My Dream Dance

7 1 0
                                    

"Maaaa… Nakita mo ba ang americana ko?...", pasigaw ko kay Mama habang hinahagilap ko ang susuotin sa Prom. 

Medyo naexcite lang kasi ako. Gusto kong tingnan sa salamin ang sarili ko habang suot ko ang americana ko... hehehe.... Gusto ko kasi maging mukhang gwapo sa harapan ni Queen. 

Sana naman bumagay ang ayos ko para naman maging mukhang deserving akong partner ni Queen.

"Maaaa....", muli kong sigaw. "Ano 'yon nak?..", tanong sa'kin ni mama nang pumasok siya sa kwarto. 

"Yong americana ko ho...kasi hindi ko...", 

"Ay nako..!! Nak 'wag mo na hanapin at pina dry clean ko kahapon.. bukas pa ang deliver nu'n.. samakalawa pa naman ang prom niyo diba? ...", tuloy-tuloy na paliwanag ni Mama. Tanging "aaahhh" na lamang ang aking nasagot sa kanya.

Si mama talaga... kung kailan excited ako. 

Lumabas na si mama sa kwarto ko at ako'y napahiga na lamang sa aking kama. Napatingin sa kisame at napamuni-muni. 

"Tol... nini-nerbyos ka na no?..", halos magkasabay na tanong sakin nang tatlong mokong. 

"Haha.. hindi no..!! Bakit naman ako ninerbyosin?..", depensa ko pero ang totoo kanina pa nanginginig ang aking mga kalamnan, parang naiihi din ako na ewan. Tuhod ko’y nanginginig na rin at tila nawawalan nang lakas.

 Ano ba yan! Para akong malulumpo sa nerbyos. Asan na kaya si Queen? Kanina pa siya wala.. malelate pa ata.. maya-maya magstart na ang prom.

Umupo na sa kanya-kanyang table ang lahat kaya umupo na rin ako sa table namin. Kasama ko sa table syempre ang mga tropa ko at mga partner nila. Shocks.. wala pa rin ang partner ko. "Ano tol...?? nagback-out na ata ang partner mo...", pag-iinis sakin ni Karl with matching nakakainis na ngiti. 

"Good evening... ladies and gentlemen welcome to our Prom night...", 

Ayun mag-iistart na ata ang program. 

Hindi na talaga ako mapakali sa aking inuupuan. Ang tingin ko’y halos naikot na ang bawat sulok ng venue, ninanais na makita si Queen ngunit wala akong makitang Queen Hermosa kahit saan. 

I need to calm down.. sa isip-isip ko, nang biglang namatay lahat nang ilaw. Ang lahat ay nagulat at tila nagtataka. Anong meron? Black out ba.? , tanong ko sa aking mga katabi at ito’y agad din nasagot nang biglang lumiwanag ang isang spotlight patungo sa isang sulok kung saan may nakatayo. 

Isang napakagandang prinsesa na nakasuot nang isang napakagandang gown. Puting-puti at punong puno ng mga palamuti na parang mga dyamante ang tela nito at para bang kumikislap-kislap. Nakakasilaw ang kanyang kagandahan. Dahan-dahang lumalapit sa akin ang nakakasilaw na dilag. "Queen?...", Gulat na gulat ako sa aking nakikita. Lalong nanginig ang aking mga kalamnan at ang dalawa kong tuhod ay parang nangangatog sa lakas nang kaba.

"Titingnan mo lang ba ako?..." nakangiting tanong sa akin ni King. Ang mga mata niya’y tila nangungusap at para bang may nais ipahiwatig sa akin. SHIIITTTT!!!! Sobrang lakas ng kabog nang dibdib ko na para bang maririnig mo ang pintig nang aking puso kahit ikaw nasa malayo. 

Ayeeeeeeee.....!!! Sabay-sabay na kantyaw sa akin nang mga klasmeyt ko.

Ano ba Seid...?? Ngayon ka pa ba maggagaganyan?..nasa harapan mo na ang isang dyosa.. hindi nga pala siya isang diyosa dahil siya ay isang anghel sa langit na bumaba upang aking maisayaw sa gabing ito. 

...at ako'y humugot nang isang malalim na buntong hininga. Kalma lang Seid.. Kalma..

Tumugtog ang isang napakagandang musika habang kaming dalawa’y iniilawan na nang spotlight. Ang lahat ay naka-upo't nakatingin lamang at tila ba'y manghang-mangha sa kanilang nasasaksihan. 

Ms. Queen Hermosa.... pwede ba kitang maisayaw? 

Sabay alok ko nang aking kamay sa anghel na nasa aking harapan. 

Sure...!!

Sagot ni Queen sabay hawak sa aking mga kamay at siya'y aking hinatid sa gitna habang ang spotlight ay sumusunod sa amin upang kami’y mailawan at Makita ng lahat. Ngayo'y magkaharap na kaming dalawa habang hawak nang kaliwa ko ang kanan niya at nasa bewang naman niya ang aking kanang kamay at sa balikat ko naman ang kanyang kaliwa. Nagkatinginan, nagkangitian habang unti-unting gumagalaw ang aming mga paa upang umpisahan ang pagsayaw. 

Ramdam na ramdam namin ang sarap nang musika na tila ba'y inilalakbay kami sa iba't ibang lugar habang kami'y nagsasayaw. Sa aming pagsayaw ay para kaming lumilipad paitaas nang paitaas hanggang sa marating namin ang mga ulap.

Ngayon ay sumasayaw kami sa ibabaw nang mga ulap habang ang araw ay palubog sa kanluran. 

"Ikaw na yata ang pinakamagandang anghel na nakita ko sa mundong ito...", bigla kong sambit habang nakatitig sa kanyang mga mata na siya namang sinuklian niya nang isang napakagandang ngiti. Parang ako'y matutunaw sa kanyang nakakasilaw na ngiti. 

"Queen?...", mahinang tugon ko sa kanya. 

"Hmm?..", sagot naman niya sa akin at ang aming mga mata’y nagkatitigan at para bang nag-uusap. Sobrang kaba na talaga nang aking dibdib ngunit hindi ko palalampasin ang moment na ito kaya, nagpakawala ako nang isang malakas na buntong hininga upang pakalmahin ang sarili kong hindi mapakali mula pa kanina at pagkatapos ay muli akong nagsalita.

"I think... mahal na kita....", 

Ohh.. shiit .. nasabi ko na mahal ko siya.. ako kaya?.. ano kaya magiging response niya? Sana same feelings din siya tulad ko… parang hindi ako ready kung sakaling bastedin niya ko… aaaarrrhhhggg.

Kabang-kaba at tila pinagpapawisan na’ko sa maaring maging reaksyun ni Queen sa akin.

"Seid..??", 

Ayan na... nagsalita na si Queen... 

"Yes..?", tugon ko sa kanya.

"May ibubulong ako sayo...!!", tugon niya sa akin na siyang mas lalong nagpakaba sa akin. Ano kaya ibubulong niya? .. sana sabihin niya na mahal niya rin ako... kasi kung sasabihin niya 'yon.. for sure.. ako na ang pinakamasayang lalaki sa campus...

Kaya inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hinawakan niya ang ito at ibinaling pakaliwa upang humarap sa kanya ang kanang tenga ko. Excited na kinakabahan ako sa sasabihin niya.... sana positive... kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang naghihintay sa  kanyang sasabihin.

"Seid... magsaing ka na... tanghali na.....", 

Ang lahat ay biglang naglaho…

WHAAAAATTT….!!!!!

Ang tanging nakikita ko ay ang kisame nang kwarto. Tanghali na pala. Hindi na ako nakapag almusal at magtatanghalian na. Si Mama kanina pa pala nakasigaw sa akin. 

"Seid...!! Nak... bumaba kana.. magsaing ka na muna... at ako'y madami pang ginagawa..", muling sigaw ni mama at ako'y napaupo na sa aking kama.

Ba naman yan...!! Akala ko totoo na.... panaginip lang pala... tsk..tsk.. aaaaarrgghhh … it’s unfair…

Wala naman akong magagawa kung panaginip lamang iyon kaya tumayo na lang ako upang makapagsaing na. Medyo nakaramdam na rin ako nang gutom.. hindi kasi ako nakapag almusal.

... Tbc...

SNAPPY LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon