Chapter 12

24 3 0
                                    


FRANCHESCA'S POV

K   I   N   A   B   U   K   A   S   A   N

Wednesday ngayon habang nagpapractice kami, ay kapansin pansin ang pagiging tahimik ni bebehart. Ngayon pa naman kami ulit nagkita mula nung last practice nung last Tuesday

Gusto sana namin siyang daldalin pero parang wala siya sa mood makipag usap. Ni hindi na nga niya kami natuturuan ng maayos e

Pagkatapos ng kanta ay nagsalita siya

"Okay bukas nalang natin pag usapan ang magiging costume nyo sa laban ninyo" sabi niya saka nag ligpit ng gamit. Ganon na rin ang iba

Nagsilabasan na ang lahat pero sinadya naming magpaiwan ni Nicca

Kunwari ay nagliligpit pa kami ng gamit pero mabagal lang

Napansin kong may tinatawagan siya pero 'cannot be reached' lang yung naririnig namin.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Pabulong na tanong ni Nicca

"Mauna kana"

"Ha? Bakit?" Takang tanong niya

"E-eh m-may dadaanan pa ko. Basta mauna kana" sabi ko. Tumango naman siya at akmang lalabas na siya nang ngisihan niya ako

Sinamaan ko siya ng tingin

"Hindi ka pa ba uuwi?" Biglang tanong ni Arvin mula sa likod ko

Kaya napaharap ako sakanya. Binigyan niya lang ako ng blankong tingin

"H-hindi pa p---"

"Sige mauna na ako" saad niya at akmang lalagpasan niya ako nang hilahin ko siya pabalik sa harap ko

At nakataas ang kilay kong hinarap siya, taka naman niya akong tiningnan

"Sabay na tayo, may kailangan kang sabihin" maawtoridad na sabi ko at hinila siya palabas

Shemayy ano nga bang sasabihin niya? Lakas ng loob Chesca ah

Hinila ko siya hanggang makarating kami sa isang park malapit lang dito sa school saka binitiwan siya

Naupo muna ako sa isa sa mga bench dito, nagtaka naman siya sakin kaya sinenyasan ko siyang maupo siya sa tabi ko

"Bakit tayo andito?" Tanong niya pa

"Sige na sabihin mo na" sabi ko habang nakatingin sa mga batang naghahabulan

"Ang alin?"

Nilingon ko siya, nakita kong nagtataka talaga siya sakin

"Yung problema mo?"

"Problema? Sino ka ba para sabihan ko ng problema?" Seryosong sabi niya

Ouch ha. Alam ko lang naman kasing may problema ka. Nasesense ko lang ganon

"A-ah haha okay lang naman kung hindi mo sasabihin sakin e. Pwede ka namang umali----"

"Baliw ka ba? Pagkatapos mo kong papuntahin dito papaalisin mo rin ako ? Tss" angal niya pa "oo na sasabihin ko na" napipilitang sabi niya

Pero hindi ako sumagot, hinayaan ko lang siyang magkusang magsabi ng problema

Ang tagal bago siya magsalita. Halatang hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin sakin yun

"I proposed to her last friday" nakangiting sabi niya at bahagya siyang nakayuko

"Kanino?" Tanong ko agad naman siyang napalingon sakin at nagsalubong ang kilay

How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon