Chapter 9 : Game

7 8 0
                                    

Kith's POV★

"Kukunin na namin ang kakailanganin at mauna na kayo sa guess room." sabi ni kuya na animoy sakanya bahay.

"Sainyo bahay kuya? Sainyo?" sakristong sabi ni Nica.

"Hindi." natatawang sabi ni kuya bago umalis kasama sina Kuya Kier at Kuya Trev.

"Tara na sa taas." yaya ni Nica.

Sumang-ayon ang lahat kaya umakyat narin kami sa taas.

"Tara?" nakangiwing yaya ko kay Drew.

Nginitian ako nito bago tumango bilang sagot nya.

"Ah pagpasensyahan mona mga pinsan ko ah? Mga may topak ang mga yan e." saad ko.

"Nahh. It's okay." natatawang sagot nya.

"Are you sure you want to join the game? Pwede naman tayong wag ng sumali." suhesyon ko.

"Nahh. Nagpapagood shot ako sa mga pinsan at kapatid mo." sagot nya na hindi ko naman maintindihan pero bumilus ng husto ang tibok ng puso ko at biglang uminit ang pisngi ko.

"You're so cute!" he said then chuckle.

Hinawakan nyapa ang pisngi ko at kinurot kurot.

Tinampal ko ito dahil lalo lang bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Sht masama to.

"Ano ba! Lalong tataba yan e." usal ko.

"Edi mas lalo kang magigingcute." saad nya.

"Whatsoever." tanging usal ko at nauna ng maglakad.

"Hey! Wait for me." tumatawa pangsigaw nya.

Hindi ko nalang ito sinagot hanggang sa mahabol na nya ako.

"You know I'm just saying the truth." bungad na naman nya.

"S-Stop it!" pigil ko.

"Okay okay. But you know your cuteness were belongs to me." usal nya na hindi ko maintindihan.

"Uhh! Tara na nga." saad ko at hinigit na sya.

Ng dumating na sina kuya dala ang ilang alak at mga ilang pagkain din ay nagpaikot na kami para umpisahan ang laro.

Unang tunapat ang bote kay Klyde na kanina pa hawak ang cellphone nya at tunog ng tunog. At himalang napakatahimik ngayon.

"What! Ang daya! Ako talaga dapat ang una?" maktol nito.

"Ako na ang magdedare!" excited na s abi ni Ate Kath.

"Go!!!" masiglang sigaw ni LJ.

"Sabihin mo jan sa katext mo na si--" hindi natuloy ni ate ang pagsabi ng pangalan dahil tinakpan kaagad ni Klyde ang bibig nya.

"Ate! Wag mo ng banggitin ang pangalan!" suway ni Klyde.

"Okay Okay. So ang gagawin molang naman ay aamin ka jan sa FRIEND mo." nakangising sabi ni Ate.

"W-What! A-Are you serious ate!?" hindi makapabiwalang bulalas ni Klyde habang namunula pa ang pisngi.

"Uyy kinikilig!" tukso ko.

"Oh sige! Wag mong gawin , uminom ka , sasabihin ko naman sakanya na umiinom ka. Pano nyan walang wala ka ng pag-asa pagnagkataon , ayaw nun sa mga lalaking umiinom e." pananakot pa ni Ate Kath at pailing iling pa na parang dismayado.

"E-Eto na itetext na." tarantang sabi ni Klyde habang dali-daling kinakalikot ang cellphone para gawin ang pinapagawa ni ate. Sino kaya yun?

"May torpe sa lahi naten!?" kunwariy gulat at di makapaniwalang sabi ni Kuya Keir.

"Unfortunately." tila dismayadong sagot ni Kyla.

"Bawal yan sa mga Venice. Tsk. Tsk. Tsk." umiiling pa na sabi ni Kuya Trev.

"Heh!" parang baklang saway ni Klyde.

"Mas lalong walang bakla sa mga Venice." sabat ko.

"Paikutin mona ulit Kuya!" pag-iiba ni Lily sa usapan.

"Oo nga dada kayo ng dada." gatol pa ni Fey.

Pinaikot nalang ni Kuya Sin ang bote habang umiiling. At malas na tumama ito SAAKIN! Sa dami naming naglalaro ako pa ang dapat tamaan ng pesteng bote nato!?

"Ako ang magdedare." kaagad na sabi ni kuya Sin na sobra ang pagiging-excited.

"Hindi mo naman ako papahirapn diba kuya?" puppy eyes ang ipinakita ko sakanya para kunwaring nagpapaawa ako.

"Sorry Kithy but wala munang kapatid kapatid ngayon." nalangising sabi nya.

"Sama mo kuya!" maktol ko.

"Ano bayang idedare mo Kuya Sin?" kuryosong tanong ni LJ.

"Eto na nga o." pilosopong sagot ni Kuya.

"Dahil alam kong hindi ka pwedeng uminom ngayon dahil may lakad kayo nina Dad bukas ay alam kong dimo matatanggihan ang anumang ipapagawa ko." mahabang sabi ni kuya habang nakangisi pa.

"Ano ang dapat kong gawin kuya?" kunwariy mataray kong tanong.

"Well kailangan molang naman makipagblind date." deretsong sagot ni Kuya.

"W-What!? Seryoso ka na jan kuya?" dimakapaniwalang bulalas ko.

"Yap! And nakascedule na iyon three days from now." saad ni kuya na halatang pinaghandaan talaga.

"Dika naman prepare kuya no?" sakristo kong sagot.

"Hindi nga e." sagot nya na lalo kong ikinainis.

Papayag na sana ako ng biglang nagsalita na si Drew.

"Pwedeng ako nalang ang uminom para sakanya?" tanong nya na ikinalaki ng mata ko.

Napatingin ako sakanya at saktong nakatitingin o nakatitig na kaagad sakinsi Drew.

"A-Ano bang g-ginagawa m-mo?" bulong ko.

"Ayokong makipagblind date ka." simpleng sagot nya na ikinapula ng mga pisngi ko sa di malamang dahilan.

Kasabay ng pagpula ng aking pisngi ay ang pagbilis lalo ng tibok ng puso ko. Parang may nagkakarerang mga kabayo sa puso ko sht!

"Pwede naman pero hindi na isang shot yon. Madadagdagan ng apat na shots so bali 5 shots ang kailangang inumin pagpinasa." mahabang paliwanag ni Kuya Kier.

"Okay." tila wala lang kay Drew.

"D-Drew! Andami non." bulong ko.

"Wala akong hindi kayang gawin para sayo." makahulugan nitong sagot bago lagukin ang unang shot.

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nya pero kung makareact ang puso ko parang gets na gets e. Dimuna kaya ipaliwang sakin bago magreact ampucha!

Itutuloy.........

Ayun! Sa wakas tapos na ang exam kaya nakapagsulat ulit!

Dont forget to click the ★ and comment down↓!!!

A TravelerWhere stories live. Discover now