Chapter 1

130 3 2
                                    


Franchesca's POV

"Wuuyyyyyyy"

"AY PUTAKTE KA!" Gulat na sabi ko agad kong sinamaan ng tingin tong nanggulat sakin

Tawa tawa ka pa dyan

"Bakit ka ba nanggugulat huh?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay

"Eh kanina kapa kasi tahimik HAHAHAHAHA" pagdadahilan pa ni Nicca

Siraulong to

"Baliw amp" sabi ko sabay salpak ng earphones sa tenga ko

Pero tinanggal ni Nicca, argghh

"Woyyy, Sasali ako sa Dance troupe potek ka sumali ka rin!"

Dance troupe? Eh nakakatamad kaya magpractice

"Ayoko tinatamad ako" matipid kong sagot

"Dali na! Magaling ka namang sumayaw ehhh dali na para manalo kami" pang-uuto nya pa

"Tigilan mo ko" utos ko sabay salpak ulit ng earphones pero tinanggal nanaman nya

"Dali na kasi ang arte arte pa eh, wala ka namang gagawin eh"

"Bahala ka" sagot ko pero bigla nalang niya akong hinila

"Samahan mo nalang akong magpalista" nakangiting sabi niya

Sarap kutusan amp

Pagdating namin sa dance room ay pumasok na agad kami at maraming nakapila sa loob kaya nakipila na rin kami

"Sino magtuturo sa inyo?" Tanong ko

"Aba'y ewan ko basta sasali ako" sagot nya

Ang sarap niya talagang kausap

"Ayan na malapit na tayo yieee" parang batang saad niya

"Pakilista nalang ang name, age, grade level /section, and contact number" sabi ng isang babaeng nakaupo sa kaharap naming table..

Agad namang nilista ni Nicca ang pangalan nya dahil sa sobrang atat, tss.

Pagkatapos niyang magsulat ay naupo muna kami sa gilid nun at naghintay ng sasabihin ng babae

"Magandang araw sa inyong lahat , I am glad na maraming gustong sumali sa dance troupe namin" panimula niya "By the way, I am Alexandra Dela peña, you can call me Alex or Alexa..... And yung choreo ninyo ay wala p--------- oh nariyan na pala siya" sabi nya kaya napalingon kami sa may pintuan...

Takte, tao ba yan o anghel?? Bakit ang gwapong choreo naman ata nitoo.. Teekkkaa pwede pa bang sumali??

"He is Arvin Cullen, Our choreographer" pakilala nya dito agad naman itong ngumit saming lahat pero nakatulala lang ako shemayyy

"Ang gwapo niya noh, Chesca!" Bulong na sabi sakin ni Nicca

Oo tama kang impakta ka bakit di mo man lang ako nainform na gwapo pala ang choreographer dito

"So okay, ang first practice po natin ay sa saturday 6:00am.. Bawal ang late haha. Strict ang choreo natin" natatawang saad ni Alexa kaya napatingin ako kay Arvin na napatango tango pa

"So guys, kung sino pa ang gustong sumali may chance pa kayong magpalista. Paki inform ang mga pwends nyo... Okay lang sa amin kung hindi ka madaling makakuha ng mga steps dahil matagal pa naman ang laban natin.. At isa pa si Kuya Arvin na ang bahala sa mga mali at late nyo"  dagdag niya pa

Kuya? Mas matanda siya kay Alexa?.. Pero tingin ko magkakasing edad lang naman kami ahh..

Aishh bahala na

"Sasali na pala ako" biglang bulong ko kay Nicca

"Ohh hindi nga? Yey wala ng bawian ahh" natutuwang bulong nya pa

"Saan ba ako magpapalista" bulong ko habang sa choreo parin ang tingin ko shett

"Dun oh, lutang ka nanaman" asar niya pa sakin

"Tsk"

"That's all thank you guys" saad ni Alexa agad namang nag alisan ang iba

Lumapit ako kay Alexa nakasunod naman si Nicca

"What do you need?" Nakangiting tanong ni Alexa

"S-sasali lang po sana ako" sabi ko

"Sure, lista mo lang pangalan mo dun" sabi niya sabay turo sa isang table na may papel kung saan nag sulat si Nicca kanina

Pagtapos ay lumabas na rin kami ni Nicca ayoko pa sanang lumabas e

Para matitigan si cru---choreo pala

Nakooo ang lande ko na potek

"Bakit bigla kang sumali?" Tanong ni Nicca

"W-wala nagkainteres kasi ako" palusot ko

"Ahh okayyy" pagsang ayon nya

"May idea ka ba kung ano sasayawin natin?" Tanong ko wala naman kasing nabanggit kanina.. O baka hindi lang talaga ako nakinig ng maayos dahil kay Arvin..

Ay nakoo lande ko kasi e

"Ahmm alam ko kasi remix yun e.. Yung ang sabi ni Alexa kanina, may halong love song" sabi niya "Nako ahh di nakikinig tsk tsk"

Di ko nalang siya sinagot kasi totoo namang di ako nakinig kanina haha

"Wag kang mag alala kaya mo naman yun eh. Lalo na may inspirasyon kana" sabi niya kaya agad akong napalingon sa kanya

"A-anoo? A-anong inspirasyon ka d-diyan" nauutal na pagtanggi ko

"Franchesca Marie Watson, hindi mo ako maloloko noh, kita ko kaya kung paano ka makatitig kay Arvin na yun" sabi niya habang ako namumula naman sa hiya..

Nakakainis pati yun nahalata niya pa yun

"Oo nahalata ko yun" biglang sabi niya..

Potek mind reader ba toh??

"Hindi" sagot nya kaya agad akong napaatras sa kanya..

Mind reader ng siya ganon?

"Mind reader ka ba Nicca?" Kinakabahang tanong ko

"Tangeks anong mind reader ka diyan? Sadyang alam ko lang kung anong tumatakbo sa isip mo kapag kausap mo ko, hayyyyy" sabi niya at nauna nang maglakad..

Weird netong baliw na to

Habang naglalakad pabalik sa room namin saktong nagbell na kaya binilisan ko nalang ang paglalakad hanggang sa nakakita ako ng multo.....charot

Nakita ko si Arvin

Saktong paglingon niya ay nakita nya ako agad naman niya akong nginitian takteee mahihimatay akoo pakisalo ako choss

"Hoyy Chesca?!!" Sigaw ni Nicca

"Bakit ka ba naninigaw??!" Sigaw ko rin sa kanya

"Ambagal mo kasi tapos nakatulala ka pa" reklamo niya

"Tanga ka ba , eh hindi mo kasi ako hinintay basta ka nalang naglakad" bwelta ko sa kanya

"Okayy.. Eh bakit ka nakatulala?" Sabi niya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti

Okay aasarin na niya ako

"It's none of your business" bored na sagot ko at dumiretso pasok sa room namin sabay upo sa upuan ko

"Teka wala naman akong business punyeta ka" Sigaw ni Nicca sa pagmumukha ko

Ang tanga niya grabe

Sinamaan ko agad siya ng tingin at mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin dahil nag peace sign pa siya sakin

"Sorreyyy na po" parang batang saad ni Nicca hayss

Bakit nagkaroon ako ng kaibigang may saltik sa utak?  Tss.

How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon