Chapter 14 - Lockscreen

651 39 2
                                    

" Wooaah! " " Wooah! " Sabay na sabay naming sagot pagkabukas ng aming mga cellphones.

" Sweet talaga ng Hayme ko! " Sabay tulak ko ng mahina sa balikat niya.

Masarap kaya asarin tong isang to. Ang cute kapag nagblu-blush. ( > _ < )

" The fuck? " Gulat na sabi niya. Ayaw mo?! Ha?!!
" Edi wag. Akin na nga. " Nagtatampong sabi ko. Nakakainis kaya siya. Nagpapaka-sweet na nga yung tao eh! Nakakasira ng morning! Aaaiish!

Ayy! Kung ano ang pinag-uusapan namin? Pinalitan ko lang naman ang lockscreen niya at unexpected ganun din ang ginawa niya sa phone ko.
Tapos magcu-cuss lang siya sa kasweetan na ginawa ko??
Bakit nagustuhan ko naman ang ginawa niya ah! - _ -

Sinubukan kong agawin ang phone niya pero hindi ko nakuha kasi nilalayo at iniiwas niya ito. Hayy.. Tapos ngayon gusto na niya? The heck! Ano to? Bipolar?! May boyfriend akong bipolar?!? Ay! Ano ba tong mga pinagiisip ko.

Nagpatuloy parin ako sa pag-agaw sa phone niya ng nakakunot ang noo.
" Akin na yaaaan! " Sigaw ko sakanya.
" Nooo! This is mine! " Sigaw niya pabalik habang nilalayo saakin ang phone niya. Grrrrr...
Suko nako.. Grabe! Hindi ko rin naman maagaw eh! Kapagod lang.
Padabog akong bumalik sa pwesto ko sa may dulo ng sofa habang siya ay nandun na sa kabilang dulo. Nasa kabilang dulo na siya dahil kanina ay suupeeer todo proteksyon siya sa cellphone niya.
Pagka-upo ko ay nagcross arms ako. Naaasar na ako ha!
Tumingin nalang ako sa bintana.
Naramdaman ko namang may gumagalaw sa sofa. Umuusog siya papalapit sakin. Sus! Magsosorry na kaya to? Papatawarin ko rin naman to eh kasi mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko to eh! Maski maliit na pag-aaway lang namin ito. Hihihihi! Pakipot muna ako kahit konti.. Mwahahaha!
Naramdaman kong malapit na siya saakin. Nasa tabi ko na siya.

" Sorry na.. Gusto ko naman eh.. Nagulat lang talaga ako.. I didn't expect lang na you would do that too.. You know.. I'm sorry for hurting your feelings.. " kyaaaaaaaah! Ang cute niya rin kapag nagsosorry.. Pero tiis-tiis lang muna kailangan ko munang magpakipot no! Para matuto rin to ng leksyon! Hmmmphh!
.
.
.
Hindi ko siya pinapansin....
" Uyy, Sorry na.. Nadya.. " Mwehehehe.. Ngayon sweet naman siya?? Nadya daw.... Nadya mo muka mo! Che!
#pakipotmode
Hahaha! Anyway.. Tumingin ako sakanya.
" You broke the sweet atmosphere earlier. " Naks! English yun ah! Sinabi ko yun with masungit look.
" Sorry na.. Nagulat lang talaga ako.. I find it very sweet nga eh.. I love you....I love you.. " Sabi niya habang pinipisil-pisil ang mga pisngi ko with matching pacute at paawa-awa effect pa! Aaaaaraaay!
" Aaaaaarayy! " Totoo na yun ah! Sakit grabe! Kung maka pisil, gigil na gigil parang wala nang bukas ah! Wagas!
Sa wakas tinanggal naman niya ang mga kamay niya. And guess what? Hindi ko parin siya pinapansin..
" Cute. " Soooobrang hina niyang bulong. Super mahina lang talaga pero narinig ko parin. Kinilig naman ako dun.. Pero hindi ako nagpahalata.. Kailangan panindigan ko ting pagsusungit.. Mukang effective naman eh..
" Uyy. " " Uyy. " " Uyy. " Paulit-ulit niya lang yon ginagawa habang inaalog ng mahina ang balikat ko. Che! Hindi ko parin siya pinapansin.
" Fuck! You're ignoring me, Nadine. " Seryosong sabi niya. Parang desperado na siyang pansinin ko siya. Buti nga sakanya.

" Nadine, I said I'm sorry. Sorry for hurting your feelings. Sorry for breaking the sweet atmosphere. I like what you did. It was sweet and adorable. I was just shocked cause I didn't really expect that you would do the same thing. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry. I've learned my lesson. Sorry. "

Wow! Ang haba nun ah!

" Fine. " Pagbigay ko. Sorry. Di ko na kaya. Too cute.. Di ko na kayang tiisin.
Nagsmile siya ng pagkalaki-laki. Alam mo yun? Yung parang nagbrighten up yung muka niya, parang nagkarainbow sa tuktok ng ulo niya at may mga anghel na kumakanta sa paligid. Lol! Nakakatawa naman yung iniisip ko.

" I forgive you. Matitiis ba kita? Sobrang mahal kita eh. " Wow! Maski ako kinilig din ako sa sinabi ko ah.. Nagsmile siya saakin ng nakakaloko. Tumingin lang siya saaking ng nakakatunaw sabay akbay.
" That's my girl. And remember, mas mahal kita. " Sabi niya nang nakaakbay parin at pagkatapos ay hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko malapit na sa may forehead. Napangiti ako. Nanuod nalang kami ng TV.

Ganun lang kami for like 10 minutes pa. Nakaupo lang kami sa dulo ng sofa.
Nakaakbay lang siya saakin. Nakasandal ang ulo ko sa balikat niya. At nanunuod ng TV.

Maya-maya ay may narinig akong mahinang mga giggles o mga tumatawang boses na hindi mo alam kung kinikilig o kinikiliti..

Ano yun? Tumingin ako kung saan nanggagaling ng mga ingay. Napatingin ako sa may kitchen malapit sa maid's room. Nakita ko ang mga maids pero mabilis din silang naglaho ng parang mag mabibilis na daga. Bigla nalang silang tumakbo papasok ng maid's room para makapagtago. Pero too late bwahahahahaha nahuli na sila ng mga mata ko.. ( _ _ . ) Gotcha! May patago-tago pa kayo ha! ( ^ _ ^ )

" Alis na tayo, Nadya. Tapos na ako maligo. Ligo ka na, dali. " Sabi niya.
Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa malayo. Tinatamad pa akong maligo. Aga-aga pa kaya. Mga 7:00 palang kaya.
" Kapag hindi ka tumayo dyan, ako na ang magdadala sayo sa banyo at magpapaligo sayo. " Ang cute niya talaga magtagalo----- Whaaaaaaaat?
Tumigin siya sakin sabay ngiti ng soooobrang mapang-asar. Ghhhhhaaaawwwddd! Yan nanaman siya!
Napatingin ako sakanya at lumaki ang mga mata ko. As in! Ganito oh!

( O 0 O )

No waaaaaay! Eto na! Eto na! Tatayo na po! Gosh!
" Opo, maliligo na po. " Tumayo na ako ng mabilis at sabay takbo sa hagdanan para pumunta sa banyo ng kwarto ko at maligo. ( > _ < )

I Love You IdiotUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum