Linggo… walang pasok, walang praktis. Tamang araw para gumala at magliwaliw. Nakakapagod din ang mga nakaraang araw. Pagkatapos ng klase deretso sa praktis nang pagsasayaw. Buti nalang at malapit lang ang bahay namin sa school kaya hindi mahirap sa akin ang pag-uwi.
Hmmm… tawagan ko kaya sina Seid o kaya ang magkapatid na Bernardo (Kain Bernardo at Simeon Bernardo).
*riinnggg…*
“Hello?”
“Hello Seid… tara gala…”
“Ay… pre sorry… next time nalang ako… di ako pwede umalis ng bahay ngayon ay may darating na bisita sa’min… try mo ang Kambal…”
“Ahh.. ganun ba … sige-sige… try ko sila yayain…”
One down… hindi makakagala ang isa… Hmmm. Matawagan na nga din yun dalawa…
*riiinngg…*
“Oh… Hello… Karl napatawag ka?”
“Tara gala…”
“Nako… bad timing ka pre… nasa byahe kami now… pupunta kaming City at bibisitahin daw naming mga Lolo’t lola naming doon… kaya mo naman yan… gumala ikaw pa… hahaha”
Two down… nope three down na pala… mukhang magsosolo ako ngayong araw na ‘to ah… hmmm… ‘geh bahala na…
Mabilis na naligo, nagbihis at kumain ng breakfast bago umalis. Parehong wala ang aking mga magulang gawa nang nagkaroon ng emergency meeting ang school at need nilang pumunta dahil ang aking mga magulang ay parehong teacher ng aming school - Iloilo Northern High School. Hindi ko alam kung tungkol saan ang meeting… well I don’t care.
Nag-iisang anak lang ako kaya hindi ko ipagkakaila na parang spoiled ako sa mga magulang ko.
Umalis na ‘ko nang bahay sakay ang aking bike. Buti nalang at hindi masyadong mainit, medyo malamig ang hangin. Well, siguro dahil sa hindi pa medyo malayo-layo pa ang summer. Kumbaga nasa winter season parin ang panahon ngayon.
Medyo may kataasan ang lugar kung saan kami nakatira. Maybe more or less ten minutes na paglalakad pababa bago marating ang main road. Pag nag bike ako Haha… inaabot lang ng two to three minutes ‘yon.
In the middle of my descend…
I stop my bike for a moment ‘cause I saw something… it was so beautiful. Ilang beses na’kong nagbabike pero bakit ngayon ko lang napansin ang napakagandang tanawin na ito?
Kay ganda palang pagmasdan nang bayan ng Stancia lalo na sa mga ganitong oras kung saan dahan-dahang umaakyat ang haring araw sa kalangitan. Ramdam ko ang sarap ng simoy nang hangin na siyang dumadampi sa aking mukha at buong katawan. Haha… sorry guys... at mag-sesenti muna ako dito…
Ilang minute rin akong nagmuni-muni. Nag-iimagine nang mga kung anu-anong bagay (nagdadrama ang aking isipan) ngunit tila sa gilid ng aking mata ako ay biglang may naaninag. May naririnig na nakakadisturbong tunog kaya nilingon ko ito upang aking malaman kung saan nanggagaling ang tunog na iyon na tila parang sumisigaw.
Oh… Shit… Tila biglang nag slow-mo ang aking paligid nang aking nang aking makita ang isang napakagandang anghel na sa akin ay papalapit. Si Queen?... na nakasakay rin sa kanyang bike at tila sa akin ay may sinisigaw.
Wait… parang may mali…
Unti-unting bumabalik sa tamang daloy ng oras ang lahat at unti-unti ko ring naiintindihan ang kanyang mga sinasambit.
T – A – B – I … tabi? T – U – L – O – N – G … tulong?
WTF… The Queen is in distress… at kailangan niya ng aking tulong. Mukhang na out-of-control ang manubela ng kanyang bike pati na rin ang break nito. May kabilisan ang kanyang pagbaba sa slope kaya siguro hindi niya ito ma-control. I need to do something… isip Karl isip…
Alam ko na…
Option 1 – sasalubungin ko siya at haharangin ang bike niya to make it stop… No No No…mukhang imposible. Sa bilis ng takbo ng bike baka mabalian pa ako sa lakas ng impact nito.
Option 2 – Hintaying makadaan ang bike at susunggaban ang upuan nito at pipigilan ko mula sa likod… Pwede pero pwede rin akong makaladkad… masakit din yun sa katawan…
Isip Karl… isip…
Alam ko na… Option 3…
Sana mapansin niya ko… sana marinig niya ang sasabihin ko… at sana makareact agad siya…
Tumayo ako sa gilid ng daan at sumigaw ng malakas upang ito’y marinig ni Queen. Buti nalang at narinig nga ni Queen ang aking sigaw at siya’y napatingin sa akin. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang takot at pangamba.
Nang siya’y nakita kong nakatingin sa akin ay agad akong nag-ipon nang maraming hangin sa aking tiyan upang ako’y makasigaw ng mas malakas.
UUUhhhh… BIITAAAWWWW…. TAAALOOONNN….
Sigaw ko habang ang aking mga kamay ay nakadipa na tila bang nagsasabi sa kanya na. Tumalon ka at sasaluhin kita.
Laking gulat ko nang biglang tumalon nga si Queen patungo sa akin nang siya’y malapit na sa aking kinatatayuan.
Ako’y napangiti sapagkat siya’y hindi nagdalawang-isip at agad na nagtiwala na siya’y aking masasalo.
Kasabay nang pagtumba nang kanyang bike ay ang pagsalo ko rin sa isang anghel na ngayon ay nakadapa sa akin habang ako’y nakahiga sa lupa na aming binagsakan. Medyo masakit ang likod ko dahil sa pagbagsak pero hindi ko na ‘yon binigyang pansin sapagkat nakatuon ang aking isipan sa magandang binibini na kanina pa nakadapa sa akin. Siya’y nakapikit na tila ba’y natatakot pa rin.
Aaaahhh… what a scene… ganito ang mga napapanood ko sa mga teleserye sa TV.
“Queen?...” Ayoko man sanang matapos ang moment na ito pero kailangan kaya tinapik ko ang balikat ni Queen at muling tinawag ang kanyang pangalan.
“Queen…!”
Siya’y napatingala at kami’y nagkatinginan. Shit… ramdam ko na biglang namula ang aking mukha nang kami’y nagkatitigan. Randam ko ang init ng kanyang hininga sa aking dibdib.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag si Queen ay kasama. Sobrang hirap pala… ‘yong tipong nakakaadik pagmasdan ang kanyang napakagandang mukha. Hindi ko akalaing kayang tiisin ito ni Seid na tila araw-araw niyang nakakasama ang anghel na ito. Seid… masasabi ko nang… I feel you…
... Tbc...
BINABASA MO ANG
SNAPPY LOVE STORY
Romansa**(ON HOLD) ** a story of a simple happy-go-lucky guys who find love in an unexpected way which made their own LOVE STORY changed their lives and those lives around them. (this story is based on the writer's imagination. all characters, places and e...