Chapter 11

21 2 0
                                    


ARVIN'S POV

"So we can start?" Tanong ko sakanila

"Kuya, may kulang pa" sabi ng isa

"Opo, late po si Chesca" sabi pa nung isa

Eh? Bat late yun? Dati naman ang aga aga nun

"Wala pa po si Josh"

"Si Shane rin po"

Huwag sabing papalate eh

"Okay okay, pag lagpas 5 minutes na at saka lang sila dumating. Punishment" mariing sabi ko

At hinintay namin na dumating sila

"1 minute" sabi ko

Maya maya pa ay pumasok si Shane sunod ay si Josh.

Si Chesca nalang wala

"Okay start na tayo" sabi ko at dali dali naman silang nagsitayuan ay pumwesto na.

Saka pinatugtog ang music. At sabay sabay kaming sumayaw. Nang biglang may pumasok.

"Continue" utos ko nang makita ko silang bahagyang tumigil

Napansin kong pumwesto si Chesca sa pwesto niya at saka sumabay sa pag sasayaw. Medyo nalilito pa siya dahil may mga steps na mabilis

Sa pangalawang beses, pinatugtog ko ulit ang music at sila lang ang sasayaw. Papanoorin ko sila, para makita ko rin kung sino pa sakanila ang nalilito sa ibang steps

Pagplay ng unang kanta ay maayos naman nilang naisayaw. Malinis, sabay sabay.. Pero

Pagdating sa pangalawang kanta ay doon na ang iba nalilito at hindi masyadong makasabay

Tiningnan ko sila isa isa pero may isang nakaagaw ng atensyon ko..

Si Chesca, kalmado lang siyang sumasayaw at dinadama ang kanta. Isa sa mga tinuro ko sakanila, ay nagawa nya. Ang pag ngiti, yung emosyon mo kapag sumasayaw ka.

Nang mapatingin siya sa gawi ko ay agad kong tiningnan ang iba sa pag sasayaw, tama dun sila sa panglawang kanta nalilito.

Pagkatapos ng kanta ay naupo agad ang iba kaya sumenyas akong tumayo sila. Kaya wala silang nagawa kundi tumayo

"Chesca" tawag ko

"P-po?"

"Late ka diba?" Tanong ko

"A-ah opo"

"You have a punishment" sabi ko, tumayo siya nang maayos at tumingin sakin

"Sige po, ano po ba yung punishment?" Tanong pa niya at hindi pinapahalata na kinakabahan siya

"Sayawin mong mag isa ang music" sabi ko. Agad nanlaki ang mga mata niya

"A-anong kanta?"

"Yung sinasayaw natin" sabi ko "Saka yung ipeplay ko na music na gagawan mo ng steps" seryosong sabi ko

"P-po?"

Liningon ko silang lahat saka nagsalita

"Sabi ko naman kasi sa inyo ayoko sa lahat, late" napahinga ako ng malalim "pinapaalala ko yung tuwing may practice tayo"

Tumingin ulit ako kay Chesca na nakayuko

"You may now start" sabi ko saka plinay ang kanta

Agad naman siyang pumunta sa gitna at saka sumayaw

Para sa akin magaling naman siyang sumayaw, kaso may mga times lang talaga na hindi raw niya magets ang steps

Pagkatapos ng kantang iyon ay plinay ko naman ang napili kong gagawan niya ng sayaw.

Alam kong kinakabahan siya na baka di niya magawan ng step

[Now playing: Havana by Camila Cabello]

🎶 Havana, ooh na-na (ay) Half of my heart is in Havana, ooh-na-na (ay, ay) He took me back to East Atlanta, na-na-na Oh, but my heart is in Havana (ay) There's somethin' 'bout his manners (uh huh) Havana, ooh na-na (uh)🎶

Nagulat ako nang magawan niya ng steps ang kantang plinay ko, hindi ko inaasahan na.. Ganyan kaganda niya lalagyan ng steps ang kanta yan

Napatingin pa ako sa mga nanonood sa kanya.. Napahanga niya rin, hindi ko inaakalang ganon kaganda ang kalalabasan ng performance niya

🎶He didn't walk up with that "how you doin'?" (uh) (When he came in the room) He said there's a lot of girls I can do with (uh) (But I can't without you) I knew him forever in a minute (hey) (That summer night in June) And papa says he got malo in him (uh) He got me feelin' like🎶

Magaling naman pala siyang sumayaw pero bakit hindi niya makuha kaagad ang mga steps na binibigay ko? Kung tutuusin nga ay mas mahirap ang steps na ginagawa niya

"Stop" saad ko pinatay ko naman ang kanta at tumingin sakanya na hingal na hingal na tumingin din sakin

"Pinaglololoko mo ba ako?" Deretsang tanong ko

"Ha?"

"Tss, magaling ka naman palang sumayaw tapos hindi mo agad magets ang steps na tinuturo ko sainyo"

"Eh? Ang hirap kaya ng steps mo, may paikot ikot kapa tapos biglang panibagong step tapos magbabago ulit, tas kailangan mabil--------"

"Tss kung tutuusin nga ,mas mahirap ang steps na ginawa mo sa Havana" sabi ko..

"mahirap ba yun?" Bulong niya pero naririnig ko naman. Engot

"Naririnig ko" sabi ko at pinapagpractice ko pa ulit sila hanggang sa hindi na sila malito.. Ilang linggo na rin kaya kami nag papractice, pero di pa rin nila makuha yung iba, psh

FRANCHESCA'S POV

Kagigil yun ahh, pinagod ba naman ako tapos sasabihin bakit hindi ko agad makuha yung mga steps niya

Sira amp

"Taray ahh, anggaling galing naman" pang aasar pa sakin ni Nicca "Perstaym mong ipakita ang iyong talento sa mga kasamahan natin lalo na sa kras-----" agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may makarinig sakanya

"Takte to, uuwi nalang tayo dami mo pang sinasabi" bulong ko sakanya saka siya binitawan at pinagpatuloy ay pagliligpit ng gamit ko

"Psh, papansin kalang kay ano e kaya kunwari hindi na gets yung steps e nako" pangaasar niya pa

"Sige ilaka------"

"Ah kunwari lang pala" singit ni Arvin jusq baka narinig niya lahat

"N-nagbibiro lang si Nicca" palusot ko pa

"Tss ginamit mo pa yung mga steps ko para lang magpapansin sa crush mo dito? Tsk tsk" sabi niya at nauna nang lumabas kasunod naman ang iba naming mga kasama

Inis na binalingan ko si Nicca na nakapeace sign na

"Ang epal mo? Ingay mo e" inis na sabi ko

"Sorry, malay ko ba may pag ka tsismoso pala yun diba" sabi niya at tumataray pa sa kung saan lumabas sina Arvin

"Maingay ka parin" bulong ko

"Kunwari di ko narinig" bulong niya rin pero sa mismong tenga ko mismo

Buang. (Baliw)

Nauna na akong lumabas at naramdaman ko namang sumunod siya sakin









Pagkauwing uwi ko ay agad akong nagpahinga sa sala, bago umakyat sa patungo sa kwarto ko. Naghalf bath muna ako bago matulog

zzzzzzzZZZZZzzzzz

How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon