Chapter 2 - Hindi Ako Idiot

1.1K 50 7
                                    

" Ewan. Tara tignan natin! " Excited na yaya saakin ni Yassi.

" Uy, t-teka... " Waaahhh! Grabe naman tong manghila sa braso at hindi lang basta hila ah ang bilis pa niyang tumakbo.

Nang makarating na kami sa dulo ng corridor kung nasan nagaganap ang kaguluhan, nakisiksik kami. Hawak parin ako ni Yassi sa braso at hinihila niya parin ako habang nakikisiksik.

" Ah!...(sniff*)....(sniff*) ...Sorry na.. " Sabi ng isang babaeng

nagmamakaawa kaila James Reid at ang bestfriend nitong si Bret Jackson nang sipain ito ni James.

Aba sumosobra na to ha!! Matagal na tong ganito. Bully!! Maraming beses ko na dapat tong pinatulan at tinuruan ng leksyon pero pinipigilan lang ako ni Yassi dahil natatakot siyang may masamang mangyari sakin.

Oo, matagal ko na talagang kilala tong si James Reid. Matalino. Gwapo. Habulin ng mga babae despite sa ugali niya. Weird no! At higit sa lahat bully dito sa school simula pa nung lumipat siya dito ng grade 1. Kasama rin niya simula grade 1 si Bret Jackson - Bestfriend niya.

Napakapangit ng ugali niya, nakakasuka na sa sama. Kulang nalang tubuan siya ng dalawang sungay sa ulo!!! Kung ano ang ikinagwapo niya ay yun naman ang ikinapangit ng ugali niya!! Oo, gwapo siya...wala tayong magagawa. Bakit ko alam lahat yan? Dito na kasi ako nag-aral mula pa nung nursery ako at halos lagi ko siyang classmate sa mga sections ko all these years dahil lagi din siyang section A pati narin si Bret. Hindi niya ako napapansin kaya hindi niya siguro ako kilala. Matalino kaya yang dalawang magbestfriend na yan. Parang kambal na nga eh!

Pero hindi lang sila makick-out kick-out sa mga pambubully nila dahil may shares ang pamilya nila sa school nato. Pero syempre just to let you know meron ding shares ang pamilya ko sa school na to no!

" Shit!! " Nagising ako sa pagde-daydream ko nang nagmura ng malakas si James. Aba!! Akala mo kung sino ah! Parang natapunan lang naman ng coke yun nga lang maladkit.

Sumosobra na talaga siya! Hindi ko na matiis!! \(-o-)/

Hinawakan ako ni Yassi sa balikat kaya napatingin ako sakanya.

Umiling-iling lang yung ulo niya at bakas sa muka niya ang takot.

Siguro napansin niya na galit nako sa lalaking yun dahil nakakunot lang ang noo ko at diretsong nakatingin kay Bret at lalong- lalo na kay James.

Sumugod ako papunta sa harap ni James.

" Hoy James!!! " Sabay turo ko sakanya.

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* nag-bell na kaya nagsialisan na ang lahat pero hindi ko yon pinansin. Kaming lima nalang ang natira dito sa corridor - Si James, Bret, Yassi, ako, at yung babaeng binubully nila James kanina.

" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!?!! Akala mo kung sino! Nagso-sorry na nga yung tao eh! At hindi naman sinasadya ah!" Nakatingin lang siya sakin ng masama. Straight to the EYES!! Aaminin ko medyo natatakot nako dahil sobrang sama nyang makatingin... Pero hindi ko nalang iyong pinansin at yumuko nalang ako sa sahig para tulungan ang kawawang estudyante.

" Miss, okay ka lang? " Iyak lang siya ng iyak. Nakita kong may pasa siya sa may tuhod niya dahil naka skirt lang naman siya ( nakaskirt naman lahat ng girls dito school na ito except kapag naka- P.E. :)) )

Malakas nga siguro yung sipa ni James.

Tumango lang siya at nagpunas ng basang-basa niyang muka dahil sa kanina pa niyang pag-iyak.

" Gusto mo bang ihatid na kita sa clinic? " Para naman magamot doon yung pasa niya.

Hindi siya sumagot. Mukang takot na takot siya...kawawa naman siya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinulungan tumayo. Hindi rin siya makatayo at makalakad ng mabuti dahil siguro kumikirot ang mga paa niya sa pagkakasipa sakanya.

Akmang aalis na kami nang...

" Hey idiot! " Uh-oh...

" Hey idiot!! Fuck it! Don't you dare take another step with that stupid clumsy girl! I'm talking to you!! "

Omiiigood! Nakakatakot siya sheeeet! Pero teka lang ha hindi ako idiiioooot!!

Pinaubaya ko muna si kawawang girl kay Yassi na halatang takot na takot na.

At pagkatapos non ay pumunta na ako sa harap ni James. Ginather ko lahat ng tapang ko.

" H-hoy a-anong k-kailangan m- mo?! " Gooosh! Bakit ako nauutal?

" Idiot " sabi niya with matching evil grin pa.

Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. Ang lutong!!

" Hindi ako idiiot!!!! " sigaw ko pagkasampal ko sakanya.

" What the fuuuuuck?!? " Tinulak niya ako nang pagkalakas-lakas sa kaliwang balikat ko na nag-cause sa aking ma-lost balance at matumba sa sahig. Arraay.. Tumama yung likod ng ulo ko sa pader pero thank God okay naman ako...baka magkakabukol lang to, pagagamot ko na lang sa clinic. Pero the heck ang sakit ah..

Lumapit naman kaagad si Yassi at yung girl sakin at tinulungan akong makatayo.

" Bro, stop it, she's just a waste of time " natatawa-tawa pang sabi ni Bret sa bestfriend niya.

" No. I'll make her suffer. " Nakakatakot niyang sabi nang nakatingin sa mga mata ko sabay tumalikod na siya at naglakad na palayo. Ang sakit ng ulo ko. Nakakaiyak man sa sakit, tiniis ko na lang dahil ayokong umiyak sa harapan ni Yassi at nung girl na ako pa ang nagligtas!

" Nadz, okay ka lang ba lika, hatid ko na kayong dalawa sa clinic. " Nagaalalang sabi ni Yassi.

Tinulungan nila akong makatayo at hintatid na kami ni Yassi sa clinic.

***

Nung nasa clinic na kami... Nag-stay narin si Yassi dahil sabi niya hindi niya narin niya naman nasimulan ang first class namin edi sasamahan na lang daw niya kami.

Ginamot na nung nurse yung bukol ko sa ulo. Binigyan niya ako ng ice pack at nilagay ko yon sa parteng may bukol.

Ginamot narin nung nurse ang pasa nung girl. Binigyan din siya ng ice pack at tinapat niya rin iyon sa kanyang pasa sa tuhod.

Umalis na yung nurse at sinabing magpahinga muna kami dito.

Tahimik lang siya yung kawawang girl.

Napagisip-isip ko namang itanong ang pangalan niya.

" Miss, anong pangalan mo? Okay ka na ba ang pakiramdam ko? " Nag-aalalang tanong ko sakanya.

Tumingin siya sakin at ngumiti.

" Ako si raffy, Raffaela Lim. Oo ok na ako, ikaw nga ang dapat kong tanugin eh dahil mas malala pa ang napala mo, nauntog ka. Pero salamat nga pala sa pagligtas mo sakin kanina. Tatanawin ko talagang malaking utang na loob yon. "

Wow! Ang bait niya hindi siya katulad ng ibang maaarteng babae dito sa school.

" Mabuti naman. At wala yun! Hindi ko na kasi matiis ang mga pambubully na ginagawa nung dalawang yun sa kung sino sino jan eh. Ano ba kasi talaga ang nangyari at pinag-initan ka ni James? " Sabi ko sakanya.

" Oo nga, ano ba talaga ang nangyari? Pati tuloy si Nadz baka pagtripan na nun! Nadz, narinig mo ba kanina ang sabi ' No. I'll make her suffer '. "

" Hala! Wag naman siguro. Ganito kasi yon.. "

***

Author's Note

Hello loves! Did you guys liked me updating so fast? Hehe!
Did you enjoy this chapter? Cause I hope you did!
What do you think did James mean when he said
' No. I'll make her suffer. ' What did really happen to Raffy before the incident along the corridor. Liked James being so evil? Haha!

PS. Sorry if it's a bit confusing! Remember, this is my first story. But you can read my other stories. For me, they're better than this. Lol. Seryoso.

- Author

I Love You IdiotWhere stories live. Discover now