Chapter 15

26 3 2
                                    

FRANCHESCA'S POV

Nakaupo kami ngayon sa sahig habang nakikinig sa aming anghel na choreo. Char.

May sinat pa siya ng kaunti pero nagturo na agad siya sa amin. Balasiya.

Dinidiscuss lang naman niya yung mga suggestion niya para sa costume namin. Tapos kami tanging 'agree' lang ang ginawa. Maganda naman kasi yung mga suggestion niya kaya ayos lang sa amin. Kaya na yan ni bebehart ko, guys.

Pinaguusapan din namin ngayon ang mga ambagan, jusko. Ayoko pa naman sa lahat ay ang ambagan. Bigay dito bigay do'n. Takte 'di mo malaman kung sa'n ka ba dapat magbayad dahil ang...dami...nilang...alam.

Kami rin kasi syempre ang gagastos ng props namin. Syempre kami yung sasayaw haha hakdog. Pero syempre ambagan kami. Ano? Lalang

Tinatamad pa naman ako ngayong araw pero dahil nagturo ang aking bebe, maaga akong pumunta rito. Nagulat pa nga si Nicca-----

"Watson?" Tawag sa akin ni Arvin kaya agad akong napatingin sa kanya pati na rin sa mga kasama namin. Shet

Ilang beses pa akong napalunok bago sumagot "P-po?" Utal na sagot ko at umayos ng upo

"Kanina pa kita tinatawag, tulala ka lang d'yan"

"Sorry po"

"Tss." Rinig kong singhal niya "Tinatanong ko kung pwedeng ikaw ang mangolekta ng ambagan niyo?" Tumango nalang ako bilang sagot

Potek, no choice tayo. Sige nalang ng sige. 🎶ngumiti kahit na napipilitan~ char

Nang matapos ang aming butihing choreo sa kanyang speech char ay nagbigay na agad sila sa akin ng ambag nila. Potek kakadepress to.

"San..daleeee" mabagal na sabi ko na may halong pagka stress potek

"tekaa isa-isa langg, kalma" saad ko pa

"Uy te, 100 muna sa akin ngayon bukas nalang yung kulang" agad kong isinulat ang bayad at pangala----

"Teka ano nga ulit name mo?" Tanong ko sa kanya

"Cristel te" tumango naman ako kasabay ng pag alis niya

"Hoyy te 100 muna rin sakin"

"Sakin din te, ito ambag ko oh"

"Oy nagbayad na ako ah baka wala ako d'yan sa listahan mo"

"Dali te, aalis pa ako"

"Te ito ambag ko dalii"

"Bakit wala pa ako sa listahan mo"

"Oy bukas nalang yung kulang"

"TEKA SAN...DALEEEE KALMA LANG KAYO, ISA LANG AKO OH. SABAY SABAY KAYONG NAGSASALITA SANA NAGKAKAINTINDIHAN TAYO DIBAA" medyo may kalakasang sigaw ko

Maya maya pa ay natapos din ako sa paglilista, potek pinagpawisan ako d'on nang beri layt. Letse kasi tong choreo namin e. Pahirap din minsan. Nagsiuwian na yung iba. Yung iba naman ay nanatili para siguro makapagpahinga saglit at makipagdaldalan

Nagpahinga lang muna ako saglit, pagkatapos ay tumayo na ako at pumunta sa upuan kung saan ay nagcecellphone ang aming butihing choreo.

"Ito na po yung listahan saka pera ng mga nagbigay ng ambag, yung iba bukas na lang daw yung kulang---"

"Magkano inambag mo?" Hindi agad ako nakasagot, dahil nakalimutan ko yung wallet ko kanina dahil sa pagmamadali kaya wala akong ambag ngayon

Yumuko ako dahil sa hiya potek "Ahm n-nakalimutan ko k-kasi yung wallet ko e, kaya bukas nal-----"

"Aabonohan ko nalang, 'wag mo nang bayaran" sabi niya habang hindi tumitingin sa akin, dahil busy siya sa pagtingin sa listahan

"Ha? Ano.. Ahm 'wag na. Kailangan na ba ngayon? Teka babalik lang ako sa bahay, wait lang" aalis na dapat ako pero may pumigil sa akin. Hinawakan ni Arvin ang pulsuhan ko kaya agad akong napabalik sa pwesto ko kanina

Gulat ko siyang tiningnan, lalo na at tumingin siya sa akin.. "Sinabi nang ako na ang mag-aabono diba at 'di mo na kailangang magbayad"

Ano ba yan, kinilig naman ako banda d'on

"Bakit naman?" Tanong ko saka napatingin sa kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko. Agad naman niyang tinanggal ang kamay niya

"Dahil ano... dahil marami akong pera" proud pa niyang sabi "...para sa akin maliit lang na halaga yan" kumapit agad ako sa lamesa na nasa tabi lang namin na para bang may malakas na buhawing dumaan. Nagtataka naman niya akong tiningnan. "What are you doing?" Nakataas pa ang kilay, aba. Attitude

"Baka kasi matangay ako sa sobrang lakas ng hangin e"

"Totoo yon"

"Pake ko?" Pambabara ko "Marami rin naman akong pera ah, pinagyabang ko ba?" Matapang na sabi ko

"Marami ka ngang pera, pero bakit hindi ka makaambag ngayon?" He said while smirking at me.

Aba'y may epal

"Duhhh naiwan ko nga diba, so it means may pera ako, naiwan ko lang talaga"

"Pero atleast hindi ka pa rin nakapag-ambag ngayon, So wala kang pera"

"Ano bang pinaglalaban mo?" May halong inis na sabi ko pero tumawa lang siya nang mahina. "Hindi porket krass kita kala mo d'yan" mahinang bulong ko

"May sinasabi ka?"

"Ang sabi ko ay...."

"Ay???"

"..ay ang panget mo" nakangising sabi ko saka umalis na sa harap niya

Hah! Kala niya ah

"Niccaaaa!!" Tawag ko kay Nicca na nakikipagdaldalan kasama si Josh. Napalingon naman agad sila sa akin saka ngumiti bago tumayo at naglakad papunta sa akin

"Ang ingay mong babae ka, bakit ba?" tawa tawang tanong sa akin ni Nicca, hala ka nabuang

"Uuwi na kasi tayo, tara na inaantok na rin ako" agad naman siyang umiling "Bakit nanaman??"

"Aalis tayo, gala muna tayo oh, kasama si Josh" nakangiting sabi niya napalingon naman ako kay Josh na nakangiti na rin at tumataas baba pa ang makakapal niyang kilay

"Ano naman? Wala nga akong dalang pera eh"

"Don't worry, treat ko" nakangiting sabi ni Josh nagsilitawan tuloy yung dimple niya peste

"Paano ako? Hindi mo'ko lilibre? Tae ka" biglang singit ni Nicca

"Bakit? Naiwan mo rin ba yung pera mo?" Pang-aasar pa ni Josh

"Arghhh epal, tara na nga" sabi ni Nicca saka naunang naglakad nagkatinginan naman kami ni Josh at nagkibit balikat.

"Let's go?" Nakangiti pa niyang aya tumango naman ako, inakbayan naman niya agad ako bahagya pa akong nagulat "Yieee, libre kasi kaya pumayag. Nako, mukha ka talagang libre kahit kailan" agad akong kumalas sa pagkakaakbay niya sa akin saka siya hinampas

"Ouch! Bakit?" Daing niya

"Ouch ouch-in mo mukha mo, mukhang libre raw amp"

"Totoo naman ah, nahiya ka pa. Sus! Tara na nga"

Peste ka



Hi guys don't forget to VOTE, COMMENT, and SHARE💖 

How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon