Chapter 13

30 3 0
                                    


FRANCHESCA'S POV

Napatagal din ang kwentuhan namin ni Arvin. Kinukwento lang naman niya ang sweet moments nilang mag jowa hanggang sa maghanap ng iba tong jowa niya. Oh diba

May time na nagamit ko yung term na 'syota'. Sabi niya baligtarin ko raw yun, kaya binaligtad ko naman. Atoys.

A toy-s

Pag syota daw ang gamit na term, laruan ka lang daw nung syota mo.

Tss daming alam porket na broken hearted lang e

"Okay kana?" Tanong ko sakanya. Dahilan para tumigil siya sa pagtawa niya

"Okay lang naman ako. Pero alam ko rin naman sa sarili ko na mahal ko pa rin siya, kaso hindi na tulad ng dati" nakangiting sabi niya "nakakalungkot lang na dapat ngayon engage na siya sakin. Kaso ang saklap lang kasi imbis na 'oo' yung isagot niya. 'Im breaking up with you' yung sinagot niya" natatawang dagdag pa niya

"Pero... Gusto mo na ba agad siyang palitan? Haha" biro ko

"Psh, masyado pang maaga haha, saka ayokong mag madali. Hangga't kaya kong iwasan, iiwasan ko munang makipagrelayson hahaha" sabi niya

'Kakabreak lang nila Chesca kaya malamang hindi pa yan maghahanap ng iba.

Narinig mo naman siguro Chesca na mahal pa rin daw nya kahit hindi tulad ng dati, okay'

Sabi ng isip ko

"Bakit mo natanong?" Nakangising tanong nya kaya nag iwas agad ako ng tingin

"A-ano, wala lang haha, n-natanong ko l-lang bat ba"

Masyado kasing obvious e takte

"Ahhhh baka naman type mo ko" biglang sabi nya kaya napalingon agad ako sakanya

"K-kapal, l-lakas mo a-ah" nauutal na sabi ko

"Hahhaha binibiro lang kita, masyado ka ring pahalata e" natatawang sabi nya

"Woy! A-anong p-pahalata? Ako may t-type sayo? Asa"

"Ahahaha tara na nga umuwi na tayo" aya nya

"Umuwi lang walang tayo" bulong ko

"O sige take 2. Umuwi na ikaw at ako" sarkastikong sabi nya pa

Takte ang hina na nga ng bulong ko narinig mo pa!

"Okayed."

"Okayed? Ano yan ginawan mo ng past tense ang 'okay'? Hahahhaa" asar pa sakin ni Arvin

"Pake mo ba? Epal to, dyan ka na nga!" Inis na sabi ko saka naunang mag lakad

Feeling jowa to----- este feeling close pala

Habang naglalakad ako di ko maiwasang mailang dahil alam kong nakasunod lang sakin si Arvin

Potek bat di kasi siya sumabay sakin sa paglalakad

Malamang iniwan ko

Malapit na ako sa sakayan ng taxi kaya huminto na ako at lingunin ang nasa likod ko

"Dito nalang ako" paalam ko saka pumara ng taxi

"Sandali" sabi niya kaya napalingon ulit ako sakanya " salamat pala" nakangiting sabi niya

Taka ko naman siyang tiningnan

"A-ah salamat kasi may napagsabihan ako ng nangyare samin haha" dagdag nya

Tumango naman ako "buti nga naghiwalay kayo, choss" biro ko sakto namang huminto na sa harap ko ang taxi, kumaway muna ako sakanya at sumakay na

ARVIN'S POV

"Buti nga naghiwalay kayo, choss" biro pa niya bago sumakay ng taxi

Loko talaga to

Pumara na rin ako ng taxi dahil wala naman akong dalang sasakyan

Pagkauwi ko, sinalubong agad ako ni mom na mukhang nanghihinayang.

"Arvin, bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na wala na pala kayo ni Julianna?" Malungkot na tanong niya pa

"Sorry mom------" di ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si dad

"Mabuti na rin yon, Jovie. Hindi ko na gusto ang batang iyon para sa anak natin"

"What did you mean, hon?"

"I saw her at the mall last last week pa yun , may kasama siyang lalaki and that guy is not our son"

"Oh my god" bulong ni mom

Para naman akong dinurog sa nalaman ko

"I don't want to think that Julianna is cheating our son"

Napatingin naman sakin si dad

"Sinasabi ko lang kung ano ang nakita ko, anak"

"I know dad. Wala na rin po kami ni Julianna. So ano pa nga bang magagawa ko, dad"

"I don't know what to say, anak. Hindi ko alam" naguguluhang sabi ni mom. Na mukhang pinoproseso pa ang nalaman niya " hindi ko alam kung ano ang nang-----"

I cut her words

"I proposed to her last friday. And im expecting that she will say yes, but im wrong haha" pilit ang tawa ko habang nagkukwento " nakipaghiwalay siya sakin" dagdag ko

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit?"  Tanong ni dad

"Kahit hindi niya sabihin. Kahit hindi niya ipaliwanag kung bakit. Alam kong nakahanap siya ng iba na ipapalit niya sakin" napahinga nalang ako ng malalim

Hindi nakasagot sila mom at dad. Alam kong pati sila nagulat sa nalaman nila.

Hindi na ako nagulat kung hindi niya tatanggapin ang proposal ko. Dahil bago ang araw na nagpropose ako sakanya ay nalaman ko na ang issue tungkol sa kanila ng kaklase niya.

Pero alam niyo yung masakit? Umasa pa rin ako na 'oo' ang isasagot niya. At masakit pa dun ay yung nakipag hiwalay na siya sa akin

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nun. Binigay ko naman ang makakaya ko para mapasaya lang siya pero nagpapasaya rin pala siya ng iba. At sa iba siya sumasaya

Sariwa pa ang break up namin kaya para sa akin sobrang sakit nang nangyare. Pero kung babalik man siya, hindi ko alam kung makakaya ko pa bang bigyan siya ng pangalawang taon

Kasi parang nagloko na rin siya sakin. Ano yun? may kami pa tapos nakikipagharutan sa iba? Edi sana nakipaghiwalay na siya sa akin ng maaga para naman hindi siya nakagawa ng kasalanan

Pumasok muna ako sa kwarto ko at nagpahinga, ang dami kong tinuruan ngayong araw mga tatlo hahaha. Pinikit ko muna ang mata ko para man lang makapagpahinga

"Ako nalang papalit sakanya" bulong niya

"Sa teddy bear?" Natatawang pambabara ko

Idinilat ko ang mata ko ng maalala ko si Chesca at ang kwentuhan namin kanina. Agad naman akong napangiti sa isiping iyon

"Pero... Gusto mo na ba agad siyang palitan? Haha" biro niya

"Psh, masyado pang maaga haha, saka ayokong mag madali. Hangga't kaya kong iwasan, iiwasan ko munang makipagrelayson hahaha" sabi ko

"Bakit mo natanong?" Nakangising tanong ko kaya nag iwas agad siya ng tingin

"A-ano, wala lang haha, n-natanong ko l-lang bat ba"

Kapansin pansin ang pamumula ng pisngi niya

"Ahhhh baka naman type mo ko" biglang sabi ko kaya napalingon agad siya sakin with matching nanlalaki ang mata

"K-kapal, l-lakas mo a-ah" nauutal na sabi niya

Hahahaha binibiro lang kita Chesca e napipikon ka kaagad. Guilty? Hahaha


How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon