" Phoebe said with a frown.

"Kaya nga kita natulak kasi na-out kita! Chakang 'to!"

"Ah hindi! Tinulak mo 'ko! Kuya Colton, oh! Tinulak ako ng baklang 'to!" Pagsusumbong ni Phoebe.

Kaagad na lumapit si Colton sa dalawa, rolling his sleeves up to his elbows dahil bumaba ang mga ito kakalaro nila. He squatted down at the center of the two at parehong hinawakan ang dalawa sa balikat.

"Hey... What did I tell you guys awhile ago? Hindi ba't sabi ko walang nagtutulakan at nag-aaway? You all promised me na walang mangyayaring gano'n kaya naglaro pa rin tayo kahit malalagot ako kay ate Jess niyo mamaya..."

Hindi ko mapigilang mapangisi. Sinabihan ko na kasi siya kanina na h'wag nang magpagod pa kasama ang mga bata dahil kakauwi niya lang kanina at sigurado akong hindi pa kumpleto ang tulog niya... Knowing these kids, they're hyper at this age, hindi uso ang salitang pagod sa kanila.

But Colton insisted that he wants to play with them, dahil na rin kinukulit siya ng mga bata. Wala akong nagawa kung hindi pumayag, it's his life. Baka isipin pa niya ay kino-kontrol ko siya sa mga gusto niyang gawin.

"E kasi naman 'tong si Jonas, Kuya e! Bakit kailangan pa akong itulak?"

"Hindi ko nga sinasadya! Ang drama-drama naman nito! Papansin ka porket nandiyan si Kuya Colton!"

"Hindi ako papansin! Ikaw ang papansin!"

"Shh... Phoebe, Jonas... You shouldn't be calling each other names. Mag-sorry ka na, Jonas." Malumanay niyang paliwanag sa mga bata.

To Begin Again (It Girls Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon