My name is Karl Anton L. La Torre o mas kilala sa tawag na Karl, bestfriend nina Seid, Kain at Simeon.
Malapit lang ang bahay namin sa school kaya hindi ako nalelate. Katulad rin nila Seid, may kaadikan din ako sa dota, tingin ko nga mas magaling pa ako kay Seid...hahahaa...
Happy-go-lucky-king-of-a-guy, pero may pagkamahiyain din paminsan-minsan. Kakulitan din pero alam ko mas mabait ako kesa sa tatlo. Hehehe...
May konting pinoproblema lang ako ngayon.
Wala akong ka-date sa prooommm....
Hindi ko naman alam kung paano mag-approach nang babae.
Paano kaya ito?
Sa totoo lang, may konting inggit ako kay Seid, pero sa tingin ko kahit sino naman maiingit. Being the partner of Queen The Campus Angel, napakaswerte naman niya.
Sana ako rin... Haaayy... nananaginip na naman ako ng gising...
"Pre..nakita niyo ba si Seid?..!!", Tanong sa amin ni Simeon.
Nawawala na naman si Seid, syempre ando'n nauna na, kasama na naman si Queen pauwi.
"Alam na this..!!", magkasabay na sagot namin ni Kain kay Simeon at tumango naman si Simeon "Aaahh...", pahiwatig na naintindihan niya ang ibig naming sabihin.
"Buti pa si Seid mukhang may kadate na at akalain mo nga naman, ang campus angel pa ang partner niya..." wari ni Kain.
Ang akin kaya? Kelan?...
"Guys.. ano sabay na kayo?..!", yaya sa amin ni Julie. "Saan ang punta?..", tanong ko habang nag-aayos ng mga gamit ko sa bag.
"Saan pa eh di pauwi...", tugon ni Julie sabay taas nang kilay sa amin.
"Teka.. teka.. nagugutom ako eh... pwede bang mag batchoy muna tayo.. bago umuwi?!!..", biglang yaya ni Kain na siya namang sinang-ayunan naming lahat.
Si Kain, Simeon, Julie, Ayenne, Reinna at ako ay dumayo muna sa BATCHOYAN NI MANANG at syempre umorder nang specialty nila, ang BATCHOY.
Masarap, malinamnam, malasa at masabaw. Speaking of sabaw "Manang sabaw pa nga", pagkatapos kong maubos ang sabaw nang batchoy ko. Sabaw pa lang kasi masarap na talaga.
"Maiba ako..", at kami'y biglang napatingin kay Julie. "Ano sa tingin niyo?..".
Anong ano sa tingin namin?
"Anong ano?", tanong ni Ayenne na may kunot sa kanyang noo.
"Ahhm.. alam niyo na.. si Seid at si Queen...? I mean...", parang nahihiya at hindi masabi ni Julie ang gusto niyang itanong kaya inunahan na siya ni Reinna. "Kung sila na?..", at tumango nalang si Julie habang nakataas ang mga kilay sabay sabing "Tingin niyo?..",
"Kasi... napapansin ko palagi na silang magkasama.. sa sayaw partner pa sila... at mukhang sweet pa sila sa isa't isa.!!".
"Bakit..? Mukhang interesado ka?..!! Hah.. Julie..?", nakakalokong ngiting tanong ni Kain at napansin kong namula si Julie sa narinig at bigla nalang pinagtuunan nang pansin ang kanyang kinakain.
Luh... May gusto ba siya kay Seid?... bakit ganyan ang naging reaksyon niya nang tanungin siya ni Kain?
"Hooy... Karl... tulala ka jan?..",
Kanina pa pala ako tinitingnan ni Simeon. "Ahh .. wala...!! ", sabi ko, sabay higop nalang din nang sabaw.
Ano ba yan nakakaloko ang tingin sakin ni Simeon na may kasama pang nakakalokong ngiti rin na parang nagsasabing I smell something fishy... kaya tinaasan ko siya nang isang kilay ko at sabay kaming napatawa.
Whew...
Muntik na'ko dun... ayokong may makaalam sa sekreto ko.
Ang totoo niyan may gusto ako kay Julie..
OO....
May gusto nga ako sa kanya pero hindi ko masabi.
Hindi ko alam kung bakit..
siguro torpedo lang ako...
Siguro dahil tropa kami...
Barkada lang ang tingin niya sa akin...
Siguro dahil takot akong ma basted...
Actually... na love at first sight ako sa kanya... kahit medyo may pagka boyish siya... nahulog pa rin ako sa kanya...
Ganito siguro kapag nagmahal...
Aaaahh... bahala na... alam ko darating din ang araw na masasabi ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
At sana dumating nga...
... Tbc...
BINABASA MO ANG
SNAPPY LOVE STORY
Romansa**(ON HOLD) ** a story of a simple happy-go-lucky guys who find love in an unexpected way which made their own LOVE STORY changed their lives and those lives around them. (this story is based on the writer's imagination. all characters, places and e...