Few more days nalang...pasko na... !!!
Naging success din naman ang christmas party naming and by the way... nanalo ang belen na ginawa ng section namin.
Naiinis lang ako minsan kay Karl... ayaw akong tigilan... pilit ba naman akong pinaamin kung may relasyon daw kami ni Queen?..
How i wish ... na sana meron nga... !!!!
Kaso, pagdating sa mga ganyang bagay ay parang dehado ako sapagkat, hindi naman talaga ako marunong manligaw, at ni isa ay wala pa akong niligawang babae.
Then, sasabihing may relasyon kami ni Queen?... imposible...
Hindi ko na abot ang taas ng level at standard ni Queen. Kumbaga, langit siya... lupa ako...
Tingin ko one time event lang ang nangyari at hindi na masusundan pa, ni hindi ko nga siyang nakikita sa tambayan.
Siguro busy lang....
Well... makagala na nga lang...
Magtatakip-silim nang ako'y umalis nang bahay upang pumunta sa peryahan sa school. Sa sobrang lawak kasi ng field ng school ay pinapayagang mag tayo doon ng peryahan at mga booth sat twing sasapit pasko at bagong taon gayong wala namang klase. Nagpapalabas ng mga event tulad ng mga pageant at kadalasan ay sa loob ng school ang venue.
Madami rin akong nakasalubog na mga classmates ko at schoolmates sa perya na katulad ko ay gumagala rin at nakikisaya.
"Hooy.. Seid..." ako’y napalingon nang marinig ang isang pamilyar na boses na tinatawag ang aking pangalan.
"Ooh...!!! andito rin pala kayo... buti naman at pinayagan kayong gumala...", sina Kain at Sim na kanina pa pala ako tinatawag mula nang dumating ako ng school. Napakalakas lang kasi ng tugtog na nanggaling sa napakalaking speaker ng peryahan, kaya hindi ko agad narinig ang boses ng dalawa.
"Mag-isa kang gumagala ahh...", batid sakin ni Sim pagkatapos akong akbayan. "Ewan ko dun sa mokong na 'yon... kanina ko pa nga tinetext si Karl... hindi naman nagrereply...!! Kaya hinayaan ko nalang...", sagot ko naman habang kami'y naglalakad at kung saan-saan na napunta.
Halos lahat ng palaro sa perya ay aming naikot. Mapa darts, color games, roleta, barilan at kahit ang videoke ay hindi namin pinalampas.
Tawanan to the max talaga... haaaahahaaaa..!!!!
Nakaramdam na rin kami nang pagod kaya napagpasyahan namin na pumasok nalang muna sa 7-11 at doon tumambay.
"Isa nalang ang hindi ko pa napupuntahan..." wari ko at siya namang tingin sa akin ng dalawa. "Ang ferris wheel...", biglang nagtawanan ang dalawa sa aking sinabi na siya ko namang pinagtataka..
Mali ba ang nasabi ko???? Nemeeen...
"Tol.. !!!..Corny ahh… ano ba yan.. chicks ka ba ?!! Haaa hahhaha...!!!", natatawang tanong sakin ni Kain na tila hindi sang-ayon sa aking sinabi.
"Gago.. eh hindi pa naman talaga ako nakakasakay jan... mula nung bata pa. syempre gusto ko rin maka-experience ano.. ", nahihiyang pagtatanggol ko sa aking sarili..
Mga loko talaga 'to . ... walang basagan nang trip ...
"Haaahahahaa...!!!.. tol.. ganito... ahh ... wag kang sasakay jan na wala kang dalang chicks... pagtatawanan ka kung mag-isa ka lang na sasakay jan... dapat may kasama...", natatawang paalala sakin ni Sim.
"Ano 'yan? .. mandatory ba yan?? .. parang wala naman yatang batas na nakasulat ang ganyan... ", pamimilosopo kong pagtatanong ngunit ako’y biglang napaisip. Parang awkward naman yata kung mag-isa lang akong sasakay ng ferris wheel.
BINABASA MO ANG
SNAPPY LOVE STORY
Romansa**(ON HOLD) ** a story of a simple happy-go-lucky guys who find love in an unexpected way which made their own LOVE STORY changed their lives and those lives around them. (this story is based on the writer's imagination. all characters, places and e...