Step forward.. step back... turn around...
Almost perfect... ang lahat ay sumasayaw nang sabay-sabay.
Ilang araw nalang at prom night na.
"Ok..!! Breaktime muna tayo guys...", sigaw ni Ma'am Bella at ang lahat ay nagsitabi na upang mag break.
"Seid… punta muna ako kina Merlyn...", paalam sakin ni Queen sabay takbo sa kinaroroonan nang kanyang mga classmate. Ako naman ay pumunta na rin sa kinaroroonan ng aking mga Tropa.
Mula nang mag-umpisa ang practice at naging partner ko si Queen ay lagi-lagi nalang sa twing breaktime ay kinukulit ako ng mga mokong.
Sigurado... kantyaw na naman ako sa tatlo nito.
At hindi nga ako nagkamali, papalapit palang ako ay naririnig ko na ang boses nila Kain at Sim.
"Andito na ang Prince Charming ... woooohhh.... !!!!", sabay-sabay pang nagsitawanan ang tatlo (Kain, Sim, Karl).
"Mga loko kayo... ako na naman pinagdidiskitahan ninyo...", sabay upo sa bench na inuupuan din nang tatlo. Kumuha nang mineral water sa bag at agad na ininom. Masarap pa rin talaga uminom nang tubig lalo at katatapos lang sumayaw.
"Ano na Seid?!.. kelan pa?..!!", pag-iintriga ni Karl. Hindi ko maintindihan kung ano ang tinatanong niya kaya sinagot ko siya nang, "Huh?..!! Anong kelan pa?!.. anong..ano?",
"Eeeeehhhh...!!! Kunyari ka pa..!!", natatawang panunukso sa akin ni Kain.
Pero hindi ko naman talaga alam ang mga sinasabi nila...
"Ganito 'yon...!!", singit ni Sim. "Gusto namin malaman.. kung ikaw at si Queen ay kailan pa mag-on..?!", talagang namula ang dalawa kog tenga sa narinig.
"Whaaaaat?!...", medyo napalakas ata ang reaksyun ko. "Walang kami...!!! as in wala..", wari ko ngunit tila hindi sila naniniwala sa aking sinabi. "We're friends... we're partners in the dance... ‘yun lang..", defensive mode na naman ako.
"HUWEEEEHHH...??!!", ang mga loko nagkasabay pa sa pagreak.
"Oo.. nga...!!!", sabi ko.
Pero minsan napapaisip din ako, ano ba talaga ang meron kami ni Queen? Kapag magkasama kami sweet kami sa isa't isa. Actually, ako lang ang lalaking naging kaclose niya. Simula't sapul wala pang lalaking naging kaclose niya bukod sa akin.
Oh..my..!! isang katulad ko ba ang type niya? O baka naman gusto niya ako.. As if naman… magugustuhan ako ng Campus Angel…
Ba naman yan... kung ano-ano na naiisip ko.
Napasulyap ako kung saan naroon si Queen. Shocks... nakatingin din si Queen at ang aming mga mata'y nagtama. Napangiti ako at napangiti rin siya. Hindi ko alam na napansin pala iyon nang tatlo na siyang titig na titig sa akin na may nakakalokong ngiti.
"Eeeeeiiiihhhhhh....!!!hahahaaa..!!! Hhaahaa!!!", pinagloloko na naman ako nang tatlo at wala akong magawa kundi ang tanggapin ang mga kalokohan nila. Nahihiya ako ngunit napapangiti.
Whew.... ito na ba ‘yon? Ang tinatawag nilang “NAIINLOVE”
Inlove na ba talaga ako? ‘yong tipong bumibilis ang tibok ng puso mo kapag napapatingin ka sa kanya, nag-iinit at namumula ang mukha kapag kaharap siya. Kinukuryente kapag nagkakadikit ang aming mga katawan o kaya naman nahahawakan ko siya.
Iyong tipo na, napapangiti nalang ako bigla kapag naiisip ko siya. Am I really fallin’ for her?
Natigil lang ang aking pananaginip nang gising nang may umakbay sa akin bigla. "Anong kaguluhan 'to?..!!", si Julie, biglang sulpot.
BINABASA MO ANG
SNAPPY LOVE STORY
Romance**(ON HOLD) ** a story of a simple happy-go-lucky guys who find love in an unexpected way which made their own LOVE STORY changed their lives and those lives around them. (this story is based on the writer's imagination. all characters, places and e...