Tol... tara na.. malelate na tayo ... " paalala sakin ni Karl na kanina pa naaatat makaalis sa internet café.
"Malapit na 'to... mga 5mins. Mananalo na 'ko eh.. " sagot ko habang ako'y tutok na tutok sa aking pag-Dodota.
Grade 8 ako nang matutong mag online games. Nag umpisa sa counterstrike, sinundan ng red alert, Generals at ngayon ay naaadict na sa DOTA.
Aalis ng bahay nang maaga para dumaan sa compshop at pagkatapos ng klase ay dadaan ulit sa compshop para makapag-online games pa bago umuwi nang bahay.
"Seid... !!! Ano.. iiwan ka na namen.?.. " tugon muli ni Karl na nagtatangka nang umalis at mukhang iiwan talaga ako.
"Saglit lang...mabilis nalang talaga 'to... hintayin niyo na ako..." huling pakiusap ko. Buti naman at hinintay nga talaga ako ng mga tropa ko.
Muntik na nga kaming mahuli sa aming T.L.E subject. Buti nalang at may dalang motorsiklo si Kain at Simeon na kabarkada rin namin ni Karl at siyang lagi ko ring kasama sa pag-oonline games.
"Haha... akalain mo 'yon pre? Epic comeback kami kanina... 'kala nga namin GG na kami sa laro....!!!" Pag mamayabang ko sa mga katropa ko nang kami'y naka upo na. Buti nalang at wala pa ang teacher namin nung kami ay dumating sa school.
"Hoooo....!!!! ..Nagyabang ka na naman Seid...", kantiyaw sa akin ni Simeon o mas kilala sa palayaw niyang Sim.
"Guys... may assignment na ba kayo?", narinig ko mula sa aking likuran, si Julie nagtatanong sa amin. Maganda naman si julie marami nga ang nanliligaw sa kanya. Kahit sina Kain at Sim ay may crush dito pero ewan ko ba, maganda nga siya pero hindi ko siya trip.
Haha... ako lang ata ang naiiba...
"Hala..!!!. wala pa akong nagagawa..." kamot-ulo na lang si Karl sabay labas nang kanyang ballpen at papel. "pakopya naman ako jan baka meron kayo..." sabay labas ng kanyang nakakalokong ngiti.
Buti nalang ako... nakagawa pa ako nang assignment kagabi bago matulog...
"Oh.. ayan.!!!. bilisan niyo habang wala pa si Sir Alfred…” sabay abot ko ng aking assignment para makopya at mabilis naman nilang kinopya ito. Hindi ito nakalampas sa mga mata ng iba ko pang kaklase na parehong walang assignment.
Nako..po... pinagpyestahan na nang buong klase ang aking assignment. Kapag ito nalaman ng teacher namen, ay nako po… damay-damay na lahat.
Natapos na din ang 1st period nang klase. Buti at 2nd period namin ay vacant. May isang oras pa para magliwaliw bago pumasok sa 3rd period namin(English).
Dating gawi, tambay kami sa may study table. Nagtitingin sa mga estudyanteng dumadaan. Minsan ay naglalaro nang card game na kung tawagin ay Yugi-oh.
Well hindi ko na eexplain.. basta yugi-oh.. search niyo na lang..
"Tol.. maiba ako..!!! Malapit na ang prom.. may mga date na ba kayo?.. " natigilan kaming tatlo sa sinabi ni Kain at napaisip.
"Date ? .. !!! Uso pa ba 'yun..?? " , kunot-noo kong tiningnan si Kain at muling itinuon ang pansin sa aking nilalaro.
"Aba.. parang hindi kayo binata ahh..!!!. mga tol.. jan lumalabas ang tunay na kagandahan ng mga klasmeyt natin..." napatingin kaming apat kay Kain na tila hindi makapaniwala sa kanyang mga pinag-sasabi ngunit hindi ito napansin ni Kain at tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagsasalita.
" hahaaa... malay niyo ...!!! 'yan.. nakikita niyo 'yan.. si Meldrid..." at kami'y tumingin sa kanyang tinuturo.
" hindi natin alam... kapag 'yan naayusan.. baka mas maganda pa 'yan kay Aira (kaklase naming sossy na puro pagmemake up lang ang alam)."
Kami'y biglang napaisip, mukhang may punto nga si Kain. 'Di natin alam, baka ang prom pa ang maging dahilan para magkaroon na kami ng mga girlfriends.
Kaso mukhang malabo ata iyon para sa akin. Ako’y may kapayatan ay hindi rin ako matangkad. Sabi nang iba ay may itsura din daw ako kaso sabi naman nang mga tropa ko..
"Tae nga may itsura ... ikaw pa kaya... "
Which is true...
Mga kasabihan talaga. Hindi mo alam kung makatutulong sa'yo o makakapagpalito pa nang isipan mo.
Well... !!! 2 months pa naman bago mag JS Prom. May Pasko pa at New year, sigurado naman sa mga moment na iyon ay magkaka gf na ako.
At biglang natahimik ang lahat nang may dumaang anghel.
Si Queen short for Queenilyn Hermosa. Isang napakagandang anghel mula sa section Orchids. 16 yrs. Old, balingkinitan ang katawan na may makinis at maputing kutis at higit sa lahat may mala-anghel na mukha. No. 1 campus Angel sa school.
Mula noong nag transfer siya dito noong Grade 9 ay nagliwanag ang buhay ng mga kalalakihan dito sa campus. Marami na rin ang nanligaw kay Queen ngunit ni isa ay walang pumasa kaya...
Literal na hanggang tingin nalang kami dahil alam namin na hindi rin naman kami papasa...
Ilang beses na'kong nag pray kay Lord na sana ay maging magklasmeyt kami kaso mukhang hindi ata ako malakas kay Lord.
Kaya... 'Di bale nalang...
"Ang ganda talaga niya...!!", namamanghang sambit ni Karl na tila’y lutang ang kanyang isipan. Siguro pinagpapantasyahan nito sa kanyang imahinasyon si Queen.
"Oo nga...!!! Sana maka-sayaw ko siya sa Prom..." sunod naman ni Sim, isa rin ‘tong nananaginip nang gising. Napatingin nalang kami sa kanya at tila iisa ang nasa isipan.
Posibleng mangyari ang iniisip mo.. pre... in your dreams... hahahaaaa
At nagtapos ang aming pagpapantasya nang mag-Bell na. Hudyat na oras na para magising... este pumasok na para sa susunod na klase...
... Tbc...
BINABASA MO ANG
SNAPPY LOVE STORY
Romansa**(ON HOLD) ** a story of a simple happy-go-lucky guys who find love in an unexpected way which made their own LOVE STORY changed their lives and those lives around them. (this story is based on the writer's imagination. all characters, places and e...