Chapter 6 - She Likes Him

943 45 6
                                    

" I like you. " Ano daaaaaaaaaaw?!?

Gusto niya ako??? What the heck! Pano nangyari to. Ambilis naman.

Magkalapit parin ang mga muka namin. Walang gumagalaw.

" A-anong s-sinabi m-mo? " Narinig ko naman talaga eh hindi lang ako makapaniwala. Pero bakit ako nauutal???

Ngumiti siya ng nakakaloko.

" I like you. " Pag-uulit niya.

Lumipat ang tingin niya sa mga mata ko na kanina ay nasa mga labi ko.

Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at..............

Hahalikan niya ako?!?! Siya na ba ang first kiss ko.

Unti-unting lumalapit ang muka niya sa muka ko.

Pero hindi ko alam ang pumasok sa kukote ko at pumikit ako.

Pero nakailang segundo pa lang nang biglang.....

* Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing * Hindi man masyadong malakas pero rinig ko parin kahit na nandito kami sa garden.

Napadilat agad ako at tumayo. Naiwan siyang nakaupo at bakas rin sa muka niya ang pagkahinayang dahil naudlot ang dapat mangyari kanina.

Kinuha ko ang paperbag sa sahig at tinapon ito sa pinakamalapit na trash can.

Sabay kaming naglakad pabalik sa classroom. Habang naglalakad kami ay halos mawalan ako ng hininga. Pano ba naman kasi magkaholding hands kaming naglalakad hanggang sa makarating na kami sa classroom.

Walang nagsasalita ng mga oras. Ewan ko ba pero hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kamay ko.

Napangiti ako habang naglalakad. Nug nakita ako ni James na may malapad na ngiti ay ganun din ang ginawa niya. Ngumiti rin siya nang napakalaki.

Ganun lang kami sa buong paglalakad namin papuntang classroom.

Ang saya.

Saya.

Yung ang naramdaman ko nung mga pras na yon.

At hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa pagholding hands namin.

Dahil ba magkasama kami.

O dahil ba nahulog na ako sakanya.

Pagdating na,in sa classroom hindi naman kami late. Yesss!

Wheeew! Pinagpawisan ako dun kanina ah! Pero anong sabi niya kanina? Gusto niya daw ako? Totoo bayun? At bakit niya hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami? Bakit parang sumaya ako ng mga oras na yon?

O pinagtritripan niya lang nanaman ba ako? Pero mukang seryoso naman siya nung sinasabi niyang gusto niya ako.

Andami kong mga katanungan sa isipan ko. Pero may isang hindi talaga masolve ng utak ko.

Gusto ko narin kaya siya? Waaaaaaaaaaaah! Andami ko nang iniisip. Hindi na tuloy ako makapag concentrate sa subject namin ngayon.

" Ms.Lustre! Nakikinig kaba sa mga pinagsasasabi ko?! Kanina ka pang nakatulala dyan!! "

Pagsira ng teacher namin sa Science sa pagde-daydream ko. Nakakahiya naman nasigawan pako. Top-student pa naman ako at nandito pa naman si James. Ay teka.... bakit ko pa iniisip yang James na yan. Sige, aaminin kong sa lahat ng mga ginawa niyang yun ay kinilig at napasaya niya ako. Ang sweet kaya at pansin kong parang ibang-iba na siya sa dati kong kilalang James. Nagbago na kaya talaga siya. Kung oo, mabuti naman kung ganon.

Nang sumapit ang lunch time.

Sabay ulit kami kumain ni James tutal wala naman din akong kasama.

Pero may naiiba dahil may kasama pa kaming isa, si Bret, ang bestfriend ni James. Haha! Mabait napala din yun. Patawa lang siya ng patawa. Ang gwapo din niya pero mas gwapo ang James ko. Ay potek! Ano ba tong mga pinagiiisip ko? Nababaliw na yata ako eh!

Actuallahat ng classes ko mula 9:30 hanggang sa klase ko before uwian ay hindi ako nakapagconcentrate dahil sa mga bumubulabog sa isipan ko.

Kung nagtataka kayo kung nasaan si Yassi, masama ang pakiramdam niya kaya hindi muna siya pumasok.

--------------------------------------------

Hay... Hindi ako makatulog.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatulala sa ceiling.

" I like you. "

" I like you. "

" I like you. "

Paulit-ulit ang mga salitang yon sa isip ko.

Kelan lang kasi inis na inis siya sakin tapos biglang bumait tapos ngayon gusto na niya ako. Ang gulo!

Nung una din naman ay inis na inis din ako sakanya pero parang nawala lahat yon ng magsorry siya sakin.

Pinatawad ko pa nga yung tao diba? Pero nung sinabihan niya ako ng

' I like you ' kaninang umaga parang gusto ko na ring sumagot ng

' I like you too '. Ewan ko ba! Parang naguguluhan na ako sa mga nangyayari at pati narin sa nararamdaman ko. Alam mo yun, yung parang biglaan ka nalang nagkafeelings para sa isang tao na hindi mo namamalayan.

Basta ang pakiramdam ko masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi man halata dahil lagi kaming tahimik kapag magkasama ay totoo yon. I mean it masaya talaga ako kapag kasama ko siya.

Nasa kalagitnaan pa ako ng pagde-daydream ko nang may biglang tumunog...

* tiiiiiing * May nagtext sa phone ko.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Kinuha ko ang cell phone ko sa aking side table.

Uknown number. Sino kaya itong nagtext sakin? Hmmmmm...

hating gabi na ah!

Inopen ko ang messege at...

[ Idiot, I'm serious about what I said this morning about me liking you.
I like you and I really really do fucking love you, idiot. Go out with me. ]

Parang alam ko na kung sino ang nagtext saakin nito...

~~( • 0 • )~~

Isang tao lang naman ang tumatawag sakin ng ' idiot ' lagi eh.

.

.

.

.

Si James.

I Love You IdiotWo Geschichten leben. Entdecke jetzt