Japan
Her POV★
Nagising ako sa marahang pagtapik saakin ng kung sino. Pagmulat ko saaking mga mata ay kaagad kong nakita si Kylie na nakangiting ginigising ako.
"Good Morning." bati nya.
"Good Morning." bati ko rin.
"Tulog mantika ka talaga nasa baba na silang lahat tayo nalang ang hinihintay.Maligo kana." sabi nya.
"Oo na." sagot ko.
Pumunta na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo naabutan kong nakaupo sa kama si Kylie habang ng cecellphone at maypangitingiti pang nalalaman . Nag-ayos lang ako . Simpleng jeans and crop top and whige shoes lang ang isinuot ko at inaya kona si Kylie na bumaba.
"Good Morningg." bati nila.
"Good morning din." bati sakanila ni Kylie habang ako ay tinanguan lang sila.
"Umupo na kayo para makakain na kanina pako gutom eh." sambit ni Niana habang naka pout.
"Tigilan mongayan Niana muka kang aso." sabi ko.
"Che!" pabirong sabi nya.
Habang kumakain napansin kong kami-kami lang at wala sina Tito at Tita.
"Nasan sina Tita?" tanong ko.
"Maagang umais may meating ata ." sagot ni Chloe.
Pagkatapos kumain nagpahinga muna kami sa salas habang nanonood ng anime ni Niana at Kylie. Wala akong maintindihan kaya nagcellphone nalang ako at nagYouTube nalang.
Pinapanood ko ngayon ang spongebob habang nakaheadset. Natatawa talaga ako kay spongebob kaya ito ang gustong gusto kong pinapanood kapag wala akong magawa.And spongeboob is my favorite i have some collections pero halos nasa pilipinas sila isang maliit na spongeboob lang ang dala ko ngayon. Haysst miss kona sila...
Ilang oras ng matapos ang pinapanood nila nag-aya na si Nathan na maglibot na dito sa Japan.
"Tara." masiglang sambit ni Talia.
"Taraaa." sabay na sabay na sagot namin.
Nasa isang van kami ngayon na pag-aari ni Chloe at ang nagmamaneho ay si Adrian.
Papunta kami ngayon sa Chūb-Sangaku National Park and The Japanese Alps.
Halos kalahating oras bago kami nakarating dito. Well ang ganda dito may mgakubo na maaring pag-stayan. Habang nagbabayad sina Niana ng kubo ay pumunta muna ako sa tabi ng ilog hinawakan ko ito at ang lamig sa kamay at ang linis linis pa. Marami rami ang tao dito siguro ay dahil isa ito sa mga magagandang tanawin dito sa Japan.
Nasa kubo kami ngayon at kumakain ng dala nilang pagkain. Nagpaalam muna ako saglit na maglalakadlakad namuna sa tabi-tabi.
Habang naglalakad may nakita akong isang bato sa tabi ng ilog na maaring pag-upuan. Naupo ako rito at tinignan lamang ang madandang tanawin. Biglang may naramdaman ako na umupo sa tabi ko. Akala ko ay si Adrian ngunit isang lalaki ang nakita kong nakaupo sa tabi ko.
Siguro napansin nya na tinitignan ko sya kaya lumingon ito saakin at pagkalingon nya nakita ko ang mata na na may purong itim , ang ganda ganda ng mata nya nakakalula.
"Tapos kanabang tumitig?" nakangising tanong nito.
Mabilis ko namang iniwas ang aking mata sa kanyang mga magandang mata.
"By the way my name is Andrew , Lawrence Andrew Verzosa." salita pa nito at inilahad ang kanyang kamay.
Tinaas kolang ang aking kilay bilang sagot.
YOU ARE READING
A Traveler
Teen FictionA simple girl who loved traveling around the world. A girl who wants to go in N. Korea. But what if may maging sagabal sa pinapangarap nya? What if papiliin sya between pangarap nya o ang taongminamahal nya? Would she sacrifice her dreams jusy for h...