Chapter 7

25 4 1
                                    

"Uy teka, ayoko niyan!" Angal ni Chesca nang akma ko siyang lalagyan ng lipstick

"Ang arte ahh" sabi ko at lalagyan ko na sana ng lipstick ang labi niya nang magsalita nanaman siya

"Ayoko nga, hindi ako naglalagay niyan"

Sus arte

"Oh siya sige, liptint na nga lang" sabi ko

Pagkatapos ko siyang lagyan ay humarap siya sa salamin

Charaaaannnnnn

Ang ganda na ng pagmumukha ng babaitang to

"Mas maganda pa akong mag make up sayo e" asar niya

"Edi sana ikaw nalang nag ayos sa sarili mo no diba? Tsaka anong make up? Face powder, blush on at liptint lang nilagay ko sa mukha kasi ayaw mo" mahabang litanya ko

"Hehehe" at nag peace sign pa siya "Yan na yon?" Pagtukoy niya sa suot ko, tiningnan niya pa ako mula paa hanggang ulo..

Oo mula paa

"Maganda----" huminto siya sandali ng mapatingin siya sa mukha ko "yung damit" natatawang dugtong niya

"Punyeta ka!" Bulyaw ko

"Promise, hindi ka maganda" asar niya pa

Oo maganda talaga suot ko, naka fitted black cocktail dress ba naman ako e

Pero yung sabihan ng pangit ang mukha ko, aba!

"Wow nagsalita"

"Hahaha oo na, anong oras na ba?" Tanong niya

Napatingin naman ako sa wrist watch

"POTANGENA 3:45 NA!!! MALELATE NA TAYO!!!" Tarantang sigaw ko

"Potekk, daldal kasi natin e" sabi ni Chesca at tinulungan akong mag ligpit ng gamit

Tsaka mabilis na lumabas ng kwarto ko at dere deretsong tumakbo papunta sa garahe

"Di ko namalayan potek" inis na sabi ko pa habang binubuksan ang makina

"Kinakabahan tuloy ako" saad ni Chesca

"Paano pa ako? Baka andun na yung pinsan ko"

"Kasi naman e"

"Sana naman wala pa sila don!"

Malayo layo pa naman ang restaurant na yun dito sa bahay namin

Ayoko kayang malate

Maya maya pa ay nakarating na kami sa restaurant

Causeway Seafood Restaurant?

Halatang mga mayayaman lang ang nakakakain dito ah

Di kasi ako familiar eh hehe

Tsaka bat ngayon ko lang nalamang may ganyang restaurant dito sa quezon city?

Ay bahala na

"Di pa ba tayo papasok?" Tanong ni Chesca sa gilid ko

"Sabi ko nga papasok na" sabi ko at naunang pumasok sa pinto

Di sa kalayuan ay nakita ko naman agad sila mom, dad at si kuya psh, kasama ang mga parents ata ng  pinsan ko

Lumapit kami roon at nagmano muna sa kanila

"Hello tita, tito" bati ni Chesca kay mom at dad

"Hello Chesca, i miss you" bati ni mom at niyakap siya

"Hello rin po sainyo" bati ko kela tito at tita

"Ang laki mo na" sabi ni tita

"Hehe"

How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon