Prologue

101 12 0
                                    

Marami na kong napuntahan. Pero ni isang paglalakbay ko, hindi ako napagod.

Minsan ko ng tinanong ang sarili ko na, "Hanggang saan kaya ako dadalhin ng mga paang 'to? Saan kaya ang susunod na destinasyon ko?".

Nasagot ang mga tanong ko pero...pero ang hirap pala, ang hirap palang maglakbay sa mundo ng taong mahal mo.

Nakaramdam ako ng pagod. Napagod akong maglakbay papunta sa puso niya.

Sa dinamirami ng nilakbay ko, ngayon lang ako napagod ng sobra.

Ngayon naniniwala na ko na hindi pala lahat posible...lalo na para sa isang tulad ko na umaasang mamahalin din ng taong mahal ko.

Hindi rin lahat ng lugar ay kaya kong puntahan.

Katulad na lamang ng lugar diyan sa puso mo...

-----------------

I was vere happy! Because today is my day...hehehe. Nandito ako sa mall para sa gaganaping book signing event. And yes, it was for me and my book na umabot sa mahigit 150 milyon ang nagbasa at maliban pa sa mga bumili ng libro nito.

"Wahhhh!!! Andyan na si Binibining Manunulat!"

"Myyy ghaddd Caziii! This is ittt! Wahhhh!!!"

"I admire youuu poooo!"

"Ang ganda niyaaaa! Shet!"

"Ang ganda po ng mga story niyooo!"

Dinig kong sigawan ng ibang tao. Humarap ako sa kanila at kumaway. Lalo silang tumili at 'di magkamaway kasisigaw. Nginitian ko muna sila bago tuluyang pumunta sa harapan.

Kumaway naman ulit ako ng makapunta na sa harap at tsaka gumawa ng heart pose, nilagay ko ang dalawa kong kamay sa tuktok ng ulo ko at tsaka medyo tinabingi ang katawan ko dahilan para gumaya sila. Heart pose is my signature pose sa mga pictures ko sa social media accounts ko.

Nag-flying kiss din ako sa kanila at tumili ulit sila. Binigyan ko pa sila ng isang matamis na matamis na ngiti bago kinuha ang mic na nasa harapan ko at nagsalita.

"Thank you so much for all of the people who came here today! I really appreciate your support for me! Love lots! Mwuah!" Masayang usal ko at nagflying kiss ulit.

Umupo na ko at tinanguan ang mga nakabantay dun sa mga tao, hudyat na pwede na nilang papilahin ang mga ito para magpapirma ng libro.

Inalis na nila ang mga nakaharang at isa isang pinapila ng maayos ang mga tao. Hindi pa rin sila tumitigil katitili na mas lalong nakapagpasaya sa akin kahit masisira na yung ear drums ko...hahaha.

"Binibining manunulat! Ang ganda ganda mo po!" Puri sa akin ng isang babae na kasalukuyang nagpapapirma sa akin. "May boyfriend ka na po ba?" Tanong niya na nakapagpatigil sa'kin ngunit agad din naman akong nakarecover.

"A-ahhh...wala pa kong b-boyfriend eh." Sabi ko na ikinalungkot naman niya.

"Sayang naman po. Ang ganda ganda niyo pa naman po." Malungkot niyang saad pero nginitian ko lang siya at mabilis na pinirmahan ang libro niya para makaalis na siya agad.

Wala ako sa panahon para makipagusap sa kaniya lalo na kung walang kwenta naman ang paguusapan namin. Pinigilan kong hindi mainis sa tanong niya, dahil ayokong sirain ang araw na 'to. Pilit kong kinalimutan ang tanong niya at nagtuloy lang sa pagpirma ng mga libro at pakikipagpicture sa ibang mga tao.

Oras ang lumipas at naubos na rin ang mga taong nagpapapirma, pero buhay pa rin ang mall dahil hapon pa lang naman. Nagliligpit na kami ng lumapit sa'kin si Stacy.

Stacy Ara Chavez, is my bestfriend since elementary. Lagi siyang nandyan sa tabi ko kahit may topak ako...hahaha. Siya ang nakadiskubre ng lahat ng pangyayari sa buhay ko. Same as her, ako rin ang nakadiskubre ng mga pangyayari sa buhay niya.

"Hoy! Anong nangyari sa'yo kanina?" Tanong niya ng tuluyan siyang makalapit sa'kin. Taka naman akong tumingin sa kaniya.

"Huh? Ano bang nangyari sa'kin kanina?" Takang tanong ko dito.

"Nakita ko kaya kung pano nalukot 'yang mukha mo nung tinanong ka ng isa sa mga fans mo kung may boyfriend ka na ba!"

"Psh!"

"Speechless si Ate oh! Hoy kupal! Parang nagtatanong lang yung tao galit ka na agad! Kawawa naman, pinaalis mo agad!"

"Pake mo ba!? Ha!?"

"Eh, sa akin lang naman. Tinanong ka ng maayos, sinagot mo naman din ng maayos! Pero yung itsura mo kanina umiba eh, pati yung mood mo! Buti na lang kumalma ka agad"

"Sinagot ko naman ng maayos, diba!?"

"Oo nga per---"

"Oh eh ano pang sinasabi mo diyan!?

"Hay nako! Bala ka nga sa buhay mo! Basta sinasabi ko lang sa'yo kung ano yung nakikita ko!"

Hindi na ko nagsalita at tumahimik naman na siya. Maya maya lang ay bumalik siya ginagawa niya.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko at nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko bilang isang author.

"Binibining manunulat!" Sigaw ng isang batang babae.

May humahabol sa kaniyang babae habang isisigaw ang pangalan kong 'yun. Nagsalita ang babaeng hingal na hingal kakahabol sa bata.

"Talagang bata ka! Nagliligpit na sila oh! Halika na't umalis na tayo!" Sabi sa kaniya ng babae na sa tingin ko ay yaya niya.

Magsasalita na sana yung bata pero nagsalita na ko.

"Do you want me to sign that?" Tanong ko dito sabay turo sa librong hawak niya na ako ang may akda.

Tumango naman siya at ibinigay sa akin ang libro. Mabilis ko naman iyong pinirmahan at ibinalik sa kaniya.

Tatalikod na sana ko ng magsalita siya.

"Can you read this book for me? I haven't read this book yet...but my yaya told me that this book is beautiful." Nakangiting saad niya at gulat naman akong napatingin sa kaniya. Gusto niyang basahin ko mismo sa harap niya ang libro na may pagkahaba habang chapters!

"Ma'am pasensya na po." Nakatungong sabi ng yaya niya ng mahalata niyang nagulat ako sa sinabi ng alaga niya.

Tinanguan ko naman siya at takang tumingin ito sa akin. Ibinaling ko naman ulit ang paningin ko sa bata at ngumiti.

"Sure...I'll read this book for you." Sabi ko at ngumiti naman siya. Ang cute niya, parehas kami ng ngiti...hehehe. Box smile.

"Okay lang po ba sa inyo ma'am?" Tanong ng yaya niya. "Hindi po ba kami nakakaabala sa inyo?" Sunod na tanong niya.

"Yeah...It's alright. Wala naman na akong gagawin at maaga pa naman."  Sabi ko dito at nginitian siya ng bahagya.

"Come here baby girl...sit down." Sabi ko at sinunod naman niya 'yun. Umupo rin sa tabi niya ang yaya niya na parang hindi makapaniwalang papayag ako na basahin ang libro harap harapan sa kanila.

Tinignan ko siya at nagulat naman siyang tumayo.

"No. It's okay. You can sit beside her." Nakangiting usal ko at bumuntong hininga pa siya bago umupo.

Bumuntong hininga pa muna ako bago magsalita dahil may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko.

Hindi ko iyon pinahalata at nagsimula ng magkwento...

Love Together, Be With You Never (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon