Chapter 16

20 1 5
                                    

FRANCHESCA'S POV


"Grabe ang sarap ng pagkain, nabusog ako. Slight" ani ni Nicca na ikinagulat namin

"Slight pa lang 'yon? Grabe ka Nicca ang takaw mo" saad ko

"Kulang kaya" nakangusong sabi niya

"Kulang huh? 'Di naman talaga halata. Naubos mo lang naman yang isang box ng pizza imbis na hati hati tayo. Naubos mo lang din yung isang order ng manok na may spaghetti. Pati pala lasagna. Humirit ka pa ng fries yung large pa. Hindi talaga halata na kulang sayo" pailing iling na sabi ni Josh

"Eh ang sarap e. Saka libre niyo kasi yung ibang kinain ko. Kaya sinulit ko na baka hindi na maulit e, kuripot pa naman kayo"

"May pera ka naman. Edi bilhin mo lahat ng pagkaing gusto mo" sabi ko

"Mas masarap 'pag libre noh. Kapag kasi sariling bili hindi ko dama yung pagmamahal niyo sakin" madramang sabi niya

"Pagmamahal ka d'yan. Matakaw ka lang talaga" asar pa ni Josh

"Woy, 'wag ka yong magmalinis. Pare-pareho lang tayo noh. Parang 'di kayo nakaubos ng naubos ko ah"

"Hindi naman talaga" sabay naming sabi ni Josh

"Wow ha! Chesca? Matakaw ka rin, remember? Ampaplastik niyo, ayaw niyong aminin sakin na parehas lang tayo"

"Hay nako tumigil ka na nga. Tara na uuwi na tayo" sabi ko sabay tingin sa relo ko

"Ang aga pa" pagprotesta ni Nicca

"Demonyo ka talaga, tara na. Para makapagpahinga na tayo. May practice pa tayo bukas e"

"Oo nga, mahirap malate sa practice. Yung choreo natin ay may punishment" pagsang ayon ni Josh. Bigla namang tumayo si Nicca sabay hatak sa amin

"Tara na pala hehehe ayokong malate ng gising at ayokong malate sa practice" sabay naman kaming natawa ni Josh sa kanya. Kaya umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay




K   I   N   A   B   U   K   A   S   A   N


Maaga akong pumunta sa practice dahil mahirap na baka tamarin ako biglang magpractice.

Pagdating ko sa dance room ay kaunti pa lamang ang tao at wala pa ang aming butihing choreo. Ewan ko dun parang hindi ko na siya crush, 'di na ako naeexcite kapag nakikita ko siya. Parang naiirita ako takte

Maya maya pa ay dumating na sila Josh at Nicca. As in maaga nga akong pumunta sa practice pero inaantok pa ako.

"Ang agang pumasok ah" pagpuna ni Nicca sabay bulong ng ",inspired ba?" Agad ko siyang pinanlakihan ng mata. Baliw 'to.

Hindi porket pinsan mo yun nako

"Takot lang akong malate ulit. Ayoko na malate promise nakakatrauma yung punishment ng pinsan mo"

"Ahhh nakakatrauma" makahulugang sabi niya

Epal 'to

"Ang kaunti palang natin, umbayan. Sana wala ng practice HAHAHAHA" biglang sabi ni Josh

"Ang tamad mo talaga" asar ni Nicca

"Parehas lang tayo"

Nagpatuloy lang sila sa pagkwekwentuhan nang biglang dumating na ang aming butihing choreo. At ang palaging nakagawian ay ang lakas parati ng hangin, char

"Let's start" saad niya "warm up muna" tumango naman kaming lahat "Who wants to lead a warm up here in the front?" Tanong niya pero ni isa ay walang may gustong mag lead.

Siya choreo di'ba? nakakainis ah

"All right, Chesca will lead the warm up" biglang sabi niya kaya nagulat ako. Tinuro ko pa yung sarili ko

Teka lang, pansin ko laging ako yung trip niya.

Gaya nga ng sabi niya ay ako nga nag lead ng pesteng warm up na yan.

Ginawa pa akong zumba instructor or whatever

Pinaikutan ko lang siya ng aking magandang mata pero syempre patago lang baka makita, mahirap na. Wala akong nagawa kun'di pumunta sa harapan. Tss another kahihiyan

At nagplay na nga ang kanta, at nag umpisa na rin akong mag unat unat hindi rin sila nagbilang. So ano 'to? Ako rin magbibilang?

Nagpatuloy lang kami sa pag uunat pero wala pa ring nagbibilang. Mamaya konti ako na magbibilang nakakahiya naman e

"Okay. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1" masiglang pagbibilang ko kahit sa kaloob looban ko ay naiinis talaga ako "1, 2, 3, turn to the left 1, 2, 3, turn to the right. Okehh let's turn our head to the left yeah sa kabila naman, sa itaas , ibaba yow"

Takte? Warm up pa ba 'tong ginagawa namin? Nakaka 3minutes na ata kami

"Yeah ganyan nga! Next---------"

"S-stop" hinihingal na sabi ni Arvin wew epal? nasisiyahan na ako sa pagtuturo oh "I think okay na yan.  Practice na tayo. Go to your place now" epal talaga 'tong choreo na 'to.

So I won't be wondering why I don't like him anymore

Naks english, teka mali pa ata grahams ko

Nilingon ko pa ang iba kong mga kasama teka hingal na hingal mga 'teh? Ba't ako hindi naman hiningal? Ngayon lang ba ulit sa nag warm up?  Nako

Mabilis ding natapos ang practice namin dahil pinag uusapan na namin ang maging ayos ng aming sayaw at lalo na sa props at costumes sa nalalapit na laban namin. Actually, hindi ako nagagandahan sa sayaw namin, chareng. Hindi, para talagang may kulang. Nakakabitin

Ay ewan ko, basta parang hindi ako satisfied sa sayaw namin. Kaso kung babaguhin pa yung sayaw baka magahol kami sa oras. Peste kasi 'tong choreo namin e parang ilang araw na siyang lutang .

"Any suggestions?" Tanong ni Arvin

"Magsuggest ka na, alam kong may gusto kang idagdag" bulong ni Josh

"Paano ka napunta sa tabi ko? Parang kanina ando'n ka sa kabila ah" bulong ko rin pero tumawa lang siya

Hmmm pinag iisipan ko pa kung anong idadagdag e. Psh.

Siguro next time nalang ako mag sasuggest kapag naging choreo na ako.


Hi guys don't forget to VOTE, COMMENT, and SHARE💖 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon