Chapter 4

31 2 0
                                    

Asan na ba yun?

Kanina pa ako nandito sa labas ng gate. Hinihintay ko lang naman si Nicca, bagal talaga nya ah

Akala ko ba excited siya kasi sabado na?

Tsk

Oo, sabado na ang bilis nga e kabanas

"Chescaaaa!!!" Sigaw ng impakta mula sa di kalayuan sa pwesto ko

Tiningnan ko lang siya nang masama hanggang sa makalapit siya sakin

Wow glooming ah, magpapractice lang kami nito

"Bat ngayon ka lang?" Inis na tanong ko

"Syempre nag paganda pa, tara na baka malate pa tayo!" Sabi nya sabay hatak sa braso ko

"Hindi naman tayo malelate eh, 6:50am na nga e" sarcastic na sagot ko

Agad naman syang napahinto at gulat na tumingin sakin

"7am nga pala practice natin??? Omaygadd tara na!" Sabi nya tsaka tumakbo nang mabilis

Napailing nalang ako tska tumakbo na rin

Hanggang sa nakarating na kami, at agad na pumasok

"Why are you late?" Kalmadong tanong ng pamilyar na boses sa likod ko

Agad kong hinarap ang nagsalita

"Ahmm late na po ba kami?" Tanong ko kay arvin

Pasimple ko namang tiningnan ang relo ko , gosh 7:04 na pala

"Hindi naman" sarcastic na sagot nya

Bakit ang sungit nya today?

"Don't worry, im not mad" nakangiting sabi nya, nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi nya "first warning" habol nya tska pumasok sa loob

Kami nalang ba ni Nicca ang late? Halos lahat sila andito na e, umupo nalang kami ni Nicca sa may gilid

Maya maya pa ay bigla nalang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang kay gwapong binata choss

Teka...

"Sorry im late" nakangiting sabi nya hanggang sa napatingin siya sakin at mas lalong lumapad ang ngiti nya

Parang pamilyar siya sakin?

Agad siyang tumabi... Sakin??

"Sino ka po?" Deretsong tanong ko

Kasi di naman to ngingiti sakin at tatabi kung di nya ako kilala unless nalang kung makapal mukha nya

"Nakalimutan mo na agad yung tumawag sayo nung thursday?" Nakangising sabi nya

"Teka.. Ikaw yon??!!" Gulat na tanong ko habang nakaturo pa sakanya ang hintuturo ko

"Easy, Yes ako nga yon" sabi nya at binaba nya ang hintuturo ko

"Sino ka ba? May pa secret secret ka pa!" Inis na sabi ko sa pagmumukha nya

"Easy ulit HAHAHA ganon ba talaga ako kagwapo para kalimutan mo ang bestfriend mo?"

Bestfriend??...

Teka....hindi kaya, siya si Josh??

*Flashback* (3 years ago)

"Saan ka naman pupunta?" Mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanya

"Hayss ang iyakin mo talaga pandak" natatawang sabi niya

"Aalis ka? Iiwan moko dito??" Tanong ko

"Oo, pero babalik din ako. Promise mo sakin hah mag iingat ka tanga ka pa naman" pang aasar pa niya sakin

How to dance, Mr. Choreo? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon