Araw nang sabado, walang klase. Sarap buhay lalo't nag-uubos nang oras sa harap ng PC sa kakaDOTA.
Sarap sana....
Kung hindi lang ako nagvolunteer para gumawa ng belen para sa x-mas party sa susunod na linggo.
Kasalanan ni Sir Alfred ito... nagtanong kung sino magvovolunteer tapos titingnan ako nang masakit.??
Hindi volunteer 'to.. compulsory tawag dito..asan ang hustisya?
"Seid... kunin mo nga 'yung isang sako ng damo doon sa likod ng pick-up ko... para mailagay na sa belen.." utos sa akin ni sir Alfred. Wala naman akong magawa kundi sumunod kahit ako’y tamad na tamad kumilos. Palibhasa adviser…
Mag-isa kong pinuntahan ang sasakyan ni sir.
Isang sakong damo.. haha.. yakang-yaka... wala pa sa 1/4 ng lakas ko ang masasayang.
Habang papalapit ako sa sasakyan ay mayroon akong napansin na tila kakaiba. Parang may hindi tama dito ah.
May tao sa gilid ng pick-up? At tila, kahina-hinala ang mga kinikilos nito.
Magnanakaw?? .. !! Imposible... nasa school may magnanakaw? ... hala.. hindi kaya isang estudyante? .. na gusto magnakaw?? .. at ano naman ang nanakanin nito sa loob ng sasakyan ni Sir Alfred?... eh wala naman makukuhang kapaki-pakinabang sa sasakyan nito... (alam ko .. dahil nakasakay na 'ko dito....hahha)
Patay ka ngayon sa'kin magnanakaw ka...
Dahan-dahan akong lumapit sa sasakyan. Buti nalang at hindi ako napapansin nito. Tama ang hinala ko estudyante. Nasa gilid nang sasakyan habang ako'y nasa likuran niya. Hindi siya nakasuot nang uniform pero napansin ko ang strap nang ID niya, strap ng school 'yon kaya masasabi kong estudyante nga siya.
Wala na'kong sinayang na pagkakataon...
Dali-dali akong lumapit sa kanya sabay sabing... "Hooooyyy...!!!! .. anong ginagawa mo jan???!!!!", sabay hawak sa magkabilang balikat nito. "Aaayy..!!! Itlog mong malaki...!!!", sa gulat niya ay napatayo siya, dahilan upang tumama ang kanyang ulo sa aking mukha.
*Baang....!!!!*
"Aaarraaaaayyy koooo pooo....!!!!!!"
Sapul ang aking bibig, nagkasugat pa dahil nalalasahan ko ang sarili kong dugo.
Napaatras ako at napayuko, masakit talaga ang pagkakatama..
Ano ba yaaaan.. !!!!
"Sorry...!!!.. okey ka lang ba.??? Pasensiya ka na.. ginulat mo kasi ako..." pag hingi niya nang tawad sa akin..
What? .. boses nang babae?... at ang sarap pakinggan ng kanyan mga salita...
Mula sa pagkakayuko ay itinaas ko ang aking mukha upang makilala kung sino siya...
ohh shiiit.!!!
At muli kong iniyuko ang aking ulo...
Hindi ako makapaniwala, anong ginagawa niya sa gilid ng kotse ni Sir?, Bakit kahina-hinala ang kini-kilos niya?
"Hellooo... sorry talaga ahh...!!!", muli siyang humingi nang tawad sa akin.
Kalma lang Seid... Kalma..
..At humugot ng isang malalim na hininga bago ko inayos ang sarili ko. Shiit.. talaga, dugo talaga ang labi ko.
"Okey lang ako... don't worry...!!" wari ko na para bang nagtitikas-tikasan. "Pasensya na rin kung nagulat kita.. akala ko kasi magnanakaw..." sabay kamot sa batok.
BINABASA MO ANG
SNAPPY LOVE STORY
Romansa**(ON HOLD) ** a story of a simple happy-go-lucky guys who find love in an unexpected way which made their own LOVE STORY changed their lives and those lives around them. (this story is based on the writer's imagination. all characters, places and e...