Chapter 12 - 2nd Wish

610 38 2
                                    

" Anong 2nd wish mo? " Lumingon ako sakanya.

Nagdra-drive siya ngayon. Nandito na kami malapit sa street ng bahay ko. Ang lakas ng ulan sa labas grabe! May bagyo kaya?
Ihahatid na niya ako sa bahay tapos wala pa siyang 2nd and 3rd wish.

" Hmmm... " Itinigil niya ang sasakyan at tinabi muna sa gilid ng kalsada. Nagisip siya. Maya-maya ay bigla na lang siyang ngumiti ng pagkalaki-laki at tumingin saakin. Oh no! Hindi ko gusto yung ngiting yan!

" Ano na nga? " Kinakabahang tanong ko sakanya.
" Umuulan ng malakas diba? " Tanog niya habang nakangiting malapad.
" Oo. " Sagot ko. Anlakas nga eh!
" Malapit na tayo sa bahay mo diba? " Ano nanaman bang binabalak nito...
" O-oo nga! Diretsuhin mo na nga ako? Ano bang 2nd wish mo?! " Naiirita kong sabi sakanya.

" Matutulog ako sa bahay mo. Wala ang mga parents mo, maids lang kaya wala naman sigurong magagalit. Soooo pwede akong maki-stay ngayong gabi. And besides, ang lakas ng ulan oh! Baka baha na niyan sa mga dadaanan ko pauwi. Gabi narin kaya! "
Wow! World record lang! Andaming ginamit na tagalog words.
( ^ _ ^ ) -----|> proud girlfriend...

Pero whaaaaaat?!? Ano raw? Matutulog siya sa bahay ko? Saan naman siya dun sa sala? Sa kwarto ko o sa guest room? Malamang sa guest room ko papatulugin yun! Hello?? Baka kunng ano pang isipin nila manang pag sa kwarto ko no!
" Sa room mo. " Sabi niya na para bang nababasa ang utak ko.
" Noooo! " Sigaw ko.
" Bakit hindi? 2nd wish ko kaya yun. " Pangangatwiran niya.
" Waaah! Hindi pwede, baka kung ano ang isipin ng mga maids. Atsaka isa pa lalaki ka babae ako. Bawal tayo matulog sa iisang kwarto no! At teka lang... Monday bukas, may pasok! " Sigaw ko sakanya.
" I bet suspended naman eh. " Calm na sabi niya.
.
.
.

SILENCE

" You trust me right? " Sabi pa niya habang nakatingin sa mga mata ko.
" Umm..oo naman James pero..." Naguguluhang sabi ko.
" No buts. You said you trust me. I promise, I will not do anything bad to you. " Mahina at gentle na sabi niya saakin.
" O-okay. " Yun na lang ang nasabi ko.
Nagdrive na ulit si James.

**********************
" Oh! Dito ka matutulog sa baba ah. Nilagyan ko na ng kutchon. Okay? Maliligo lang ako. Behave. " Sabi ko.
" Can I come with you? " Mapang-asar na sabi niya.
" Noooooooo! " Sabi ko sabay sarado ng pintuan sa banyo.

Nandito na kami ngayon sa kwarto ko. Kung tinatanong niyo kung paano?
Binola lang naman ni James sila manang Lourdes... At sinabing makikitulog lang daw siya ngayong gabi dahil malakas na ang ulan at baka baha na sa mga kalsada. Stranded daw siya. At wala naman daw siyang gagawing masama saakin sa kwarto ko. Aba dapat lang! Sus! At narinig ko pang sabi niya kaila namang na ako na raw ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay........kaya ayun! Botong-boto na sila manang sakanya. Haha! Pero aminin, kinilig naman din ako dun sa sinabi niya eh.

Paglabas ko galing banyo, nakita ko si James na tulog na sa KAMA KO!
Pasaway talaga to. Sabi ko dito siya sa baba eh.
Sinubukan ko siyang gisingin pero ayaw naman magising.
Soooo dito nalang ako sa baba, sa kutchon. Alangan namang tabihan ko siya sa kama ko diba. Anu ba yan! Nagkapalit pa kami.

Umupo na ako sa kutchon dito sa sahig. Nakakapagod din ang araw na ito pero nagenjoy naman ako ng sobra.
.
.
Napatitig ako sa muka niya. Nakaharap kasi siya sa side ko.
Hmmmmmm...
Bigla akong napangiti sa naisip ko.
Naisip ko lang naman na ang cute niya. Para siyang batang maliit na hard-headed.
.
.
Naisip ko rin na nagbago na siya. Dati ang sama-sama ng ugali niya, bully siya, ang sungit niya saakin pero simula nang maging kami... Nagiba siya.
.
.
He changed because of me. I smiled.
.
.
May soft side din pala siya.
.
.
.
Lumapit ako sa kanya. I kissed him on the lips.
" Goodnight Hayme ko. I love you. " I whispered to him.
.
.
9:00 na. Bumalik na ako sa pagkaka-upo ko dito sa higaan ko.
Kinuha ko ang school bag ko. Kinuha ko ang mga libro ko. Bubuksan ko na sana ang English book ko nang biglang....
[ 🎶 Beacause you know I'm all about the bass, bout the bass,
no treble 🎶 ] Biglang nag-ring ang phone ko na nakalagay sa tabi ko.
Kinuha ko ito agad at sinagot ang tawag dahil baka magising pa si James sa ringtone ko. Buti nalang hindi nagising, mukang napagod din...

[ Hello? Yassi! May problema ba? Bakit ka tumatawag ng ganito ka-late? ]
Sabi ko kah Yassi.
[ Friend, walang pasok bukas... Suspended! Ang lakas ng ulan! Nakakaloka! Sinabi ko lang... Para alam mo dahil alam kong hindi ka naman masyado nanunuod ng TV dahil puro ka aral haha! Kaya hindi ako maging top 1 eh. Joke lang XD Buti narin ito para hindi madagdagan ang absent ko.. Diba nga dapat aabsent ako bukas. Goodnight! :* ]

Wow! Ang haba ng text!
[ Thank you! Goodnight! :* ] Reply ko sakanya.
Kahit na alam kong walang pasok bukas ginawa ko parin ang mga assignments ko para wala na akong gawin bukas.
Pagkatapos non ay pumunta akonbanyo para magtooth-brush.
Lumabas na ako ng banyo at pinatay ang ilaw.
Binuksan ko muna ang lampshade ko sa side table ng kama ko kung saan natutulog si James.

Humiga na ako sa higaan ko sa sahig.

at natulog na.....

****************************

AUTHOR'S NOTE:

Hello! :)))
Thank you sa pagbabasa nitong story ko ha! Oo, ikaw!
Ang saya! Andami ng READS Haha XD
Vote. ( 0 _ 0 )
Comment. ( ^ _ ^ )
At please follow me. ( _ _ . )

XOXO
-Author

I Love You IdiotOnde histórias criam vida. Descubra agora